Chapter 5: Expose

2106 Words
CONAN HARVIS POV:) "Ah? Siya?!" Bulalas ko sa nalaman kay Damon. Napatingin na lamang kami sa kubo nang marinig na nagtawanan ang mga kaibigan ki pati ang babaeng pinag-uusapan namin ngayon ng kaibigan ko. Bumaling ulit ako dito."Yung akala namin nangibang bansa ka, yun pala sinimulan mo na yung plano mo na hindi mo sa amin sinasabi?!" Tonong nagtatampo na pahayag ko."Paano kung bumalik ang alaala niya? Paano kung malaman ito ni Avannah?" Tanong ko dito. Humugot naman ito ng malalim na hininga."Sekreto lang natin 'to muna. Wag mo ipapaalam sa kanila tungkol dito at mas lalong wag mo sasabihin sa kanila ang pagkatao ni Anaih." Labag man sa kalooban, kumibat-balikat na lamang ako. Pumunta na nga kami sa kubo at niyaya na ang mga barkada na umuwi. "Umuwi na tayo, Bro. Gabi na, may gagawin pa tayo bukas." Nagsitayuan na nga ang mga ito. Bago paman sumakay sa kanya-kanyang kotse ay nagtanong bigla sa akin ang isa sa mga kaibigan ko. "Ano ba ni Damon si Anaih?" Tanong ni Spike sa akin pagkalabas ng gate. "Oo nga, kaano-ano ni Damon 'yon? Imposible namang maid nila. Itsura palang nito parang anak mayaman na." Naghihinala na saad ni Kian. Nagsitango naman ang mga kaibigan ko bilang pagpayag sa sinabi ng kaibigan nila. "A-anak ni Aling Soledad si Anaih." Pagsisinungaling ko. Iyon ang pagkakaalala ko na sinabi ni Damon sa akin, iyon ang irason ko dito. "Anak? May anak pala 'yon? Maganda pa!" Di makapaniwala na bulalas ni Nike. "Tara na! Bumalik na tayo sa headquarters." Pagyayaya ko na sa kanila para mahinto na ang topic na ito. Kanya-kanya na nga ito ng pasok sa kotse nila. Pumasok na rin ako sa loob at in-start ang engine. Bago paman ulit, naalala ko pa ang sinabi kanina ni Damon. "Sana i-sekreto mo lang ito. Siya ang tulay para malaman ko ang totoo." Humugot na lamang ako ng hininga. Umalis na nga kami sakay ang kanya-kanyang kotse. AYLA ANAIH SARMENTO POV:) Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at nakita ko na lamang sa labas ng bintana na sobrang tanghali na. Dali-daling sinuot ko ang tsinelas panloob at lumabas ng kwarto. Naabutan ko naman sa kusina si Nanay Sol na naghuhugas ng pinggang pinagkainan. Pagkalagay nito ng mga platong nahugasan na sa lagayan saka naman ako nito napansin. "Oh! Gising kana. Gutom kana ba? Okay kana ba?" Bulalas nito. Mabilis na pinunas nito ang basang kamay sa apron saka lumapit sa akin. Pinatong nito ang palad sa ulo ko. "Ano oras na po?" Tanong ko dito. "Wala ka nang lagnat." Sabi nito pagka-check ng temperature ko."Alas onse na ng tanghali. Kumain kana ng tanghalian baka malipasan ka na naman." Sabi nito at mabilis na kumuha ng pinggan at plato. Naupo na nga ako sa upuan. Nipag na nga ni Nanay Sol sa harapan ko ang plato at kutsara sabay bukas rin ng nakatakip sa ulam na nasa harapan ko. "Kumain kana, ikaw nalang hindi kumakain." Dagdag nito. Walang kasigla-sigla na kumuha na nga ako ng ulam at nilagay sa plato. Unang subo ko palang parang hindi ko malasahan ang sarap. Malungkot kasi ako. Napakalungkot ko ngayon