AYLA ANAIH SARMENTO POV:) "May hang over pa ako. Napadami inom ko kagabi. Hayst!" saad ni Ma'am Avannah habang hinihilot ang kanyang noo. Papalapit ito sa kinaroroonan ng mga kaibigan niyang kumakain ng almusalan dito sa may pool area. Lahat sila may hang over at pagod dahil sa party nila kagabi. Sa pagkakatanda ko, alas dos na sila ng umaga natapos at natulog. Hinihilot pa rin ang sintido na naupo ito sa tabi ni Sir Kian. Nakatayo lamang ako sa gilid hawak ang pitchel na naglalaman ng juice. Ganito naman talaga gawain ng mga maid. Hintayin matapos kumain ang mga bisita ni Sir. Itinaas na lamang mayamaya ni Sir Clyde ang kamay bilang senyas. Sabay-sabay naman kami napatingin ni Sally dito. Hawak naman kasi niya ay pitchel na naglalaman ng tubig. Excited na excite naman 'yong kaibigan

