Fauna Mendoza’s POV Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at sumilip sa loob. Halos lamunin na ng dilim ang buong silid, maliban sa mahinang liwanag na nagmumula sa bedside lamp sa tabi ng kama niya. Hindi na ako nag-atubili. Kumatok ako nang marahan, at agad kong narinig ang mahinang ungol ni Dave habang bahagya itong gumagalaw sa ilalim ng mga kumot. Lumapit ako para mas masuri ang lagay niya. Nakahiga siya roon, may bahid ng paghihirap ang guwapo niyang mukha na kasalukuyang nakakunot ang noo. Suot pa rin niya ang white long sleeves na ginamit niya sa opisina, pero gusot-gusot na ito. Kitang-kita ang mga butil ng pawis na naglalaro sa kanyang noo at leeg. Kahit balot na balot siya ng makapal na blanket, dama ko pa rin ang panginginig ng kanyang katawan. "Dave..." bulong ko haban