kaya parang wala akong ganang kumain. Dahil na rin sa nangyari kagabi. Natulala na lamang ako habang nagre-replay sa utak ko ang nangyari kagabi. Ang sakit talaga ng mga sinabi ni Sir Damon. Akala mo siya nagpapakain---sabagay deserve ko talaga. Nalimutan ko na nakatira pala ako sa teritoryo niya. Tumulo na lamang ang luha ko na di namamalayan. "Nanay Sol, si Tokyo nakalabas na naman." Sabi ng isang katulong nang pumasok ito sa kusina. "Anong nangyari? Bakit nakalabas na naman?" Tarantang saad ni Nanay. Mabilis naman pinunasan nito ang kamay ng tela."Kumain ka nalang, Anaih ah?" Baling pa nito sa akin. "Opo." Nakayukong sagot ko para itago ang mukha ko. Ayaw ko ipakita na umiiyak ako. Ayaw ko may makapansin sa akin na malungkot ako. Nagulat na lamang ako nang may parang may nilagay na babasagin sa lababo. Napalingon naman ako sa likuran ko at nakita ko na lamang na may isang katulong na pumasok pala sa kusina na hindi ko naramdaman ang presensya niya. Pagkalagay niya ng plato at kutsara sa plato, tumingin pa ito sa akin ng seryoso. Mabilis ko naman pinunasan ang luhang dumaloy pisngi ko. Nang napansin kong nakatingin pa ito sa akin, nginitian ko siya ng matamis. "Hello? Ako nga pala si Anaih. Ikaw---" Natigilan na lamang ako sa pagsalita nang pinaikot nito eyeballs sabay talikod at naglakad paalis. Naiwan akong natigilan at napaawang ang bibig sa ginawa nito. Di pa rin makapaniwala na tinarayan ako nito, tiningnan ko pa ang nilabasan nitong pinto. "Ano nakain n'on? Sana okay lang siya." Nainis na sabi ko. Pareho lang naman kaming katulong dito, bakit inaarte-artihan ako nito na akala mo siya boss dito. Sana nga okay lang siya. ***** "Anaih!" Narinig kong tawag sa akin ng isa sa katulong dito na ngayon ay kaibigan ko na. One week mangyari ang gabing iyon, hanggang ngayon hindi pa rin umuuwi si Sir Damon. Sabi kasi ni Nanay Sol busy ito sa trabaho nito. Isang C.E.O raw ito at may-ari ng sikat na kompanya. Kaya naman napakaganda at napakalaki ng bahay niya kasi bilyonaryo siya. Mabilis ko naman binitawan ang walis tingting at pumunta ng likuran ng bahay. "Bakit?" Tanong ko pagkalapit. Nakita kong hawak nito si Tokyo."Ikaw muna magpaligo sa kanya. Tumatawag kasi si Mama. Gusto ko lang malaman ang kalagayan ni Papa." Paliwanag ni Sally, katulong rin na tulad ko at close ko na dito. "Sige." Payag ko kaagad. Mabilis naman nito binigay sa akin ang tali ni Tokyo. Kumaripas kaagad ito ng takpo papasok ng bahay. Naiwan akong nasa kamay ko si Tokyo. Lumuhod ako at nakangiting kinausap si Tokyo na nakaupo ito. "Kahit may kasalanan ka sa'kin, dapat good boy ka ah? Friends na dapat tayo, wag ka nang kukulit." Sabi ko dito. Mabilis na tinali ko ang tali nito sa isang bakal. Kinuha ko na ang host na nasa sahig. Papaliguhan ko na sana si Tokyo nang maalala ang damit ko. "Oo nga pala! Nilabhan ko yung isang uniporme ko." Sabi ko nang maalala. Para hindi mabasa itong suot kong uniporme naming pang-maid, hinubad ko nalang ang damit ko pati ang palda. Bago kasi ako nagsusuot ng uniporme naming