AYLA ANAIH SARMENTO POV:)
Pag-iiyak lamang ang nagagawa ko dito sa kwarto ko. Nakahiga sa kama habang nakakukot. Hindi ko alam bakit napakamalas ko---ang malas ng buhay ko. Gusto ko itanong sa sarili ko bakit ayaw na ayaw sakin ni Sir Damon. Ano ba nagawa noon ng isang Anaih bakit inis na inis siya sa akin?
Tumaligid ako ng higa, panay hagulhol lamang ako at inalala ang masasakit na salitang binitawan ni Sir sa akin kanina.
**Flashbacks**
Padabog na tinulak ako ni Sir papasok sa kuwarto ko halos napaupo ako sa sahig at tumama ang likod ko sa upuan roon.
"Argh!" Mahinang daing ko nang maramdamang sumakit ang bahagi ng likod ko dahil sa pagtama iyon sa isang upuan.
Kita ko sa mata ni Sir ang nagbabagang apoy. Hindi ko kayang ipagtanggol sa kanya ang sarili ko dahil nang makita ko palang ang galit niyang mga mata umaatras na ako sa takot.
Nagawa ko na lamang ay tumulo ang mga luha sa mga mata ko habang nakatingin dito.
"You! Kung may galit ka sa akin dahil sa ginawa ko sayo kagabi, wag mong idadamay si Tokyo!" Singhal nito sa akin halos tinuro pa ako nito. Kita ko pa rin sa kanyang mata ang nagliliyab na mata.
"Si...s-sir---"
Di ko napatuloy ang sasabihin ko nang nagulat ko na lumapit si Sir sa kinaroroonan ko at mabilis lumuhod. Mabilis naman hinawakan ng isang kamay niya ang pisngi ko. Ang nangyari ay parang nakanguso ako.
Kita ko pa rin sa kanya ang pangangalaiti sa akin dahil sa mahigpit na paghawak niya sa pisngi ko.
"Hindi mo ko kilala, Anaih. Once bumalik yang alaala mo, makikilala mo kung sino at ano ang pagkatao ko na alam kong pagsisisihan mong pumasok ka sa mundo ko." Mahinang sabi nito pero nasa boses pa rin nito ang galit."Hindi ka makakapagsinungaling sa akin. Kita ko ng dalawang mata ko na kumakain ka ng manok sa bahay ni Tokyo. Tinago mo pa! Akala mo hindi ko 'yon na kita?"
"S-sir, maniwala po kayo. Hindi ko po---"
Napapikit na lamang ako ng makitang dadapo sana sa mukha ko ang kamay ni Sir. Hinihintay kong may dumapong palad sa kamay ko at napansin kong wala. Takot na takot dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Nakita ko siyang pinigil niya ang binabalak niya pero nanginginig siya sa sobrang galit.
Doon ko nakita lalo na ibang level ang galit niya sa akin. Parang may ginawa ako sa kanya na kinasira sa buhay niya. Nagawa ko lang Ngayon tumulo na tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa mga mata niya.
Padabog na binitawan ako nito, tumayo at umalis ng kwarto ko.
Narinig ko pang parang ni-lock niya ang pinto ng kwarto ko. Sa taranta, nahihirapang tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit sa pintuan.
"Sir!" Tawag ko sabay kinalabog ang pinto. Kasalukuyang nila-lock nito ang kwarto ko."Sir, maniwala po kayo. Hindi ko po iyon magagawa kay Tokyo!" Naiiyak na sabi ko at kinakalabog pa rin ang pinto.
"Hijo, patawarin mo na si Anaih." Narinig ko na lamang ang boses ni Nanay Sol kaya nakaramdam ako ng pag-asa.
"Nay! Tulungan nyo po ako!" Naiiyak na sabi ko at kinakalabog pa rin ang pinto.
"Kilala mo ko, Nanay Sol. Hindi ko iyon magagawa." Sabi naman ni Sir Damon dito. Ang tigas ng puso niya!
