Chapter 3: Sir Damon

1999 Words
AYLA ANAIH SARMENTO POV:) "Anaih?" Napalingon na lamang ako nang may narinig akong boses na hindi pamilyar sa akin. Nakita ko namang may lalaking nakatayo at papunta rin sana sa tulay. Hindi ko siya kilala at parang ngayon ko lang siya nakita. May angking kaguwapuhan din siyang tinataglay at pananamit nito ay tulad na tulad kay Sir Damon. Takang-taka na nakatingin lamang ako sa kanya. "Sino ka? Kilala mo ko?" Tanong ko sa kanya. Base sa ekspresyon ng mukha nito ay bahagyang nagulat ito sa sinabi ko. Bahagyang napayuko ito at napabuga ng hangin nang may sumilay na ngiti sa labi nito. Di nagtagal ay umangat ito ng ulo at naging seryoso ang mukha nito. "Ako nga pala si Travis Rusato, ang assistant ni Damon." Pagpapakilala nito sa sarili."Legit pala talaga na nawalan ka ng memorya. Ibig sabihin wala kang naaalala kahit ni isa. Lalo na no'ng na-aksidente ka," kakaiba ang tono ng pagkakasabi niya at ngumiti lamang ng maliit. Napaka-misteryoso niya sa bahaging iyon. "Sandali. Anong aksidente ang nangyari sa akin ---" Natigil na lamang ang gusto kong itanong dito nang may nagsalita na lamang na nakakatakot na boses. "What are you doing here?!" Napalingon na lamang ako sa nagmamay-ari ng boses na iyon. Bahagyang napasinghap ako nang makita ang madilim na awra ni Damon. Salubong ang mga kilay nito at ang tatalim ng tingin niya sa akin. Kita ko sa kanya ang kakaibang awra na parang gusto niya ako burahin sa mundo. Matagal akong di nakakibo. Na-estatwa lamang ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa kanya. Ramdam ko hanggang laman ang galit sa kanyang mata. "I said, what are you f*cking doing here?" Ulit nito. This time, madiin na ang pagkakasabi niya sa linyang iyon. "P-pasensya na, Sir. Naligaw lang ako pero paalis na ko ngayon dito. Di ko kasi alam na bawal pala ako dito. Hehehe." Kahit kinakabahan, pinilit kong sabihin iyon para magpaliwanag. Naglakad na ako para umalis halos nakayuko pa ako nang dumaan ako sa tapat ni Sir Damon. Feeling ko nakatingin siya sa akin nang dumaan ako sa harap niya. Nang makalayo dito, mabilis na tumakbo na ako at iniwan ang dalawa sa garden. ***** "Inumin mo 'to para tuluyan nang maghilom yang sugat mo." Mabilis naman binigay sa akin ni Nanay Sol ang gamot at baso na naglalaman ng tubig. Bumangon naman ako sa pagkakahiga sa kama at kinuha nga iyon. Umubo pa ako sabay singhot bago inumin iyon. Medyo may sinat ako ngayon. Dahilan na rin siguro dahil nahulog kami kanina ni Sir Damon sa pool. Sabayan pa na kakalabas ko lang ng hospital at hindi pa talaga ako okay. Syempre, lalagnatin ako dahil nga binigla ko ang sarili ko. Sabihin na natin binigla ako pa-trabahuhin ni Sir. Sobrang heartless talaga niya. Walang awa. Super! "Masyadong makalat ang kwarto mo. Ako na maglilipit nitong mga damit mo." Prisinta ni Nanay Sol. Umupo ito sa gilid ng kamang hinihigaan ko at sinimulang tupiin ang mga damit na nasa maliit na lamesa. Nilagay ko sa ibaba ang baso pagkainom. Pinagmasdan ko lamang si Nanay Sol sa ginagawa niya. Masyado akong naboboring at gusto kong may makausap. "Nay?" Napangiti naman ito sa narinig sa akin."Bakit 'nak?" Tanong nito sabay sulyap sa akin. "Nasaan po ang tatay ko?" Tanong ko sa kanya. Gusto kong malaman kung may tatay pa ba ako o buhay pa ba siya. Gusto kong malaman ang totoong ako at ano ang pamilya ko. Wala akong ka-ide-ideya kung sobrang hirap ba namin o ano ugali ng mga magulang ko. Base naman sa nakikita ko, mabait si Nanay. Mahinahon siya magsalita at parang di siya marunong magalit. E ang tatay ko? "W-wala na siya, 'nak." Nautal na amin nito. Nagulat naman ako sa narinig. Malungkot na bumaling sa ginagawa si nanay at pinagpatuloy ang ginagawa nang sinimulan niya mag-kwento. "Inatake siya sa puso."Panimula nito."Inatake siya habang may kausap siya. Hindi ko alam ano sinabi sa kanya ng taong iyon pero iyon ang dahilan ng kinamatay niya. Di ko alam