"What the hell? Kung alam ko lang talaga na hindi sasama ang tamad na si Dave hindi talaga ako sasama dito!" Rhea said habang nagpipicture dito sa loob ng van na ginamit namin, which is kay Nef.
"Apaka arte neto. Usto mo suyuin ka rin namin gaya ng pag suyo namin kay Nava?" naiiritang sambit ni Olivia.
Napataray naman si Rhea "I hate you for being weird today" napangiti ako sa sambit nya.
Huminga ako ng malim tsaka ko isinandal ang ulo ko sa balikat ni Galen. Naramdaman ko naman ang mumunting halik nya sa ulo ko.
"There's nothing we can do. Nakabuntis ang bakla kaya kaylangan nyang harapin ang mga magulang nya at pamilya ng nabuntis nya" natatawang paliwanag naman ni Cora.
Napatawa ako ng mahina dahil sa naalala kong sitwasyon ni Dave.
Bakla si Dave but because of that accident, nagbunga ang pagiging lalake nya just for one night. And now, he needs to be a real man. For his sake and for the sake of his child as well as the mother, ofcourse.
"Gaga kasi, sabi ng umuwi agad" natatawang sambit din ni Rhea.
"At once, naranasan nya din ang tunay na sarap sa---" hindi na natuloy ni Nef ang sasabihin nya ng samaan sya ng tingin ni Willa. "I mean sa sarap ng pagiging ama" pag bawi nya sa sasabihin nya na ikinatawa ko lang.
***•••***
"Nava, love we're here" napakusot kusot ako sa mata ko ng makita ko ang nalalapit na paglubog ng araw labas.
Pagabi na.
"Asan na sila" inaantok kong tanong.
"Outside" maikling sagit nya.
Tumango ako tsaka ko inayos ang sarili ko. Nang ma satisfied ay agad na kong lumabas sa van.
Naabutan ko silang nagsisipag asikaso ng mga gamit na dadalhin sa loob ng gubat.
Ang ganda pa tignan ng gubat kasi medyo maliwanag pa, not sure na lang sa paglubog ng araw.
"Why can't we just sleep here inside the van then bukas na lang tayo tumuloy sa loob ng gubat. You know, papalubog na rin kasi yung araw. Baka abutin tayo ng dilim" suggestion ko sa kanila.
Napahinto si Cora sa pag aayos ng gamit nya staka sya napatingin sakin, ganon din ang iba.
Napakunot noo ako ng makita ko ang pagngisi ni Cora.
"What?" naiiritang tanong ko sa kanya. What's with her smile?
"Tell me... are you scared?" nang aasar na tanong nya.
Napairap naman ako sabay pekeng ngiti.
"Ask the turtle" naiiritang sabi ko sa kanya sabay nauna akong maglakad papunta sa path papasok ng gubat.
"Hey hey hey! Apaka tapang naman ng kaibigan ko, tignan mo nauna pa oh" rinig kong pang aasar ulit ni Cora.
Napairap na lang ako at tinuloy na lang ang paglalakad.
***•••***
"Anong sabi mo?" gulat na may halong inis na sambit ko kay Acel.
"What? Nava maganda naman yung suggestion ni Acel ih. Look, napaka bored naman kung susundan lang natin yang path na yan." sambit ni Olivia sabay turo sa path na sinusundan namin kanina pa.
"Oh eh anong mali? That's normal kasi yan naman talaga ang daan papasok sa pinaka gitna ng gubat. This is the safest place if ever na may hindi magandang mangyare. Mas mapapabilis ang pag alis natin dito sa gubat at iwas ligaw na rin" naiiritang sambit ko.
"But Nava, base kasi sa map na hawak natin ay may falls sa west. Eh pa north tong path. We should change our direction" paliwanag naman sakin ni Willa.
"Nava, they're right. Hindi natin mae-enjoy to nang hindi tayo nag eexplor" sambti ni Galen sabay ngiti sakin.
Napa tawa ako ng pagak sabay irap ko. Agad akong huminga ng malalim tsaka ko sila masamang tinignan.
"You know what guys? I'm done with this!" sigaw ko sabay talikod sa kanila.
Uuwi na lang ako.
"Nava" sabay sabay na tawag nila sakin.
Galit ulit akong lumingon sa kanila.
"What?! Bahala kayo sa mga buhay nyo! Sabihan nyo na kong kj or something basta ayoko na! Ikakapahamak natin yang pagiging matigas ng ulo nyo! Never kayong nakinig sakin kaya para san pa at magpaliwanag ako?!" huminga ako ng malalim staka ulit sila tinalikuran.