"Hindi niya iyon sinasadya---"
"Three days siyang di lalabas sa kwartong iyan! Walang magbibigay sa kanya ng pagkain o kahit tubig. Dahil iyon ang kaparusahan niya!" Sabi ni Sir kila nanay. Siguro andyan rin yung ibang maids."Kilala nyo ko. Pag may di sumunod sa sinabi ko, alam nyo na ang mangyayari." Banta niya sa mga dito.
Nagawa ko na lamang ay tinigil ko nalang ang pagkakatok ng pinto. Nanghihina na sumandig ako say pinto at dumausdos paibaba hanggang sa makaupo ako sa lapag.
Nagawa ko na lamang ay humagulhol ng iyak sa pagitan ng mga tuhod ko.
**End of Flashbacks**
Two days na akong nakakulong dito sa kwarto ko, walang kain at hindi pa nakakainom ng tubig. Ramdam ko ang kalam ng sikmura ko at uhaw ko. Nanghihina na rin ang katawan ko at hindi ko magawang tumayo. Ginagawa ko na lamang ay mahiga at umiyak na umiyak.
Hindi ko na rin alam kung ano na itsura ko dahil two days na rin akong di naliligo at naliligo ako ng pawis dito sa higaan ko. Wala pa namang aircon at nagtitiis ako sa maliit na bintana sa kwarto ko.
Sumasakit rin ang ulo ko dahil ata sa gutom. Maga rin ang sugat ko sa kamay dahilan na bubog ako. Medyo maga na rin ang mata ko sa kakaiyak. Hindi ko alam kung ano na ba ang itsura ko ngayon.
Ginawa ko na lamang itinulog na lamang itong sakit na nararamdaman ko.
****
Kahit pikit ang mata ko, naririnig kong may nag-uusap sa paligid ko. Hindi ko alam kung panaginip ba iyon o nasa langit na ba ako.
"Napaka-sama mo talaga. Wala naman kasalanan si Anaih, dinadamay mo siya. Kaya ba nagagalit ka sa kanya dahil---"
"Pwede ba? Kaya ko nagawa iyon sa kanya dahil---" pinutol din nito ang sasabihin ni Sir Damon.
"Umamin na nga si Rayyen na siya ang may kasalanan. Bakit galit ka pa rin sa kanya?"
Dahan-dahan ko iminulat ang mga mata ko at nasisilaw ako sa ilaw na nasa harapan ko.
Nang malinaw na ang aking nakikita ay iginala ko ang mata sa paligid at napagtanto ko na nasa hospital ako ngayon. Hindi ko alam ano nangyari at paano ako napunta dito. Tanda ko pa, nagkukulong pa ako sa kwarto ko.
Nakita ko nalang si Sir Damon na nakatalikod habang kausap nito ang kaibigan niyang may kambal. Di ko alam kung Clay ba pangalan nito o Clyde. Nakasuot siya ng parang doctor---doctor siya?
"Kamusta na siya?" Tanong maya-maya ni Sir Damon sa kaibigan niya.
"Kaya nilagnat siya dahil sa pamamaga ng sugat niya sa kanyang hintuturo. Buti nalang naagapan gamutin, kung hindi baka ma-impeksyon 'yon." Sagot nito habang nasa coat nito ang mga kamay.
Napansin kong titingin sa akin si Sir Damon, mabilis na pumikit ako at nagkunyaring tulog. Sinikap kong di gumalaw at magpahalata kahit ang totoo di ko maiwasang maigalaw ang mata ko.
"Ikaw rin ba ang may dahilan bakit may sugat siya sa kamay niya?" Narinig kong tanong ng kaibigan kay Sir.
Matagal umimik si Sir. Ramdam ko pa rin na nakatingin sila sa akin. Kaya sinikap ko pa ring magkunyaring tulog.
"Samahan mo nga akong puntahan ang kapatid mo." Rinig kong yaya na lamang ni Sir dito para maiwasan ang tanong na iyon.
"Nasa operating room pa siya."
Narinig niyang bumukas ang pinto at alam kong sumunod na lamang ang kaibigan nito sa kanya.
