Chapter 7: Bintang

2068 Words
AYLA ANAIH SARMENTO POV:) Pagkalabas ko sa kusina, inaalala ko kung may sinabi ba sakin si Nanay Sol kung saan ang kwarto ni Sir. Di ko alam kung saan ko ito dadalhin na kape. Nahihiya rin akong pumunta sa kwarto nila Nanay Sol para magtanong. Baka kasi magising ko pa yung mga katrabaho ko. Pagkarating ko sa sala, hahakbang na sana ako sa hakdan ng may nagsalita na lamang sa kabilang direksyon na di kalayuan sa akin. "Hindi dyan..." Napalingon naman ako. Nakita ko siya na nasa kabilang hallway kung saan patungo ito sa pool. "Saan po, Sir?" Takang tanong ko. Ibig sabihin hindi sa taas ang kwarto ni Sir? "Follow me," wika nito at tumalikod ito. Tahimik namang sumunod dito habang dala ang kape na nasa tray pa nakalagay. Akala ko lalabas kami ng bahay at akala ko nagpapahangin si Sir sa pool pero huminto kami sa isang pinto. Natigilan naman ako nang matandaan ang kwarto na ito. Ito yung kwarto kung saan nahuli ako ni Conan na tumatakas para pumunta ng garden. Ito ang kwarto ni sir? Ibig sabihin, dito siya natutulog. Pagkabukas ng pinto, sumilaw sa akin ang ilaw ng kwarto niya. Pumasok na nga si Sir sa loob habang ako ay namamangha nang makita ko ang kagandahan at kalinisan ng kwarto niya. Mas napa-awang pa ang bunganga ko nang makita ang isang picture niyang nakadikit sa ding-ding kung saan naka-pwesto ang hinihigaan niya. Di ko mapigilang maakit sa picture ni Sir. Napaka-pogi niya at akala mo model siya dahil nakahiga siya sa sofa habang nasa head board ang isang kamay niya at ang isang kamay naman niya nasa labi niya. Yung hintuturo niyang nakadikit sa lower lip niya na akala mo'y nang-aakit siya. Sabayan pa ang abs niyang nakakatakam. Nakasando kasi siyang puti at medyo angat ang damit kaya kita ang mga tinapay niya. Di ko namalayan, napakagat labi ako sa sobrang yummy ni Sir. Gusto ko makita tuloy sa personal ang abs niya. Di ako makuntento sa picture lang. Argh! "Di ka pa ba tapos pag pantasyahan ang litrato ko?" Napakurap-kurap na lamang ako nang marinig ang boses na nagsalita. Dahil doon bumalik kaagad ang ulirat ko. Nakita ko naman si Sir na nasa study table niya, nakaupo na habang kaharap ang laptop niya. "S-sorry, Sir." Mabilis naman akong lumapit dito. Ilalagay ko na sana ang kape sa tabi ng laptop niya na mabilis niya hinampas ang kamay ko. "Wag dito!" Galit na sabi nito. Dahil doon, nabuhos ang kape sa damit ko sabay hulog sa sahig ang baso at nabasag iyon. Mabilis ko pinagpag ang damit ko dahil mainit ang kapeng tumapon sa damit ko. "Are you crazy? Ilalagay mo ang kape sa tabi ng laptop ko? Gusto mo ba masira ito?!" Singhal nito. Di ko magawang titigan ang mata ni Sir dahil kita ko sa kanya ang galit sa akin. Para iyong nakakapaso na pag tinitigan mo, matutunaw ka dahil sa mainit na tensyon ng tingin niya mula sa akin. "S-sorry, Sir." Hinging pasensya ko halos nautal ako sa sobrang taranta. Mabilis na lumuhod ako at pinulot ang nabasag na baso. Nilagay ko ang mga bubugo sa tray na dala ko. Dahil sa taranta, ang hahawakan ko palang bubog ay matulis pala kaya natusok ang hintuturo ko at nagkasugat. Mabilis hinawakan ko iyon dahil naramdaman ko ang sakit. "Aray." Mahinang turan ko. Nakita kong may lumabas na dugo doon. Hindi ininda ang sakit at dugo, pinunas ko lamang iyon sa damit ko halos nagkalat ang mantsa ng dugo sa damit kong sando na di ko namamalayan. Pagkatapos ay tumayo na ako sa pagkakalaluhod habang hawak ang tray na naglalaman ng nabasag na baso. "Magtitimpla ulit ako, S-sir." Paalam ko. Di pa ko nakakalabas, may sinabi pa si Sir. "Faster." Mabilis na lumabas ako ng kwarto niya at patakbong naglakad para makarating kaagad sa kusina. Nagtimpla kaagad ako. Di ko na hinugasan ang sugat ko ng tubig dahil nawala iyon sa isip ko. Nasa isip ko madala kaagad kay Sir Damon ang kape. Grabe kaba sa dibdib ko dahil sa takot. Nakakatakot magalit si Sir, kaya ganito na lamang taranta ko dahil sa kagagahan na namang ginawa