AVANNAH POV:) Pagkaalis ng babaeng iyon kasama si Conan, tumingin kaagad ako kay Damon na umaahon pa lamang sa pool. Nagulat ako sa ginawa nito. Really? Magagawa niyang tumalon at iligtas ang isang hampas lupang maid na iyon? Pagkatayo nito, nilapitan ko kaagad ito. "Damon, walang kasalanan si Carleen---" Hahawakan ko na sana ang kamay nito nang mabilis na winaksi niya iyon dahilan di ko napatuloy ang sasabihin ko. "Yes, because it's your fault!" Salubong na salubong ang kilay na singhal nito. "What?! W-why me?!" Di makapaniwalang bulalas ko halos naituro ko ang sarili ko. "Why you? Because I know you..." Makahulugang wika nito. Napaatras ako ng isang baitang nang makita ang nanlilisik nitong mata habang nakapukol sa akin. Nakaramdam ako ng takot at tumaas pa ang balahibo ko sa n

