Chapter 4: First Warning

1655 Words
THIRD PERSON POV:) "Bakit?" Tanong ni Damon sa kanyang kaibigan nang makitang nakakunot-noo ito na tila may inaalala. Kamot-kamot ang ulo habang papalapit sa kinaroroonan nila dito sa sala. "Bro, may bago ba kayong maid dito?" Tanong na lamang ni Conan sa kanya. Siya si Conan Harvis, matalik na kaibigan niya at isang mayamang negosyante katulad niya. Isa siyang C.E.O sa kompanyang pagmamay-ari ng umampon sa kanya. "Bakit?" Tanong niya rito habang hawak ang basong naglalaman ng alak. "So, wala kayong bagong maid?" Bulalas nito. Napakamot-ulit ito ng ulo habang nakatingin sa ibang direksyon."E sino 'yon? Bakit parang nakita ko na siya?" Mahinang turan nito."Anyway, kasyang-kasya sakin yung damit mo." Nakangiting baling nito sa kanya. Nakita naman niyang bumagay at kumasya dito ang kanyang damit. Natapunan kasi niya ito ng alak, dahil wala siyang dalang pamalit ay pinahiram niya ito at pinapili ng damit sa kanyang kwarto. "Nagmukhang si Damon ka ah?" Sulpot na lamang ng isang kaibigan niya at kausap niya kanina sa may pintuan. Nakapatong ang siko nito sa balikat ni Conan. Siya naman ay si Nike Vallejo, ang kaibigan niyang hacker at mahilig mag-imbento ng mga naisipan nitong imbentuhin. "Baduy nga e. Baduy niyang pumorma," Pabirong sabi ni Conan. "Ano sabi mo?" "Joke lang." Sabi kaagad nito sabay tawa. Napatingin na lamang sila sa dalawa nilang kaibigan ang tumawa ito ng malakas. "K.O ka!" Sabi ni Spike Salazar sa kaibigan niyang kalaro niya sa video game. Ito naman ay magaling magpanggap at paniniwalain ang tao na maganda ang pakay niya. "Siniko mo ko, syempre maki-K.O ako." Natatawang sagot naman ni Kian Jasper Leonardo, ang gun shooter nila. "Mga isip bata." Napapailing-iling na lamang na turan ng isa ring kaibigan nila. Nagsalin ito ng alak sa baso habang nakaupo ito sa kabilang sofa. Iinumin na sana nito ang basong sinalinan ng alak ng agawin ito ng kakambal niya. At ito na nga ang lumagok iyon. "Sarap!" Sabi nito pagkainom."Isa pa nga?" Pabirong utos nito sa kakambal niya sabay lapat ng kamay hawak ang baso. Siya naman si Clay Cortwar, ang taga plano nila. "Tsk!" Sambit lamang nito at sinalinan ang baso ng kanyang kakambal. At siya naman si Clyde Cortwar, ang taga hawak ng mga armas. Silang anim ay isang gangsters at si Damon ang Mafia Boss nila. Sa kabilang dako, patungo si Aling Soledad sa kwarto ni Anaih may dalang pagkain para dito. Kumatok muna ito sa kwarto nito. "Anaih? Buksan mo ang pinto, may dala akong pagkain." Sabi nito. Wala siyang narinig na sagot mula dito. Kaya napagdesisyunan na buksan na lamang ang pinto at pumasok. Baka natutulog kasalukuyan ngayon si Anaih. Pagpasok ni Aling Soledad sa loob, naabutan niyang wala doon si Anaih. "Asan si Anaih?" Naituran na lamang niya. AYLA ANAIH SARMENTO POV:) Nandito na ako ngayon sa Garden, nakaupo sa swing at parang bata na nagsi-swing lang doon. Di naman madilim dito dahil may ilaw saka may parang Christmas light pa na nagpaganda at nagpaliwanag dito. Di ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang mga halaman na may mga Christmas light. Medyo nakahinga na rin ako ng maluwag kaysa kanina sa kwarto ko, mainit saka feeling ko nasasakal ako. Wala kasing electric fan kaya natural naiinitan ako. Swing lang