AYLA ANAIH SARMENTO POV:)
Bubuksan ko na sana ang pinto nang may humawak na lamang sa pulsuhan ko para pigilan sa binabalak ko. Gulat na gulat nang makita ang taong gumawa iyon.
"Anong ginagawa mo dito, Anaih?" Tanong na lamang sakin ni Sally.
"Dadalhin ko sana ito sa kwarto ni Sir Damon." Paliwanag ko.
"Hindi ka pwede dito---hindi. Ibig kong sabihin, hindi tayo pwede pumasok sa kwarto na 'yan."
Nagtaka naman ako sa sinabi nito."Bakit naman?"
Hinila na 'ko ni Sally paalis sa lugar na'to."Umalis na tayo baka makita tayo ni Sir. Ayaw na ayaw ni Sir na may tumutungtong o kahit tumambay sa harap ng kwarto na yan."
Takang-taka pa rin na nagpa-akay na lamang ako dito.
Madaming tanong ang isip ko. Di ko maiwasan umisip na dahilan bakit hindi pwede sinuman pumasok sa kwartong iyon. Feeling ko may tinatago si Sir na hindi namin makita. May drug ba sa loob? Babae...wait?! Bakit may babae sa loob? May ina-abuse si Sir?
Kailangan ko hindi mag-isip kahit na ano. Imposible na maging bad guy si Sir. Wait! Sabagay, ang sama ng ugali ni Sir. 50/50 pwede siyang masamang tao o mamamatay tao.
****
"Sally, bakit bawal tayo pumasok sa kwarto na 'yon? Bakit ayaw mo sakin sabihin? Kanina pa kong tanong na tanong, di mo naman sinasagot." Napa-pout na sabi ko sa kaibigan ko.
Nakaupo ako sa gilid ng pool habang tinitingnan lamang si Sally na inaalis ang mga nagsihulog na dahon sa pool. Hawak niya ang mahabang stick na plastic habang ang dulo doon ay net.
"Sinabi ko na nga sayo na iyon ang bilin samin ni Sir Damon. Bawal tayo doon at hindi iyon pinapalinisan ni Sir. Pag di mo sinunod ang warning ni Sir, baka sa kangkungan ka pupulutin." Paliwanag nito.
"Paano 'yon? Kung di 'yon pinapalinis, maalikabok na sa loob," takang tanong ko Napaka-misteryoso naman ni Sir. Akala mo naman nasa pelikula siya, may pa-secret-secret basement pa. Tsk!
Sa sobrang curious ko, pinaglalaro ko lamang ang paa ko sa tubig. Ang sarap maligo! Tamang-tama mag-swimming ngayon dahil Summer month ngayon.
Dumaan na lamang si Nanay Sol habang may dalang halaman. Mukhang idadala niya iyon sa garden. Tama! One week ata mawawala si Sir, makakapag-tambay ako sa garden. Yehey!
"Nanay Sol!" Tawag ko.
Dumaan naman ito sa kinaroroonan ko."Oh? Gusto mo ba mag-swimming? Swimming na kayo ni Sally habang wala si Sir Damon." Sabi nito sa akin halos huminto pa ito sa tapat ko, hawak ang pasong may maliit na halaman.
"Pwede, Nanay Sol?" Manghang bulalas ni Sally nang marinig ang sinabi ni Nanay.
"Oo," nakangiting saad nito.
Nakangiting malapad na nagtinginan kami ni Sally sabay,
"Yehey!"
THIRD PERSON POV:)
"Pina-cancel po ni Mr. Robredo ang meeting ngayon. Dinala po kasi nila ang anak niya sa hospital dahil nakita po nila itong walang malay. Ang dahilan po'y naglaslas ito." Sabi ng assistant niya ni Damon nang kakapasok lamang nito sa loob ng office niya.
Doon niya naisip agad ang dahilan bakit naglaslas ang anak ni Mr. Robredo. Dahilan sa kumakalat na video nito sa social media.
"Okay." Seryosong turan lamang niya.
Tinigil na niya ang pagpeperma ng mga papeles. Tumayo siya sa pagkakaupo sa swivel at mabilis kinuha ang code na nakapatong sa inupuan niya. Naglakad na siya patungo sa pintuan.
"Saan ka po pupunta?" Tanong ng assistant niyang si Travis Rusato.
Dinaanan lamang niya ito.
Pagkarating sa pintuan mabilis na binuksan niya iyon."Uuwi ako ngayon. Gusto ko muna magpahinga." Sagot din niya sa wakas dito."Ikaw na muna bahala dito." Bilin pa ni Damon dito.
Naglalakad na siya kasalukuyan sa hallway ng company na pagmamay-ari niya nang maramdamang nag-vibrate ang cellphone sa kanyang bulsa. Tumigil siya sa paglalakad nang makitang nasa tapat na siya ng elevator. Bago pa man kunin iyon, pumindot muna siya.
