Napahawak ako sa dibdib ko ng hinihingal kaming huminto sa nakasalampak na si Rhea.
"Ano ba?! San ka ba nanggaling ha?! At bat ka ba sumigaw?! Akala ko naman kung napano ka ka na!" naiiritang sambit ni Olivia.
"Nothing... I'm sorry kung pinag alala ko kayo. Nadapa lang ako" nakayukong sambit ni Rhea.
"Apaka tanga mo naman. Ano ka ba? Bata? Lampa amp." natatawang sambit ni Nef.
Napairap ako tsaka ko nilapitan si Rhea.
"Are you alright?" agad kong inialok sa kanya ang kamay ko. " Ano bang nangyare sayo?" nag aalalang tanong ko sa kanya.
Huminga muna sya ng malalim bago sumagot.
"Eh sa nabiktima ako ng lubid na to ih" inis na sambit nya habang tintadyakan ang lubid sa paa nya.
Noon ko lang napansin na may naka harang pa lang lubid sa sahig, which is pampa-patid talaga.
"Ambobo mo naman at hindi mo pa nakita yan" natatawang sambit naman ni Acel.
"Enough Acel" saway sa kanya ni Cora "Kaya mong tumayo?" nag aalala ring tanong ni Cora kay Rhea.
Napairap muna si Rhea bago nya tanggapin ang kamay kong nakalahad sa kanya.
"Obviously, hindi naman ako baldado" masungit na sambit ni Rhea.
Napakunot noo ako. Wait. W-What's that?
A-Anong ingay yon?
"Guys, naririnig nyo ba yon?" napatingin ako kay Cora ng maramdaman ko ang takot sa pananalita nya. Agad naman syang hinawakan sa balikat ni Philip.
"What's that?" nagtataka na ring tanong ni Rhea.
Hindi ko alam kung dapat rin ba akong kabahan pero, literal, kinakabahan na rin talaga ako!
"M-may ibang tao rin ba dito, bukod satin?" Rhea asked.
Ramdam ko ang kaba at takot ng mga kasama ko. Ganon din ako.
Sabay sabay kaming napatingin sa kaliwa namin ng makarinig kami ng kaluskos, pero ang kaluskos na yon ay lumalakas.
Inayos ni Rhea ang sarili nya dahil literal na naalarma sya. Well, lahat naman kami.
"We should check that" sambit ni Philip tsaka sya nag amba na pupuntahan ang direksyon kung san nag mumula ang ingay ngunit agad syang nahawakan ni Cora sa braso.
Umiling-iling syang nakiusap kay Philip. "N-no..." Nababahalang pakiusap nya kay Philip.
Ngunit desididong tignan ni Philip ang dahilan ng kaluskos.
Sya kasi ang malapit sa nagmumulang ingay. Nasa kaliwang bahagi kasi sila ni Cora.
Naramdaman ko naman ang paghinga ng malalim ng katabi ko. Si Galen.
"Sasamahan ko si Philip. Don't worry Cora, titignan lang namin ang bahaging yon" sabay turo nya sa kaliwa.
Napakunot noo ako sabay hawak ko sa braso ni Galen "Galen..." Walang ibang salita ang lumabas sa bibig ko. I'm scared! Masama talaga ang kutob ko dito sa Paradise.
"Babalik din kami" nakangiting sambit nya sabay halik nya sa noo ko. Ganon din ang ginawa ni Philip kay Cora.
Napabuga ako sa hangin dahil alam kong wala ng magpapabago sa isip nila. Titignan lang naman nila ih. Tas babalik din sila agad.
Nginitian namin sila kaya nakapag decide sila na lumakad na.
"Mag iingat kayo" pahabol kong sambit.
***•••***
"Alam nyo kanina pa sila, puntahan na kaya natin?" napatingin kami pare pareho kay Cora dahil sa sinabi nya.
Hindi sya mapakali at kanina pa sya palakad lakad.
"Are you crazy? Kaka two minutes pa lang bago sila umalis" napipikang sambit ni Olivia.
Napahilot ako sa sintido ko ng makita kong naiiritang lumingon si Cora kay Olivia.
"What's your problem?! Kanina ka pa ha!" Naiinis na sambit ni Cora kay Olivia.
Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa ugat ng isang puno para lapitan si Cora at pakalmahin.
"Shhh... That's enough Cora. Relax please" pagpapakalma ko sa kanya.
Ngunit nanatili ang matatalim nyang tingin kay Olivia.
"Kung wala ka sa mood, wag kang mandamay! Why?! Masama bang mag alala sa boyfriend ko?! Eh kung sinama mo yang jowa mo kila Phil edi sana dama mo yung nararamdaman namin ngayon ni Nava!" mangiyak ngiyak na sigaw nya habang dinuduro pa si Olivia.
