AYLA ANAIH SARMENTO POV:) "Sir? Bakit nyo po ako pinatawag?" Tanong ko rito nang makalapit ako. Nandito kami ngayon sa CR kung saan nasa harapan namin ang mga damit na labahan. Nakaramdam na ako ng kaba dahil mukhang alam ni Sir na may tinago akong gamit niya. Baka papahirapan muna ako saka ako aamin. Sana naman kung paparusahan niya ako dahil sa pag singhot---isteh pagnakaw ng brief niya, wag na niya ako ikulong. No food, no water and lonely. Di ko talaga kaya. Naka-cross arms na humarap siya sa akin."May iuutos sana ako sayo," panimula nito. "Ano po iyon?" Sinikap kong hindi kabahan dahil umaasa ako na baka hindi talaga ako nakita ni Sir at may ipapagawa lang siyang trabaho sa akin. Sana nga tama itong iniisip ko. Wag muna mag-assume. "May hinahanap kasi ako," mahinang sabi nito s