ano ang nalaman niya bakit gano'n na lamang ang sinapit niya, inatake siya sa puso." malungkot na kwento nito. Nalungkot naman ako sa nalaman. Gusto ko sana magtanong pa tungkol doon pero nagsalita ulit siya na dahilan naitikom ko na lamang ang bibig ko. "Wag kang mag-alala. Mabait ang ama mo," nakagiting sabi nito."Matulog kana at maaga pa tayo bukas." Baling nito sa akin. "Bakit po? May pupuntahan po tayo?" Takang tanong ko. "Gagawa tayo ng cupcakes at cake bukas. Birthday bukas ni hijo." aniya. "Ah? Hijo?" Napataas ang isang kilay na tanong ko. "Si Damon," nakangiting sabi nito na kinanlaki naman ng mata ko."Bente-sais na siya bukas. Pupunta ang mga kaibigan niya dito para dito mag-party. Kaya matulog kana dahil busy tayo bukas." Nagbi-birthday din pala ang heartless na iyon? Pag tititingnan mo parang wala siyang hilig mag-party. Sa sobrang salubong ng kilay niya, kunti nalang mag-pantay na ang mga iyon. Sabagay, gano'n lang naman siya pag nakikita ako. Siguro, ako ang sakit ni Sir. Pag nakikita niya ako, naha-highblood siya. Taray naman ng sakit niya! Makabago! "Tapos na 'to. Alis na ko," tumayo na sa pagkakaupo si nanay at humarap sa akin."Matulog kana ah?" Nakangiting sabi pa niya sa akin. Humiga na nga ako at nag-kumot. Bago paman siya lumabas, tinawag ko pa siya. "Nanay?" Napalingon naman ito sabay ngiti ulit sa akin. "I love you po." sabay ngiti ng matamis. Nakita ko naman na may namumuong luha sa mga mata niya. Tumango lamang ito at umalis na para maikubli ang nararamdaman nito para di ko makita. Ipinikit ko na nga ang mga mata ko para matulog. ***** "Wow!" Bulalas ko. Nang buksan ni Nanay Sol ang oven at kinuha niya doon ang cookies na ginawa niya. Nilagay niya iyon sa lamesa habang may suot na cloves. Pagkalapag niya, mabilis na inamoy ko iyon. Kunti nalang masinghot ko ang mga iyon at mapasok sa ilong ko dahil sa sobrang sarap nito. "Ang bango! Nay, patikim kahit isa lang." Parang bata na sabi ko dito halos nag-one sign pa sa kamay. "Sige. Isa lang ah?" Nakangiting payag nito. Tuwang-tuwa na napatalon naman ako sa tuwa. Kukuha na sana ako nang makita ko sa pintuan ang nakatayong pamilyar sa akin. Nanlaki na lamang ang mata ko nang makita si Sir Damon. Seryoso lamang na nakatingin sa akin. Dahil wala ang tingin ko sa cookies, napaso ako. "Aray!" Mabilis ko naman nalagay sa bibig ko ang hintuturo kong napaso. Andyan na naman yung Damon'yo. Sana wag niya ko pag-initan ngayon. Birthday pa naman niya baka masira ko araw nya dahil sakin. "Hijo, magandang umaga! Happy Birthday!" Bati ni nanay sol ng makita ito. Pumasok na nga sa loob si Sir Damon at tumungo sa ref. Ako naman ay natahimik at sinikap kong hindi gumawa ng ingay na makagawa naman ng katarantadahan. Baka magalit na naman ito sa akin. Kumuha ito ng can beer. Pagkakuha sinara naman nito kaagad ang ref. "Hindi po ako mag-aalmusal dito, Nanay Sol." Paalam nito sa mama ko. "Bakit hijo? May pupuntahan ka ba?" Tanong naman ni nanay nang inalis nito ang cloves sa kamay. "May emergency lang pero uuwi din ako mamaya kasama ang mga kaibigan ko," paalam nito. "Sige, hijo. Mag-iingat ka." Naglakad na nga ito para lumabas ng kusina. Akala ko makakahinga na ako ng maluwag nang tumigil ito sa paghakbang. "Oo nga pala," humarap ito na kinapitlang ko naman. Nang tumama ang mata namin, mabilis naman ako napayuko. Grabe na pala phobia ko sa titig niya. Kahit di naman salubong ang kilay niya, feeling ko ang lagkit ng tingin niya sakin. Tumikhim muna ito."Pwede bang lumabas ka muna? May sasabihin lang ako kay Nanay Sol." Baling nito sa akin. Tumingin muna ako kay Nanay Sol. Nang sumenyas ito gamit ng mata niya kaya sumunod kaagad ako. Lumabas nga ako ng kusina at iniwan ang dalawa sa loob. Ano kaya pag-uusapan nila? **** "Ah? Bakit di ako pwede lumabas? Bakit kailangan kong magkulong sa kwarto? Para saan?" Bulalas ko sa gulat. Sino di magugulat doon. Pag dumating na raw ang mga bisita