Chapter 42

1004 Words

Fauna Mendoza’s POV "Fauna, okay ka lang ba?" Naramdaman ko ang kamay ni Dave sa braso ko kaya natauhan ako at bumalik sa realidad. Ngumiti ako sa kanya at uminom ng tsaa na dinala niya para sa amin. Si Mrs. Balmillero naman ay nasa tabi ko, relax na relax na humihigop ng tsaa na tila ba walang nangyaring tensyon kanina. Noong sandaling binanggit niya kung sino si Amber, bumalik si Dave dala ang mga tasa namin, kaya hindi ko agad naproseso ang inamin ni Joana. Si Amber pala ang unang pag-ibig ni Dave. Paulit-ulit ’yong tumutunog sa pandinig ko pero parang ang hirap intindihin. So, nagka-first love si Dave, tapos? Ano ngayon? Pero bakit binanggit ni Joana ang tungkol sa kamatayan? Malinaw kong narinig na sinabi niya... 'pagpanaw ni Amber.' May nangyari ba? Tumingin ako kay Dave at Mr

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD