THIRD PERSON POV:) "Hello?" Namaos na tanong niya dito. "Tol! Pauwi na si mommy ngayon! Susunduin ko siya mamayang tanghali!" Si Conan ang nasa kabilang linya. "Tol, sorry. Di ko talaga mahanap yung brief---" "Tol! Wag mo muna isipin 'yon. Kailangan ko tulong ninyo ngayon nila Spike." Putol nito sa sinabi niya. "Ano ba 'yon?" Nakahiga pa rin na tanong niya. "Hanapan mo ko na magpapanggap na girlfriend ko!" Naidilat naman niya kaagad ang mga mata niya sa sinabi nito. "What?!" Bulalas ko sa gulat. "Saka isa pa, Bro! Pina-day off ko yung katulong namin. Hanapan mo ko ng katulong na marunong magluto," tarantang request pa nito. "K-katulong? Anak ng! Sinong katulong idadala ko diyan?!" Naikunot na ang noong sabi ni Damon. "Kahit si Aling Sol nalang, bro. Asap!" Magsasalita pa sana