Pagkatapos saka kinuha niya ang cellphone sa bulsa at binasa ang mensahe na natanggap niya habang naghihintay na bumukas ang pinto ng elevator.
From: +63935*****
Tol, naiwan ko sa garden nyo yung cellphone ko. Kutob ko talagang doon ko naiwan. Papunta na ko ngayon sa bahay mo. Naki-text lang ako.
***
From: Me
Okay. Pauwi na rin ako samin.
Pagka-reply, tinago na ulit niya ang cellphone na saka namang bumukas ang elevator. Tahimik na pumasok na siya sa loob at pumindot ulit.
CONAN HARVIS POV:)
Mabilis na bumisina ako nang nasa harapan na ako ng gate ng bahay ni Damon. Nakilala naman ako ng guard na nagbabantay doon. Mabilis na binuksan nito ang malaking gate at saka pinapasok ang kotse kung saan sakay ako.
Pagka-park, bumaba rin kaagad ako sabay tangkal ng shades sa aking mata.
Mabilis na lumapit sa akin ang guard.
"Sir, wala ngayon dito si Sir Damon." Sabi nito sa akin.
"Okay lang. Naiwan ko kasi ang cellphone ko dito. Kukunin ko lang." Nakangiting natural sagot ko dito.
Nilagay ko na ang shades sa harap ng damit ko, pinasapit ko lang iyon. Naglakad na ako papasok ng bahay. Nang makita ako ng mga katulong mabilis na bumati ito sa akin.
"Good afternoon, Sir Conan!" Bati ng dalawa at namumula ito nang makita ako.
Hindi ko ito pinansin bagkus patuloy lamang ako sa paglalakad. Narinig ko pang nagbubulungan ito at tumitili ng mahina sa kilig na makita ako. Sanay na ako sa mga ganito. Sino pa naman hindi maiinlab sa kaguwapuhan ko.
Di naman nagtagal, nakarating na ako sa isang pinto kung saan ang nasa labas ay ang malaking pool. Natigilan na lamang ako sa paglalakad nang may makitang may humahon sa pool ng isang napakagandang diyosa. Kahit basa ito dahil sa tubig, di nawala ang kagandahang tinataglay nito.
Slow motion pang humawak ito sa railings at humahon sa tubig. Nakita ko naman ang makinis na balat nito at magandang hubog ng katawan. Naka-yellow siyang bikini at di ko maikakaila na bumagay iyon sa magandang katawan at mukha niya.
Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nahumaling sa gandang tinataglay niya.
THIRD PERSON POV:)
Nang nasa harapan na ako ng bahay, bumisina kaagad ako. Mabilis naman binuksan ng guard ang gate. Pinasok ko kaagad ang kotse sa loob ng mansyon. Nakita ko naman na naka-park na ang sasakyan ni Conan sa harap ng bahay.
Pinark ko na nga ang kotse ko sa tabi ng kotse ng kaibigan ko. Pagkababa ng kotse, lumapit naman sa kinaroroonan ko si Manong Guard.
"Sir, nandito po ngayon ni Sir Conan. Kakarating lang din po niya." Sabi nito.
"Thank you." Seryoso lamang ang mukha na sabi ko.
Naglakad na ako papasok ng bahay.
AYLA ANAIH SARMENTO POV:)
Nang makaahon ako, umupo ako sa gilid ng pool. Naka-swiming na ko, wala pa rin si Sally. Asan na kaya iyon? Natagalan ata sa kakahanap ng swimsuit.
Mabuti nalang may swimsuit ako. Nasa damitan ko na ito at hindi ko alam na meron pala ako nito. Baka mahilig ako noon magsuot ng mga ganito at buti nalang maganda ang katawan ko. Siguro maingat ako sa katawan ko. Ramdam ko naman na inaalagaan ko ang sarili ko kaya di na'ko magtataka bakit mahilig ako magsuot ng swimsuit.
Maiikot at magagawa ko ang lahat ng gusto ko sa mansyon na 'to. Mabuti nalang one week wala ang damon'yo na 'yon sa bahay na ito. Mabuti na iyon atleast peace of mind ang brainy ko. Walang sumisira sa araw ko.
"Ang tagal naman ni Sally!" Sambit ko na lamang na maalala ang kaibigan ko.
Tumayo ako sa pagkakaupo at balak na pumunta sa beach lounge chair. Doon kasi nakalagay ang tuwalya ko. Natigilan na lamang ako sa paglalakad nang makita ang taong pamilyar sa akin. Nakatayo ito sa paanan ng pinto palabas ng bahay kung saan nakaharap ito sa pool kung nasaan ako.
Pareho kami nagulat sa isa't-isa nang tumama ang aming mga mata.
"Kakarating mo lang ba?"