pang-katulong, nagsusuot muna ako ng sando at short kaya hindi ko na kailangan pumunta sa kwarto para magpalit ng damit. Sinimulan ko na nga paliguhan si Tokyo. DAMON REID KINGSTON POV:) Bumisina ako para ipaalam na nandito na ako. Pinagbuksan naman ako kaagad ng gate ng guard. Pagkapasok sa loob ay mabilis na pinark ko ito sa harap. Umuwi ako para maligo dahil mga bandang alas 6 may meeting ulit ako sa member ng company ko. Pagkasara ko ng pinto ng kotse, naglakad na ako papasok sa bahay. Nakita ko naman si Nanay Sol na pababa palang galing taas dala ang mga damit na lalabhan. "Umuwi kana pala, hijo. Nagluto na ako ng ulam. Kakain kana ba?" Mahinahon ang boses na tanong nito pagkababa ng hagdan. "Mamamaya na po." Sagot ko. "Sige, hijo." Hahakbang na sana ako sa hagdan ng may maalala."Nanay Sol, si Rayyen?" Tanong ko dito. Si Rayyen ay isa sa hardinero ko dito sa pamamahay ko. Napalingon naman ito."Nasa likuran ata, hijo. Natapos na niya yung pinapagawa mong kulungan ng kuneho." Sagot nito. Naglakad na nga ako papunta sa likod bahay. Pagkalabas ko, nakarinig na lamang ako ng ingay. Boses babae na napakaganda sa tainga ang tawa nito na para bang naglalaro iyon sa pandinig ko. Mabilis ko naman hinanap ang tawa na iyon. Nakita ko na lamang ang babaeng pamilyar sa akin. Nakaluhod habang pinapaliguan at kalaro ang aso ko. Basa na rin ito ang damit nito kaya kita ang kurti ng katawan nito dahil sa suot nitong sandong puti na dumidikit sa katawan nito. Halatado rin sa damit nito ang suot nitong kulay pulang bra at expose na expose ang kalakihan ng hinaharap nito. AYLA ANAIH SARMENTO POV:) "Tokyo!" Tumawa ako."Nakikiliti ako." Sabi ko sabay tawa. Dinidilaan kasi ni Tokyo ang leeg ko. Lakas pa naman ng kiliti ko. Tumayo na ako sa pagkakaluhod para tapusin ko na ang pagpapaligo kay Tokyo. Kanina pa kami naglalaro dito baka pagalitan na ako pag makita ako ni nanay na nag-aaksaya ng tubig. Nilagyan ko na nga ng shampoo si Tokyo. Natigilan na lamang ako nang masagi sa paningin ko ang isang tao. Napatingin naman ako sa unahan, nakita ko naman di kalayuan sa kinaroroonan ko si Sir Damon. Nakatayo ito habang madilim na madilim ang mukha nito habang nakatingin ng seryoso sa akin. Nakaramdam na naman ako ng takot dahil naalala ko na naman ang nangyari kagabi, mga masasakit na salitang binitawanan nito. Nakatingin lamang ako dito habang hawak ang host na may lumalabas na tubig. Matagal kami nagtitigan ng dalawa. "Anaih!" Napalingon naman ako sa likuran ko nang marinig ang boses ni Sally. Nakita ko naman ito na papunta palang sa kinaroroonan ko. "Bakit?" Tanong ko dito. "Bilisan mo na! Andyan na si Sir Damon. Baka magalit 'yon pag makitang---ah? Di ka pa rin tapos magpaligo kay Tokyo? Ano yang suot mo?!" Bulalas na lamang nito nang makita ang katayuan ko. "Ah? Nandito si si---" paglingon ko sa kinatatayuan kanina ni Sir, wala na siya doon. Asan na 'yon? "Bilisan mo na! Papagalitan ka n'on Masyado pa namang mainitin ulo ni Sir." Napapakamot sa ulo na sabi ni Sally sakin. Napapailing na lamang na pinaliguan ko na nga