"Alam mo Nava? Napaka arte mong nilalang! Masama bang mag enjoy?! For once makisama ka naman Nava! Hindi sa lahat ng oras kami ang mag aadjust para sayo!" naiiritang sigaw ni Rhea tsaka sya umirap at nagsimulang nag lakad papasok sa gubat.
But this time, hindi na nya sinundan ang path, dumiretso sya pakaliwa.
"Rhea!" sigaw nila.
Napa irap ako tsaka napabuntong hininga.
Masama bang maging concern sa mga kaibigan ko? Sa buhay naming lahat? Or sadyang nagiging OA na nga talaga ako?
"Fine! Susundan natin tong path but before that, hanapin muna natin si Rhea. Baka maligaw yon" pinal na sagot naman ni Cora.
"Jusko! Naiistress ako sa inyo" naiinis naman na sambit ni Olivia.
Napagdesisyunan namin na hanapin si Rhea bago bumalik sa path.
***•••***
"Rhea!" pare-pareho naming isinisigaw.
Mag iisang oras na kaming nagpapaikot ikot dito pero never pa naming nakita ultimo anino nya.
And this time, pare pareho na kaming nag aalala.
Mag gagabi na.
"Oh my God. Masyado nya namang in-enjoy yung view dito sa gubat at nakalimutan nyang may kasama sya" pagpapagaan ni Willa ng mood.
Huminga ako ng malalim bago umupo sa isang ugat dito sa katabi kong puno.
"Okay ka lang?" nag aalalang tanong sakin ni Galen na tinanguan ko lang.
"Sh*t! I wanna swim na~" Willa said habang nagpapaypay ng kanyang sarili.
"Mee too" naiinis naman na sambit ni Olivia.
"Mee three" panggagaya ni Cora.
Huminga ako ng malalim tsaka ko hinubad ang longsleeve ko. Naka sports bra naman ako. Kinuha ko sa bag na dala ko ang isang bottle of water tsaka ko yon nilagok. Apaka init putspa!
Nang matapos ay tsaka ko tinali ang buhok ko.
Napatingin ako sa suot ko. Naka leggings ako with sports bra na tinernohan ng rubber shoes. Nang makuntento na ko sa sarili ko ay mas gumaan ang pakiramdam ko.
"Apaka hot naman this girl!" napatingin ako kay Cora dahil sa sambit nya.
Tinarayan ko sya dahil alam kong nagsisimula na naman syang mang asar.
"Sanaol sexy" pagpaparinig din ni Willa.
"Babe, sexy ka rin naman ih" malambing na sambit ni Nef. But for me, nakaka-cringe yon. Swear.
"Whatever. Simulan na nating hanapin yung babaeng yon." sambit naman ni Willa, pambabalewala sa sinambit ni Nef.
"Sa truetoo. Nag aalala na rin ako sa babaeng yon ih" napangiti naman ako sa sinambit ni Olivia.
Pare-pareho kaming concern sa babaeng yon.
"Why so beautiful? Don't smile please. Lalo kang gumaganda ih" napatingin naman ako sa katabi kong si Glen dahil sa nakakadiring banat nya.
Pero agad din akong napatawa dahil sa nakanguso nyang labi.
The hell with that look. Pffft.
Agad napawi ang pagtawa ko at biglang napakunot ang noo ko dahil sa napansin ko.
"Hey! Who are you?!" sigaw ko don sa anino na nakita ko hindi kalayuan sa pwesto namin pero bigla ding nawala.
"What's that Nava?" hindi ko namalayan ang paglapit nila Cora sa pwesto namin.
Napalunok ako dahil sa kabang naramdaman ko na hindi ko alam kung san nagmula.
"I... I just saw someone. But I think nagkamali lang ako. That's nothing" sagot ko na lang.
Ayaw kong bigyan sila ng takot na nararamdaman ko ngayon.
"You sure?" nag aalalang tanong naman sakin ni Galen sabay hawak nya sa braso ko.
"Yup. We should start searching for Rhea. Nag aalala lang ako sa lagay nya ngayon" sambit ko.
Tumango tango sila bilang pag sang ayon at agad kaming nag sipagkilos.
Pero pare pareho rin kaming napahinto ng makarinig kami ng sigaw mula sa kung saan.
And with that voice, we knew...
"Si Rhea!" nag aalalang sambit namin nila Cora, Willa and Olivia.
Wala kaming sinayang na oras at agad kaming tumakbo para hanapin sya.
Oh God! I hope she's fine.