Nang marinig ko na sumara ang pinto, dahan-dahan ko iminulat ang mga mata ko. Nakita kong ako nalang mag-isa sa kwarto.
Base sa narinig kong pag-uusap nila, si Rayyen ang may kasalanan bakit nakakain ng buto ng manok si Tokyo at hindi ako. Buti nga nasapak si sir ng katotohanan. Di magawang makinig ng paliwanag. Maniniwala kaagad sa narinig at nakita, di pa inaalam ang totoong nangyari. Putak ng putak kaagad. Hay!
Bumangon ako sa pagkakahiga. Nakita kong nakasuot ako pang-pasyente at naka-benda pa ang sugat ko sa aking hintuturo. Medyo makirot pa iyon pero hindi na tulad noon na sobrang sakit.
Kumalam na lamang ang sikmura ko. Sobrang gutom na ako at pagkain na ang hinahanap ng tiyan ko.
Dahan-dahan ko binaba sa sahig ang paa ko. Tumayo ako at naglakad patungong pintuan. Pagkabukas ng pinto, sumilip pa ako sa labas at nakita kong may mga nurse na naglalakad sa hallway habang ang iba ay may kasamang pasyente na nasa wheelchair.
Lumabas ako ng kwarto at maghahanap ako ng pagkain. Bago iyon, hanapin ko si sir. Syempre, siya dahilan bakit nasa hospital ako kaya dapat ilibre niya ako ng pagkain. Two days kaya ako nakakulong sa kwarto at two days rin akong walang kain.
Nakapaa na naglakad na ako. Di ko alam saan ko hahanapin siya pero alam kong nasa malapit lang siya. Panay lingon lamang ako at lumalapit sa mga pinto para sumilip sa loob. Nagbabasakali na nasa mga kwarto si Sir Damon.
Liliko na sana ako sa kabilang hallway nang may nakabangga akong bata na tumatakbo. Dahil doon, napaupo ito sa sahig. Umiyak naman ito.
"Sorry," Sabi ko at mabilis na lumuhod at binuhat ito para makatayo."Wag kana umiyak. Di sinasadya ni Ate. Di kasi kita nakita." Sabi ko dito.
Tumigil naman ito sa pag-iyak. Hinaplos ko lamang ang mahabang buhok nito at pinunasan ang luha sa pisngi nito.
"Ano ginagawa mo dito at bakit mag-isa ka lang? Naliligaw ka ba?" Tanong ko sa batang babae. May maganda siyang mata at cute na ilong. Masasabi kong sobrang cute niya.
"Daddy." Tipid na sagot lamang ng bata.
"Ah?" Naituran ko lamang."Wag kana umiyak. Gusto mo, hanapin natin si Daddy mo?" Nakangiting sabi ko dito sabay hawak sa maliit na kamay nito.
Sumisingkot na tumango naman ito sa akin bilang pagpayag.
Pagkatayo ko, maglalakad na sana kami habang hawak ang kamay nito nang may tumawag na lamang.
"Adelee!"
Napalingon naman sa aking likuran. Nanlaki mata ako ng makilala ang taong papalapit sa amin. Nang makalapit ito, natigilan naman ito ng makita ako. Gulat na naituro niya ako ng makilala niya ako.
"I-ikaw si..." Di mapatuloy na saad nito.
"Daddy!" Tumakbo kaagad yung batang nakabunggo ko dito at niyakap ito."Daddy, ate help me." Nabibilot na sabi nito dito.
Daddy? May anak na si Conan?
Siya ung kaibigan ni Sir Damon at siya rin nakahuli sa akin noon.
****
"Ano ginagawa mo dito? Bakit nakasuot ka pang-pasyente?" Tanong nito habang nakatayo kami at nakatingin sa bintana. Pinapanood namin si Adelee na chini-check upan ng nurse sa loob.
Nang tumingin si Adelee sa gawi namin, nag-wave naman ng kamay dito si Sir Conan. Nang bumaling na ulit ito sa nurse, saka ulit ito nagsalita.