ako ng swing at ini-enjoy ang sarili sa nakikita. Di ko maiwasang mapangiti dahil nare-relax ako. Napadako na lamang ang tingin ko sa wrist ko. May nakita akong itim na parang may nakasulat. Mabilis ko naman hinawakan ang kaliwang wrist ko at binasa ang tattoo ko roon. Freedom. Yan naka-sulat doon. Maliit lang pagkaka-tattoo pero mababasa mo siya. Inaalala ko kung mahilig ba ako magpa-tattoo noon. Paano o bakit nagpalagay ako nito sa wrist ko. Kung iisipin, di ko ugaling magpa-tattoo. Wala naman akong tattoo na nakita sa katawan ko kundi dito lang sa wrist ko. Para saan ba ito? Mas nagtaka pa ako nang mapansing may suot akong sing-sing. Itinaas ko pa ang kamay ko sa ere at tiningnan ang sing-sing na kumikislap pa ang bato nito. "Totoong diamond kaya ito?" Tanong ko na lamang. Bakit may sing-sing ako? Siguro, trip-trip ko lang 'to magsuot nito? Napaayos na lamang ako sa pagkakaupo sa swing nang makarinig ng ingay. "Himala! Kailan ka pa nagpagawa ng garden?" "Marami ginastos mo para dito ah?" Narinig niyang boses lalaki. Nakita na lamang niya di kalayuan si Damon kasama ang mga kaibigan nito. Dali-dali naman siya napatago sa mga halamanan. Sumilip pa siya bahagya para panoorin ang mga ito. Nagsipunta ang mga ito sa isang bahay-bahay at nilapag ang mga dala nila sa mesa. "Hindi naman mahilig si Avannah sa mga ganito, ano meron?" Tanong pa rin ng lalaki na...ah? May kakambal siya? Hindi sumagot si Damon bagkus sumalin lamang siya ng alak. "Oo nga pala, kailan uuwi yun?" Tanong pa rin ng lalaking may kakambal. Yung kakambal nito ay nakaupo lamang hawak ang cp nito. Avannah? Sino 'yon? Girlfriend ni Sir Damon? Nasaan ba ngayon 'yon? "Sino ka?" Nagulat na lamang ako nang may nagsalita sa likuran ko. Napatalon naman ako sa gulat halos napaharap dito. "Nakakagulat ka..." Sabi ko pagkatapos ko sumigaw. Nanlaki mata na lamang ang lalaki nang makita ako halos napaturo-turo pa ako nito. Doon ko rin natandaan na siya nakahuli sakin kanina. Kaya ba nandito sila dahil sinumbong niya ako? "Sino 'yan?" Narinig niyang boses ni Damon. Napahawak naman ako sa bibig ko. Oh my! Mahuhuli na ata ako. Lumapit naman sila Damon sa kinaroroonan namin. Ramdam kong nasa likuran ko na si Sir Damon kasama ang mga kaibigan niya. Nanatiling nakatayo lamang ako ng talikod at hindi ko magawang lumingon. Katapusan ko na ngayon. "Show yourself." Madiin na sabi ni Sir Damon. Takot na takot naman ako nang marinig ko ang boses niya sa likuran ko. Di ko na maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Hindi ako sumunod sa utos niya at panigurado ako, ire-red tag niya ako mamaya. Dahan-dahan naman ako lumingon. Nang tuluyan na akong humarap, sumalubong kaagad ang mga kilay nito habang nakatingin sa akin ng nakakatakot. Habang ang mga kaibigan niya ay namangha nang makita ako. "H-hello. Hehehe." Nauutal na bati ko dito halos nag-fake laugh pa ako. Death balls ako mamaya nito may Sir Damon. Puno ng tawanan ang nangyayari ngayon dito sa garden. Akala ko papagalitan ako ni Sir Damon, hindi pala. Hinayaan niya akong makipag-bonding sa kanila. Niyaya kasi ako ng isa sa kaibigan niya si Nike na sumali sa kasayahan nila. At nandito nga kami, naglalaro ng chess dito. "Tol, babae kalaban mo pinapatumba ka lang?" Pabirong pang-aasar ni Nike sa kaibigang si