AYLA ANAIH SARMENTO POV:) Kakatapos ko lang tulungan si nanay maghugas ng mga pinggan. Papunta ako ng garden para doon magpahinga. Nakita ko nalang yung ibang maid na tila may pinagkakaguluhan halos tinatawag pa ng isa ang kaibigan niya para yayain na panoorin ang pinapanood nila. Dahil sa curious, pumunta ako papuntang pool para makita nga ang pinagkakaguluhan nila. Nakita ko nalang sila na kanya-kanya silang tao. Yung isa sa poste, sa halaman at ang iba naman nakaupo at nakatago sa pinto. Nakita ko rin si Sally na kasama rin ang mga ito na nagtatago na tila may sinisilip. Hindi ko alam sino sinisilipan nila sa pool. Sobrang curious nilapitan ko ang kinaroroonan ni Sally. "Hoy! Ginagawa nyo?" "Ay pooo-ke!"Napatalon naman sa gulat si Sally."Nakakagulat ka, Gags," nakahawak sa dibdi

