Pagkatapos sa mall, sumakay kami sa kotse ni Kianna at pumunta sa isang sikat na high-end tavern malapit doon. Pagpasok namin, may ilang tao na ring nag-iinuman at nagkukwentuhan. "Pinayagan ka ni Terrence na uminom ngayon?" may pagdududa kong tanong habang naghihintay ng drinks. "Oo, matapos ang mahabang pakiusapan. Ang higpit nga eh, pero pumayag din sa huli," sagot ni Kianna sabay irap. "Sa kondisyon na dalawang baso lang ang iinumin ko." Natawa ako. Kilalang-kilala talaga ni Terrence si Kianna na pati limitasyon sa pag-inom ay binabantayan. Dumating ang drinks namin at nag-toast kami. "Nga pala, Fauna, kailan ko ba makikilala itong si Dave na kinuwento mo dati?" biglang tanong ni Kianna na ikinabulatid ko. Naikwento ko sa kanya si Dave noong huling pagkikita namin galing sa honey