"Nandito ba ngayon si Damon, kasama mo?" Tanong nito.
Tumango lamang ako."Na-hospital kasi ako, nilagnat lang ako pero okay na ako. Hehehe." Tipid na sagot ko.
Nakita ko namang nakatingin ito sa akin na tila hindi naniniwala.
"I-i-ikaw? Bakit pinapa-check upan mo sa psychiatrist si Adelee?" Tanong ko rito para maiba ang topic at hindi mag-focus sa akin.
Bago sagutin nita ang tanong ko, sinulyapan muna nito si Adelee na busing nakikinig sa nurse.
"Secret." Sagot lamang nito."Hindi ko anak si Adelee." Aniya.
Napatingin naman ako dito sa narinig.
So, binata siya? Sabagay, parang binata pa rin siya at maaga pa para mag-asawa siya. Wait! Bakit interesado ka naman malaman kung binata 'to? Ay! Landi mo, Anaih!
Kasunod iyon, hindi na siya umimik. Wala na naglabas sa amin ng panibagong topic kaya hindi na rin ako umimik. Hinintay nalang namin matapos ang chek-up ni Adelee.
****
"Dito nalang. Wag nyo na ko ihatid, baka may lakad pa kayo." Sabi ko at humarap ako dito.
Tumigil naman si Sir Conan sa paglalakad habang karga niya si Adelee.
"Sure ka?" Aniya.
Nakangiting tumango-tango ako."Sige na, bye!" Paalam ko na.
Tumango na lamang si Sir Conan at tumakbo na ako para makabalik sa kwarto ko. Kutob ko, hinahanap na ko ni Sir Damon. Baka makatanggap na naman ako ng sermon dito. Syurbol na yun!
Dahan-dahan ko binuksan ang pinto ng kwarto ko. Nakita ko namang walang tao kahit isa doon. Pero nanlaki na lamang ang mata ko nang makakita ng pagkain na nasa lamesa. Kumalam naman ang tiyan ko sa sobrang gutom.
Takam na takam pumasok na ako sa loob. Uupo na sana ako para kainin iyon nang makarinig ako ng ingay galing labas.
"Sir, nilagay ko na po sa loob yung pagkain." Boses ng lalaki.
"Thank you." Nakilala ko naman ang boses na iyon.
Kumaripas ako ng punta sa kama ko at mabilis na humiga. Pagkapasok ni Sir sa loob, naipikot ko na kaagad ang mata ko. Nag-kunyaring tulog ulit ako.
"Tulog pa rin?" Narinig kong sabi ni Sir. Narinig kong bumukas ulit ang pinto at sumara iyon. Doon ko naman na-gets na lumabas ulit si Sir.
Idinilat ko daan-daan ang mata ko. Nakita ko naman na wala siya sa loob. Bumangon ako sa pagkakahiga at tumayo. Pupunta na sana ako sa lamesa kung saan nakalapag ang pagkain na nakita ko na lamang si Sir na nakaupo sa sofa.
Napatalon naman ako sa gulat."Ay! Manyak ka!" Sambit ko sa gulat halos napahawak ako sa dibdib ko.
Naka-cross arms ito habang nakaupong naka-de kuwatro ang paa. Nakatingin lamang ito ng seryoso sa akin.
Tumayo ito sa pagkakaupo at kakaiba pa ring awra na lumapit siya sa kinaroroonan ko. Napaatras naman ako ng bahagya sa takot. Nang makalapit siya sa akin, napaupo ako sa kama dahil wala na kong aatrasan pa. Ang lapit niya sa akin ang amoy ko ang mabango niyang pabango.
Mas binend ko pa ang katawan ko nang yumuko si sir at nasa kama ang dalawang kamay niya na para akong nako-corner niya. Nagagawa ko nalang nakatingala at nakatingin sa mukha niya.
Pigil hininga naman ako sa ginawa niya. Doon ko nalang napagtanto, tumigil ang mundo ko at tumibok ng napakalakas ang puso ko.