AYLA ANAIH SARMENTO POV:) Mula nang mangyari ang kaguluhang iyon, natutunan ko makipagtaguan. I mean, kada umuuwi si Sir sa bahay, pinapatago na ko nila Sally at nanay sa kwarto ko. Baka kasi umalburuto na naman daw si Sir pag makita ako. Sino naman di mag-aalburuto kung makita ako? Ako lang naman nangialam sa gamit niya na di naman niya pinapakialam. Doon ko lang napagtanto na ang sama talaga ng ugali ni Sir. Di naman ako makaka-reklamo. Boss ko siya e, tanggapin ko nalang napunta ako sa boss na masamang ugali. Nandito ngayon ako sa kusina, naghugas ng mga pinggan. Ako naman palagi naka-assign dito, minsan si nanay. Di siya nakahugas ngayon dahil sumasakit na naman ang likuran niya kaya ako naka-assign ngayon sa kusina. Palabas na sana ako ng kusina nang napahinto ako nang makita ko