si Tokyo. **** Kakatapos ko lang maligo, nakaupo lamano ako sa hinihigaan ko habang sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Nagulat na lamang ako nang may nagsalita sa paanan ng pinto ng kwarto ko. "Masaya ba?" Nakita ko naman si Patty, nakatayo sa pintuan habang nakasandig ang braso doon at naka-cross arms. Nakataas pa bahagya ang kilay niya, kita ko sa kanya ang pagiging kontra-bidang katulong sa bahay na ito. Siya lang naman yung tinarayan ako dati sa kusina. Mas mabait pa sa kanya si Sally. Pero "Ah?" Takang naituran ko lamang. Pinagsasabi nito? Nag-smirk lamang siya."Akala mo ba maaakit mo si Sir?" Makahulugang turan nito. "Anong pinagsasabi mo?" Di maintindihan tanong ko dito. Tumawa lamang ito ng limit."Di ka magtatagumpay sa binabalak mo." Naka-smirk na sabi nito. Umalis na nga ito at naiwan siya litong-lito sa mga sinabi nito sa kanya. **** "Nay?" Tawag ko. Pagkapasok ko sa kwarto nila, wala si Nanay Sol pero nakita ko ang mga nakatupi ng damit. Nakilala ko naman kaagad kung kaninong damit iyon. Sino pa ba panlalaking damit dito e si Sir Damon. Saka ko lang naalala na lumabas si Nanay Sol para ihatid ang mga bagahe sa kotse ni Sir. Aalis si Sir Damon, di ko alam saan siya pupunta at bakit madaming dala siyang bagahe. Sa tingin ko mag-a-out of town siya. May pera siya pang punta sa ibang bansa e. Sana all nalang muna ako. Naisipan kong idala na ito sa kwarto ni Sir na mga damit niya. Ako na maglalagay nito doon kasi alam ko pagod si Nanay Sol. Para mabawasan din mga ginagawa niya. Nilagay ko ang damit ni Sir sa lagayan nito at naglakad na para tumungo sa kwarto ni Sir sa taas. Di pa ko nakaka-akyat sa second floor. Naku-curious tuloy ako kung ano itsura sa taas. Feeling ko nga, ako lang na maid di pa nakakapunta. Di naman kasi ako inuutusan ni Nanay Sol na pumunta doon para doon maglinis. Pagkarating ko sa pinakadulo, napa-wow na lamang ako sa ganda. Di ko maiwasang mapalingon sa mga painting at mga design na nadadaanan ko. May acquarium pa kong nadaanan, bahagyang natakot ako dahil nasa loob nun ay medyo kalakihan na octopus. Ngayon ko lang nalaman na pwede pala iyon m gawing alaga. Di ko rin pinalampas na tingnan ang mga chandelier na nasa taas ko. Kumikinang sila na parang alahas dahil naiilawan sila. May mga kwarto rin akong nadaanan. Lahat sarado kaya di ko nakita ano mga nasa loob nun. Natigilan na lamang ako nang maalalang hindi ko alam ang kwarto ni Sir Damon. "Saan kwarto niya?" Naituran ko na lamang. Lumingon ako sa paligid. Hindi ko alam ano doon sa mga kwartong nadaanan ko ang kwarto ni Sir. Napatingin na lamang ako sa pinakadulong kwarto. Nag-iisa lamang siyang pinto doon kaya naisip ko kaagad na iyon nga ang kwarto ni Sir dahil siya lang naiiba. Nakapag-desisyon na lumapit nga doon. Bubuksan ko na sana ang pinto na mabilis may humawak sa wrist ko na dahilan napahinto ako sa pagbukas nun. Gulat na napatingin naman ako sa taong nagmamay-ari ng kamay nun. Nanlaki mata na lamang ako nang makita siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD