NAGHULOG ng five peso coin si Charlyn sa coin slot ng tread mill at pinindot niya ang tamang bilis na nais. She was in a good mood, parang sumasabay sa tamang takbo niya ang kantang ‘Mahal na mahal’ by Sam Concepcion na umaalingawngaw sa loob ng Adonis Fitness Center. At oo, back to the gym na ulit siya, pero siguradong gagaan kahit papaano ang work-out plan niya dahil tamang program na ang kanyang gagawin. Pangiti-ngiting binabati ni Charlyn ang ilang gym-goers na dumadaan sa harap niya. Ang iba nga ay nagtatanong kung baguhan lang daw ba siya doon, pero sinabi niyang hindi. Siguro ay dahil na rin hindi siya makilala ng iba doon, hindi na kasi siya naka-get-up bilang isang lalaki. Ang akala nga niya ay magtataka ang receptionist na si Zasa, pero nasabi na ni Lester ang lahat dito para wa