ni Sir Damon, dito lang daw ako sa kwarto. Bakit o bakit? Pangit ba ako para itago sa mga kaibigan niya? "Sundin mo nalang, 'nak. Pagpasensyahan mo na si hijo. Baka kasi raw may magawa ka na ikakahiya niya." Napapakamot sa ulo paliwanag nito. Bakas sa mukha ni Nanay Sol na nahihirapan siya ipaliwanag sa akin. Ikakahiya? Gano'n ba ako ka-clumsy? Ginagago ba niya ako? Feeling ko tuloy reyna ako ng sablay. Kahit anong gawin ko baka may katarantadahan ako magawa. Gano'n ba tingin niya sakin? Napaka-jerk niya! Walang magawa kaya napabuga na lamang ako ng hangin. Ano pa ba magagawa ko? Susundin ko na lang. Boss ko e, katulong ako naman. Alangan bumaliktad sitwasyon namin ni Sir. Ako na yung boss saka siya na yung katulong. Sana nga mangyari. Hay! "Sige, 'nay." Payag ko nalang kahit labag sa kalooban ko. **** Napaka-boring! Anong buhay 'to, oo! Para tuloy ako si Fiona na nakakulong sa Castle at naghihintay na may sasagip sakin. Kaibahan lang wala akong Shrek na sasagip sakin dito Kulong! Kulong! Tamang maging preso ako dahil nakakulong ako sa kwarto ko. Nagsisimula na yung party ni Sir. Mukhang sa sala sila nagse-celebrate. Rinig ko kasi ingay nila mula dito sa kwarto ko at puro boses lalaki ang naririnig ko sa labas. Sabagay barkada nga, baka lalaki mga barkada ni Sir walang babae. Ano bang buhay 'to? Gusto ko lumabas, magpahangin. Magpa-garden---napabangon na lamang ako sa kinahihigahan ng may maisip na ideya. "Tama! Bakit kaya di ako pumunta ng garden? Kailangan ko mag-ala ninja para di ako mahuli ni Sir. Tama nga!" Mabilis naman akong bumangon sa pagkakahiga at naghanap ng balabal na tatakip sa mukha ko. **** Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Sumilip pa ko sa paligid bago lumabas ng kwarto ko. Baka kasi may tao o baka nandito si Sir Damon. Pag mahuli niya akocna nagsusulisit, patay ako nito. Nang masiguro na wala ngang katao-tao, dahan-dahan kong sinara ang pinto halos sinikap ko pang hindi maglikha ng ingay n'on. Parang ninja na dahan-dahan ako naglakad habang nakadikit sapader. Habang papalapit ako sa sala, lalong lumalakas ang ingay mula roon. Pagkarating, nakita ko naman ang mga kaibigan ni Sir Damon na nag-iinuman sa sofa habang sa kabilang sofa naman ay may dalawang naglalaro ng video games sa T.V. Sa may labas naman ng pintuan, nakita ko si Sir Damon, may kausap na lalaki. Nang masiguro na hindi sila nakatingin sa direksyon ko, naglakad ako papunta sa hallway na patungo sa likuran ng bahay. Hawak ko lamang ang labi ko na natatakpan ng tela. Nakabalabal kasi akong itim, pinili ko ito kasi para magmukhang ninja ako. Syempre, kailangan mag-doble ingat. Incase mahuli ako ni Sir Damon, di niya makikilala ako. Galing ko magplano, di ba? Nang natatanaw ko na ang pintuan palabas ng bahay, napatigil na lamang ako sa paglalakad nang bumukas ang pintong nasa tapat ko at may lumabas na tao mula roon. "Sino ka?" Tinig ng isang lalaki. Napaka-ganda ng boses niya na parang naglalaro sa aking tainga. Nang bumalik ang tamang pag-iisip ko, na-estatwa naman ako sa kinatatayuan. Hindi ko kayang lumingon dito para ipakita kung sino ako. Hindi ko alam ano gagawin ko, kung magpapaliwanag ba ako o tatakbo. Paano kung malaman ni Sir Damon na tumakas ako? Paano kung sumigaw itong lalaki at mapagkamalan akong magnanakaw? Patay ako kay Sir! Tumakbo kaagad ako kaso napatigil ako sa pagtakbo na mabilis na nahablot ng lalaki ang balabal sa mukha ko halos mabali ang leeg ko. Nang matagumpay na naalis nito ang balabal sa mukha ko, napatingin naman ako dito. "Y-you..." Sambit nito nang makita ang mukha ko. "Hayst!" Sambit ko na lamang na palpak ang plano ko. Kumaripas naman ako ng takbo palabas ng bahay. Dumeretsyo ako sa garden para doon magtago. Sana hindi ako kilala ng lalaki. Kung kilala niya ako, sana hindi niya ako nakilala. Baka isumbong niya ako kay Sir Damon. Panigurado, patay ako nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD