AYLA ANAIH SARMENTO POV:) Tatalikod na sana ako nang natigilan ako sa paghakbang ng aking mga paa. Gulat at dahan-dahan lumingon ako para tingnan ang nagmamay-ari ng kamay na nakahawak sa aking pulsuhan. Slow motion na sinundan ko ng tingin ang nagmamay-ari ng kamay na iyon at nakita ko na lamang ang maamong mukha ni Sir. Bahagyang nanlaki naman ang mga mata ko ng makitang gising siya. Salubong ang aming mga mata habang nakatingin sa isa't-isa. Hindi ko magawang makapagsalita at hindi ko rin magawang gumalaw. Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko ngayon. "S-sir," kinakabahang sambit ko. D*mn! Nagising ko ata si Sir? Mukhang ikukulong na naman ako nito. Binitawan na nito ang pagkakahawak sa wrist ko na pinagtaka ko naman. Umayos ng pagkakaupo at bahagyang nag-unat ng katawan. Sigu