ko. Pagkatapos magtimpla, pinunas ko ang kamay ko sa damit ko. Pagkatapos, nilagay ko na ang kape sa tray at naglakad na palabas ng kusina. Di naman nagtagal nakarating din kagaad ako sa kwarto ni Sir Damon. Kumatok ako ng tatlong beses. Iningatan ko na di matapon ang gabi. Habang kumakatok ako, nasa tuhod ko yung tray, iyon ginawa kong patungan. Pagkatapos kumatok, pumasok na din ako sa loob. Naabutan ko si Sir na seryoso sa laptop niya. Naka-salamin siya na pang anti-radiation na nagpa-hot sa kanya. "S-sir?" Mahinang tawag ko. "Dito mo nalang," nakabaling lamang sa laptop sabi niya. Tinuro niya ang space sa study table niya. Kung doon ko ilalagay ang kape niya, medyo malayo iyon sa laptop niya. Tahimik na nilapag ko ang kape sa gilid niya. Lalabas na sana ako sa kwarto niya nang magsalita siya na dahilan napahinto ako. "Paayos na ng hihigaan ko. Pagkaubos ko ng kape, matutulog na ako." Utos nito. Tiningnan ko naman ang higaan niyang king size. Bumaling pa ko kay Sir at kita kong busy pa rin ito sa tina-type nya habang sinasabayan niya ng paghigop ng kape. Walang magawa kaya ginawa ko ang inuutos niya. Natapos ko din naman pinapagawa niya na sakto rin sinara na niya ang laptop niya. Tumayo na siya sa pagkakaupo sabay alis ng salamin at nilapag iyon sa mesa. Tumalikod na siya at tumungo sa hinihigaan niya. "Thank you. Makakaalis kana," seryoso lamang na sabi. "Opo, Sir." Sabi ko lamang. Naglakad na nga ako papuntang pintuan. Bago pa man lumabas ng tuluyan, kinuha ko pa sa study table niya ang basong pinagkapehan niya. **** "Aray!" Tarantang lumapit naman si Nanay Sol sa akin. "Ang kirot!" Sabay ihip sa hintuturo ko na may sugat na dahilan nabubog ako kagabi. "Patingin nga," kinuha naman ni Nanay Sol sa akin ang kamay ko."Aba'y maginoo! Paano ka nagkasugat ng kalaking ganito?!" Bulalas na lamang nito. Mabilis na binasa niya ang kamay ko ng tubig sa lababo. Di tuloy ako makahiya ng kalamansi dahil sa sugat na 'to. Ang kirot! Ouch! "Wala. Na-aksidente lang, nay." Pagsisinungaling ko. Naramdaman ko na lamang ang presensya ni Sir ng pumasok siya ng kusina. Dumeretsyo ito sa ref para may kunin. Ako naman na palihim na nakatingin dito. Siya dahilan bakit may sugat ako ngayon. "Nanay Sol, wala na bang beer?" Tanong ni Sir Damon. Napalingon naman ito."Papunta palang ako mamaya ng palengke hijo." Sagot ni nanay dito. Pagkahugas nito ng sugat ko, hinila niya ako at pumunta sa emergency kit. Kumuha siya ng band aid at betadine. "Saan ka ba nakakuha nito? Para kang nabubog sa haba ng hiwa nito sa kamay mo," alalang sabi ni nanay habang nilalagyan ng betadine ang sugat ko. Nang marinig iyon ni Sir Damon bahagya itong natigilan sa pagsalin ng pitchel ng malamig na tubig sa baso. Hindi ako sumagot dito at pilit na tawa lamang nasagot ko. Nilagyan na nga ng band aid ni nanay ang sugat ko sa kamay. "Magtupi ka nalang ng mga damit. Wag ka muna tutulong dito sa kusina." Tumingin si nanay sa akin."Ingatan mo ang sarili mo. Anemic ka pa naman." "Anemic? Ako?!" Bulalas ko sa nalaman sabay naituro ang sarili. "Oo." Sagot lamang nito sa akin. Napansin kong madilim ang mukha na lumabas ng kusina si Sir Damon. Nakahinga naman ako ng maluwag. Pag andito o malapit si Sir, grabe! Feeling ko ang sikip ng paligid ko. **** Nandito ako sa gilid lamang ng bahay ni Sir Damon kung nasaan ang kulungan ni Tokyo. Nakaupo ako sa isang punong tumba habang kumakain ng manok. Kumupit ako ng prinito kanina ni Nanay Sol. Nagugutom ako e. "Sarap." Sambit ko habang kumakain. Nakita ko naman na nakatingin sa akin si Tokyo habang nakakulong ito sa kulungan niya. "Gusto mo?" Alok ko dito."Joke lang! Bawal ka nito." Kumagat ulit ako. Kakagat ulit ako nang mapadako ang mata ko sa kabilang side. Nanlaki na lamang ang mata ko nang makita ko si Sir Damon na papunta sa kinaroroonan ko. Tarantang tinago ko ang kinakain ko ng makita kong tumingi sa akin si Sir. Nang makalapit ito sa kinaroroonan ko, mabilis tumayo ako sa pagkakaupo habang nasa likod ang mga kamay ko para itago ang manok. "G-good morning, Sir." Nautal bati ko dito. Hindi niya ako pinansin bagkus binuksan niya ang kulungan ni Tokyo at pinalabas ito. Umalis din kaagad ito habang dala si Tokyo. Siguro ipapasyal niya sa labas si Tokyo. Nang masigurong malayo na si Sir, pinagpatuloy ko na ang pagkakain ko. Pinunasan ko pa ang bibig ko at nakita ko namang may pritonh manok na nakadikit kanina sa gilid ng bibig ko. Imbis itapon iyon, kinain ko nalang. Sayang e. Hehehe. ***** Pumasok na lamang si Sally sa kusina kaya napalingon kami ni nanay dito. "Aling Soledad, ayaw kumain ni Tokyo," sabi nito. Binitawan na nga ni nanay ang kamay kong ginamot niya kanina. "Bakit naman?" Takang turan niya. Kumibit-balikat lamang si Sally. **** "Bakit ayaw kumain ni Tokyo? Ano pinakain nyo dito? Bakit nanlalaway siya?" Salubong ang mga kilay na tanong ni Sir Damon kay Sally. "Dog food po, Sir." Nakayukong sagot ni Sally. Kita ko sa kanya ang takot dahil nilalaro niya ang mga daliri niya at hindi niya nagawang sulyapan si Sir. Nakita ko naman si Tokyo na panay hingal habang nakahiga at nanlalaway. Para siyang may nakain na lason. Hindi manlalaway ng ganyan ang aso kung hindi nilason. "Baka busog pa hijo si Tokyo," depensa ni nanay kay Sally. "Tsk!" Nakita kong napahilamos si Sir. Problemadong lumuhod siya at hinawakan si Tokyo."Ano masakit sayo? Sabihin mo kay Kuya ah?" Tanong nito sa aso niya. Biglang umiba yung tono ni Sir ng sabihin niya iyon. Para siyang malungkot at ayaw niya mawalan ng kaibigan. Doon ko lang na-realize na dog lover si Sir. Napakunot-noo ako nang bahagyang may napansin sa bunganga ni Tokyo. Hindi ko siya nakitang tumitikom at nakabuka lamang ang bibig niya habang nanlalaway. Nagtaka naman ako. "Wait!" Sabi ko. Lumuhod ako at hinawakan ang bunganga ni Tokyo halos napatingin sa akin si Sir. Pinasok ko ang kamay ko sa bunganga ni Tokyo at kumapa-kapa sa loob. Nanlaki mata ako nang may makapa ako. Pinilit ko iyon kinuha sa loob ng bibig ni Tokyo. Matagumpay ko naman iyon na alis. "May sumabit na buto sa gilagid niya," aniya sabay pakita sa malaking boto ng manok. Mabilis kinuha ni Sir Damon sa kamay ko ang boto at kumunot ang mga noo ito nang makita ito. "D*mn! Sino nagpakain ng buto ng manok kay Tokyo?!" Tumaas ang boses tanong ni Sir Damon. "H-hindi ko po alam, Sir!" Despensa kaagad ni Sally sa sarili niya."Hindi po ako." "Nakita ko si Anaih na kumakain kanina ng manok." Napalingon na lamang ako sa nagsabi iyon. Nanlaki mata ako nang makita ko si Patty na tila kanina pa pala nandyan. "Sir, nakita kong kumain ng manok si Anaih kung saan nakakulong si Tokyo." Pagsisinungaling ni Patty sabay turo sa akin. Naalala ko naman na galing ako doon pero di ko binigyan ng manok si Tokyo. Nakita ako doon ni Sir, baka iba isipin niya sa akin? No! "Hindi! Oo, kumain ako ng manok pero hindi ko pinakain nun si Tokyo. Alam kong bawal ang aso sa buto ng manok kaya hindi ko magagawang pakainin si Tokyo nun!" Paliwanag ko. Napasinghap ako nang makita kong salubong na salubong ang kilay ni Sir at nakakatakot ang matang nakatingin sa akin. Para akong umatras sa laban dahil sa nakakatakot na kalaban ko. "Sir, promise po. Hindi ko po---" nagulat na lamang ako nang hawakan ni Sir ang kamay ko at hinila niya."Aray, Sir! Nasasaktan po ako!" Hindi ko alam pero ang sakit ng pagkakahawak niya sa pulsuhan ko. Ang bilis ng hakbang niya at hindi ko masabay-sabay siya kaya muntikan pa ko madapa. Sa nangyari ngayon, tumulo na lamang ang luha sa mga mata ko. Di ko kayang ipagtanggol ang sarili ko lalo na mali ang nalaman ni Sir Damon. Dahil nakita niya ako doon, akala niya na ako may gawa kahit hindi naman. Padabog na tinulak niya ako papasok sa kuwarto ko halos napaupo ako sa sahig at tumama ang likod ko sa upuan. "Argh!" Sambit ko sa sobrang sakit. Kita ko sa mata ni Sir ang nagbabagang apoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD