AYLA ANAIH SARMENTO POV:) "Sa tingin mo, makakawala ako sa hawlang ginawa ng mga taong sarili lamang ang iniisip nila?" Tanong ko na lamang sa katabi ko habang nakaupo ako sa gilid ng pool. Hindi naman sumagot ang katabi ko. Napangiti bumaling ulit ako sa tubig at pinagpatuloy ko lang ang paglalaro ng tubig habang nakalubog ang paa ko sa pool. Mayamaya nagpakawala na lamang ako ng malalim na hininga sabay tingin sa unahan. "Sa totoo lang, hindi ako masaya. Hindi ako malaya. Lahat ng ginagawa o pupuntahan ko, may nakabuntot sa akin at kailangan pang hintayin ang pasya ng lalaking iyon bago ko gawin ang gusto kong gawin. Lahat naman binibigay sa akin at lahat nasa akin pero dadating ka din pala sa point na masasakal ka at kailangan mo makahinga ng hangin. Nakakasawa din palang maging ma