Pilit ko pa ring hinahawakan si Cora sa braso para pakalmahin.
Napapikit naman ako ng makita kong napatayo na si Acel at sumunod naman si Nef para pakalmahin si Acel. Oh God, don't tell me may balak pa syang patulan tong si Cora?
"Kaibigan din namin sila Phil, incase you forgot" seryosong sabi ni Acel.
"Then act like one!" sigaw ni Cora kay Acel "Hindi yung nandito kayo ni Nef at nagpapaka duwag habang yung dalawa andon at hindi natin alam kung nasan! Sabi kayo ng sabi na kaibigan den pero ni pag sama sa kanila di nyo magawa! Tsk! Such a coward!" sambit nya pa din.
Agad kong hinigpitan ang pagkakahawak kay Cora tsaka ako napatingin kay Acel. Pilit syang pinapakalma ni Nef.
"Guys enough please... hindi to nakakatulong sa sitwasyon natin ngayon" sambit naman ni Rhea.
Napakunot noo ako ng kumalas sa pagkakahawak sakin si Cora tsaka sya agad na lumapit sa pwesto ni Rhea at sabay sabay kaming napasinghap ng malakas nyang sinampal si Rhea.
Dahil sa gulat ay hindi ko na nagawa pang lapitan sila.
"Y-You! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng to! Kung di ka ba naman kasi kalahating tanga at kalahating maarte edi sana hindi to mangyayare satin! May pa walk out walk out ka pang nalalaman! Tignan mo tong nangyare satin ngayon! This is all your fault---"
"Sabi ng tama na!" agad napahinto si Cora sa pagsasalita tsaka kami sabay sabay na tumingin kay Willa.
"Willa..." mahinang sambit ko sa pangalan nya.
Masayahing tao si Willa. Saming magkakaibigan sya ang bunso. Never in my whole life ko pa syang nakitang umiyak gaya ng nangyayare ngayon. And now, I am hurt too. Masakit na makita mong nag aaway away ang mga kaibigan mo at mas masakit pag nakita mong nasasaktan na sila pare pareho.
***•••***
Matapos ang kaganapang yon ay wala ng umimik samin ni isa, basta na pagdesisyonan na lang namin na maglakad at simulang hanapin sila Galen.
Almost 2 hours na silang nawawala at almost 2 hours na ring walang umiimik samin.
Medyo nahihirapan kami kasi nga madilim na. Ang hirap dahil anjan minsan yung biglaan kaming matatapilok.
And hindi na nawala ang weird na nararamdaman ko. Parang may mga matang nakatingin sa bawat kilos namin. I don't know pero yon ang kanina ko pa nararamdaman.
"Sh*t! Wala talang signal!" sigaw sa inis ni Nef.
"Yung map ba kasi?" tanong naman ni Olivia.
"I think nadala ni Galen" sagot ko sabay hilot ko sa sintido ko.
"Argh! I'm tired!" sambit naman ni Acel.
"What if maglatag na tayo ng tent? Pahinga na tayo at pagpatuloy na lang natin bukas" suggestion ni Rhea.
Agad naman syang hinarap ni Cora kaya napahinga na lang ako ng malalim.
Eto na naman sila.
"Can you please, shut the f*ck up?" naiinis na sambit ni Cora kay Rhea.
Agad namang tumayo si Olivia.
"Alam nyo kanina pa kayong dalawa, pikang pika na ko sa inyo. Di ba talaga kayo mananahimik?" naiinis na sambit nya.
Huminga ako ng malalim bago ako lumapit sa kinatatayuan nila.
Agad kong hinarap si Olivia "Oli, kalma." tsaka ko naman hinarap si Rhea na ngayon ay nakayuko na "And you, I get your point but please be senstive naman. Cora is Phils' girlfriend" tsaka ko naman nilingon si Cora "And Cora, I think we can considerate Rheas' suggestion."
Masama naman akong binalingan ni Cora.
"No way Nava! Napaka dilim na at aasahan mo kong makakatulog ngayon?! How'bout them?! Pano sila?! Naiisip mo ba kung san sila matutulog ngayon?! Nava---" agad kong tinapik tapik ang balikat nya.
"Shhh... I know, I know. But Cora, alam kong alam mo kung gano ka talino at ka diskarte ng dalawang yon. Just wait till morning at sabay sabay natin silang hahanapin. Alam kong alam mo sa sarili mo na wala tayong chance na mahanap sila sa sitwasyon natin ngayon. Pagod na tayo pare pareho at napaka dilim pa. Magpahinga na lang tayo para mas malaki ang tyansa na mahanap natin sila bukas, mas may energy tayo." agad ko syang hinawakan sa magkabilang braso, napalunok agad ako ng makita ko ang mumunting luha sa mga mata nya "Now, did you get my point?"