Nataranta naman ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nakita naman ni Sir Conan na natataranta ako dahil naghahanap ako ng pagtataguan ko.
Tumalon kaagad ako ng pool at saka naman lumapit si Sir Damon kay Conan.
"Sino tinitingnan mo?" Takang tanong nito dito sabay tingin sa pool.
Ako naman ay sa gilid ng pool, sinikap kong di makalikha ng ingay. Sana hindi ako mahuli ni Sir Damon. Kainis! Wala sakin sinabi si Nanay na uuwi pala si Sir Damon. Akala ko ba one week wala siya dito?!
"W-wala." Nautal na sagot ni Sir Conan."Papunta na ko sa garden. Di ko alam saan ko nasuksok doon ang cellphone ko."
"Samahan na kita. Papunta rin ako doon para kausapin si Rayyen." Narinig niyang sabi ni Sir Damon.
Siniksik niya lalo ang sarili sa gilid ng pool nang mainig ang hakbang ng dalawa na dumaan sa kung saan siya nagtatago. Nang maramdaman kong wala na sila, dahan-dahan ako sumilip sa paligid. Nakita ko naman si Sir Damon at Sir Conan na naglalakad na palayo patungo sa garden.
Maingat na humahon ako sa pool at mabilis na kinuha ang tuwalya na nakalapag sa beach lounge chair. Parang ninja na maingat na pumasok ako sa loob ng bahay habang natatakpan ang katawan ko ng tuwalya.
****
"Kainis ka! Bakit di ka lumangoy? Muntikan pa ko mahuli ni Sir Damon." Naka-pout na maktol ko kay Sally nang pinuntahan ko ito sa room nito.
"Papunta na sana ako ng pool kaso nakita ko si Sir Damon kaya napabalik ako sa kwarto. Di na kita na-inform kasi mabilis ang pangyayari." Paliwanag nito.
Naupo naman ako sa kabilang higaan at malungkot na nakasimangot.
"Akala ko magiging peaceful ang life ko ng one week. Mukhang hindi mangyayari." Malungkot na turan ko.
"Labas na tayo! Baka makita tayo ni Sir Damon dito na walang ginagawa. Patay tayo!" Yaya na ni Sally.
Malumbay na tumayo na ako sa pagkakaupo at sumunod na nga palabas dito.
****
Nagising na lamang ako sa masamang panaginip. Pinaginipan ko lang naman tumatakbo ako habang hinahabol ako ng mga zombie. Ramdam ko pa rin ang takot na akala ko talaga nangyari talaga.
Nakita ko naman ang orasan sa ding-ding at nakita kong pasado alas 12 na ng hating-gabi.
Naisipan kong magtimpla ng gabi dahil tutal tulog na ang mga tao dito sa bahay.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto para pumunta ng kusina.
Nakita kong patay ang ilay at tanging bukas na ilaw lamang ang lamp shade sa sala. Di naglikha ng ingay na pumasok ako ng kusina at sin-witch ang ilaw sa gilid ng pintuan. Nang matagumpay, nakangiting tumungo sa lababo at kumuha ng mug. Kinuha ko sa taas ng kabinet ang heater para doon na lamang magpakulo ng tubig.
Habang pinapainit ko ang tubig, tumungo ako ng ref para maghalungkat doon. Baka may natira pang cake na ginawa ni Nanay Sol nung birthday ni Sir. Di kasi nila naubos at kanina nakita ko meron pa nun marami. Di ako nakakain nun kanina kaya takam na takam ako ngayon.
Kumislap na lamang ang mata ko nang makitang may isa pang slice na natirang cake. Kinikilig na kinuha ko iyon na nalagay na sa maliit na tasa. Nakangiti nilabas ko iyon at napatalon na lamang ako sa gulat ng makita si Sir na nakatayo sa tapat ko.
"Sir!" Hinihingal na sambit ko sa gulat.
Marahas sinara nito ang pinto ng ref at napaka-cold na tumingin sa akin. Nakaramdam naman ako ng kaba at takot dahil nahuli ako ni Sir.
"Sir, hindi ko ito kakainin. Hehehe. Sa totoo lang idadala ko ito sainyo kasi nakita kong gising kayo. Hehehe." Pagsisinungaling ko.
"Sayo na yan," Sabi lamang nito at tumalikod din kaagad nito."Timplahan mo ko ng kape at dalhin mo sa taas." Utos nito.
"S-sige po." Nautal na sagot ko.
Naiwan ako sa loob ng kusina at saka naman ako nakahinga ng maluwag. Akala ko talaga makakatanggap na naman ako ng masasakit na salita mula sa kanya. Buti nalang hindi bad mood ngayon siya.
Kainin ko na kaagad itong cake para pag dadalhan ko na ng kape si Sir, naubos ko na yung cake at busog na rin ako.
Nilapag ko sa mesa ang cake at kumain kaagad iyon.