Clay. Ito lang naman kalaban niya sa Chess. "Nakakahiya sa lahi natin, kapatid. Ayusin mo yan." Biro rin ng kakambal niyang si Clyde. Tumawa naman sila ni Nike. "Tumahimik nga kayo! Panira kayo ng konsentrasyon ko." Saway naman niya sa dalawa. Tumira na nga siya. Tumawa nalang bigla si Spike at Kian na kinataka ng tatlo. "Kapatid, wrong move ka." Napa-smirk na sabi ni Spike. Tumingin naman ang tatlo sa akin. Nag-smile pa ko ng side sabay tumira. Nanlumok na lamang si Clay nang nakain ko lahat ang bishop niya lalo na ang nag-iisang queen niya. Napaawang naman ang bibig nung dalawa nang makitang naubos ko ang ano ng kaibigan nila. Tumawa naman ng tumawa naman si Spike at Kian sa nakitang reaksyon ng mga kaibigan nila. "Aray!" Nakatanggap naman ng batok si Clay sa kakambal niya. "Pinahiya mo lahi natin! Bumalik ka sa tiyan ni mama. Pahiya ka." "Dapat pala nung nasa tiyan tayo ni Mama, matagal na sana kita tiniris. G*go!" Pabirong sagot pa rin ni Clay kay Clyde. Nagtitigan naman ang magkambal na akala mo'y may kuryente sa kanilang mata na naglalaban. Tumawa lamang kami dahil sa dalawa. Natigil na lamang ang tawanan namin nang dumating si Sir Damon kasama si....Conan ata name niya. Siya yung nakahuli at nakakuha ng balabal sakin kahit kanina, siya rin nakahuli sakin dito sa garden. "Umuwi na tayo, Bro. Gabi na, may gagawin pa tayo bukas." Yaya na ni Conan sa mga kaibigan. Nagsitayuan na nga ang mga ito para umuwi na nga. "Next time ulit, Anaih. Salamat nag-enjoy kami." Nakangiting pasalamat ni Nike sa akin. "Oo, next time ulit." Nakangiting sabi ko rin. **** "Aray! Nasasaktan ako!" Mabibilis ang bawat hakbang ni Damon habang hawak niya ang siko ko at hinihila ako papasok ng bahay. Ramdam at kita ko sa kanya ang galit dahil mahigpit pagkakahawak niya sa siko ko. Halos matampilok na ako dahil di ko masabayan ang paglalakad nito. Pagkaalis kasi ng mga kaibigan niya, ito nangyari ngayon. Galit na galit sa akin si Sir Damon. Akala ko okay lang sa kanya yung kanina, mukhang mali ata ang hinala ko. "S-sir Damon, nasasaktan po ako." Daing ko. Pagkadaan namin sa sala, nagulat naman ang mga maid ng makita kami. Di naman nagtagal, nakarating kami kaagad sa kwarto ko at marahas na tinulak ako paloob. Dahil sa force na ginawa niya napaupo ako sa sahig halos nasaktan ako dahil tumama ang likod ko sa higaan ko. "Ang sakit." Mahinang daing ko. "Nagsabi na ako na huwag na huwag kang lalabas! Mahirap bang sundin ang inuutos ko ah?!" Singhal nito halos ituro pa niya ako. Kita ko sa mata nito na nangagalaiti ito sa akin sa galit. "P-pasensya na po, Sir. Di ko naman po kasi alam---" Naputol kaagad ang sasabihin ko nang magsalita ito. "Anong hayop na paliwanag yan?! Di ka ba nakakaintindi? Di ba sayo sinabi ni Nanay Sol na hindi ka lalabas sa kwarto na 'to?!" Patuloy na sigaw nito."O sadyang di mo lang naintindihan? Ang bobo mo!" Nagulat naman ako sa sinabi nito. Parang paulit-ulit ko naririnig ang word na 'bobo' sa utak ko. Feeling ko, napakasama ko at ang tanga ko. "This is my first warning! Di mo magugustuhan ang gagawin ko pag di mo sinunod ang mga sinasabi ko." Madiin na sabi nito at padaog na sinara ang pinto ng kwarto ko. Naiwan naman akong napahagulhol ng iyak sa mga tuhod ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD