Napatingin ako sa kaliwa ko kung san nakahiga sa tabi ko si Cora.
Patuloy ang pag iyak nya at kanina pa yon walang tigil. Although napakahina ay rinig na rinig ko pa rin. At alam kong naririnig din yon ni Oli na katabi nya sa kabila.
Nandito kaming mga babae sa tent at nasa kabila naman yung dalawang lalake.
Huminga ako ng malalim atsaka ko yinakap ng patagilid si Cora.
She's scared for our safety pati na rin sa kaligtasan ng boyfriend nyang si Phil.
Ako din, damang dama ko yung takot at pag aalala sa buong sistema ko. Hindi ko alam kung normal pa ba to sa mga nag cacamping pero dahil sa mga narinig ko sa lugar na ito, dumoble pa ang kabang dama ko at hindi talaga ako mapalagay.
I hope ayos lang sila.
'Goodnight babe. I love you Galen'
Huminga ako ng malalim tsaka ko isiniksik ang mukha ko sa katawan ni Cora.
"Shhh, everything will be fine" pag papagaan ko ng loob nya.
I need to be strong. Para sa sarili ko, para sa boyfriend ko, para sa mga kaibigan ko...
Agad akong lumingon kay Oli.
At para sa magiging inaanak ko.
Yes, Oli is pregnant kaya pabago bago sya ng mood at madalas ang pagiging mainitin ng ulo nya.
Kinompronta ko sya non kasi naiinis na ko sa pagiging wala nya sa mood kaya bigla syang napaamin.
Well yun na nga ang hindi okay, dahil ako lang ang may alam sa lahat. Yeah! As in sa lahat dahil ultimo boyfriend nya which is the father of the baby inside her tummy na si Acel ay hindi rin alam.
Hindi pa daw kasi sya ready. Kaka 2 months pa lang naman kasi.
Ngumiti ako ng mapait. Gusto ko ng makaalis dito, pero bago yon, ipinapangako ko munang buong puso kong poprotektahan ang mga kaibigan ko, ang boyfriend ko and even that soon to be inaanak ko. At kung kakayanin ko pa, sana mailigtas ko rin ang sarili ko.
***•••***
Nagising ako ng may maramdaman akong paglapag ko sa malambot na bagay.
Nang maimulat ko ang mata ko ay agad akong nahilo. Ang sakit ng ulo ko!
"My Lord, nagising po ang isang babae" kahit nakapikit ay rinig na rinig ko ang bulungan sa paligid.
At kahit nahihilo at may hindi maipaliwanag na sakit akong nararamdaman sa ulo ko ay pilit kong iminulat ang mata ko.
Napahinga ako ng maluwag ng makita ko sa kanan ko si Willa. Nanghihina naman akong napatingin sa kaliwa ko at nandon naman sila Olivia, Cora at Rhea.
"W-Willa... Oli... C-Cora... R-Rhea... G-Guys, please wake up..." nanghihina kong sambit at pilit silang niyuyugyog ngunit wala ni isa sa kanila ang nakakarinig sakin. Wala pang nag reresponse...
"G-Guys..." pinilit kong umupo ngunit agad din akong napahiga ng makaramdam ako ng hilo.
Napakasakit ng ulo ko!
A-Ano bang nangyare?!
Gustong pumikit ng mga mata ko ngunit hindi pwede!
Nakaramdam ako ng mga yapak papalapit sa direksyon ko.
Sh*t! I wanna sleep!
Agad akong napahawak sa ulo ko at agad na umiling iling.
"N-No! No.... No don't please!" iling iling na sambit ko at pilit na nilalabanan ang antok ko.
Nanghihina akong umupo at napangiti ako ng mapait ng magawa ko.
Nakapikit kong hinarap ang taong nasa harap ko. Alam kong maraming tao sa paligid at damang dama ko ang presence nila, pero ibang bigat ng atmosphere ang nararamdaman ko ngayon sa kaharap ko.
"W-Who are you?" nauutal kong sambit.
Pinilit kong imulat ang mga mata ko ngunit hindi ko talaga kaya. I'm sleepy!
"Sleep" malamig na tugon nya.
And with that voice parang biglang nangatog ang tuhod ko sa pinaghalong takot at kakaibang pakiramdam.
Agad kong kinapitan ang damit ng lalaki sa harap ko tsaka ako pikit na tumayo para makapantay sya.
Hindi sya natinag at gumalaw sa pwesto nya.
Hindi nya ko inalalayan o hinawakan, basta naka tayo lang sya.
Pinatong ko ang kamay ko sa isang balikat nya.
"N-No... We... We don't even... f*cking know you all! J-Just let us... let us go..." matapos kong sabihin yon ay nawalan na talaga ako ng balanse ngunit ramdam ko ang mga bisig na pumulupot sa bewang ko bago ako tuluyang matumba.
Naramdaman ko na lang ang pag angat ko sa ere and I'm very aware na buhat buhat na ko ng lalakeng to.
"I told you, just sleep" maikling sambit nya sabay lakad papunta sa kung saan habang buhat ako.
N-No... My friends... San nya ko dadalhin?
***•••***
Napamulat mulat ako ng makarinig ako ng kung anong ingay.
Anong nangyayare?
Nang maalala ko ang pangyayare ka gabi ay agad akong napaupo.
Nakaramdam ako ng di maipaliwanag na kaba ng makita ko ang kabuuan ng kwartong tinulugan ko. How come na nandito ako?! Nasa gubat kami sa pagkaka alala ko!
At ang kabang naramdaman ko kanina ay dumoble pa ng hindi ko makita ni anino ng mga kaibigan ko sa silid na ito.
What the hell?! Nasan sila?!
Agad akong bumangon at madaliang sinuot ang rubber shoes ko na nasa gilid lang ng pinto tsaka ako agad na lumabas.
Halos atakihin ako sa gulat ng may sumulpot na armadong lalaki sa harap ko.
Oh shock! Mukha syang taga tribo pero parang upgraded yung style.
"Kanina pa nag aantay ang mga kaibigan mo sayo ganon na din ang Lord" sambit nya habang nakayuko.
Napakunot noo ako sa sinabi nya.
Wala akong naintindihan kundi ang word na 'kaibigan' lang.
"Where's my friends?!" galit na sambit ko sa kanya.
Pag may kung ano lang talaga silang ginawa sa isa man sa mga kaibigan ko! Hindi talaga ako makakapagpigil at baka makapatay ako!
"Follow me" tsaka sya agad na naglakad.
Wala akong ibang nagawa kundi sundan sya.
Habang naglalakad ay napansin ko ang napakaraming armadong lalaki na gaya ng nasa harap ko ang nakapaligid sa kung san san. Para silang may kanya kanyang pwesto, nakakatakot gumawa ng kalokohan.
Ganon din ang takot ko ng mapansin ko ang mga kakaibang tingin ng mga parang mamamayan dito. Gaya ng sabi ko para silang tribo dito. Yung mga tingin nila ay nakasunod sa lakad ko, kakaibang ngiti din ang ibinibigay nila sakin na lalong nagpakaba sakin.
May pinasukan kaming tatlong pinto, napakalayo, as in malayo talaga.
"My Lord, andito na po ang babae" napatingin ako sa katabi ko na nagsalita bago ako napatingin sa harap kung san kita ko ang parang isang throne.
Hindi naman sya literal na parang trono talaga. Kaya ko lang sya natawag na throne ay para kasing hari ang dating nya sa kinauupuan nya.
Nakaupo don ang isang lalakeng naka maskara, and I am very sure na sya yung lalake kagabi, yung lalakeng nagbuhat sakin. Dama ko sa atmosphere na pinapadama nya sakin ngayon.
Para syang isang makapangyarihang tao na kahit sino ay matatakot na banggain.
Napakaseryoso ng dating nya with his tuxedo. Yah, sa kabila ng pagiging tribo theme ng paligid ay sinabayan ng pag tutuxedo nya.
Sa magkabilang gilid nya ay may iilan pang mga armadong lalaki.
"Nava..." agad akong napalunok ng marinig ko ang boses ni Cora sa gilid.
Patakbo akong lumapit sa kanila tsaka sila agad agad na niyakap.
Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.
"Are you alright?" kinakabahang tanong ko sa kanila.
Nang kumalas kami sa yakapan ay agad akong napakunot noo.
"Where's Willa?" nagtataka kong tanong sa kanila ngunit nanatili silang tahimik.
"What the hell?! I asked where's Willa! Bat di kayo---" agad akong napahinto sa pagsasalita ng biglang sumulpot ang isang armadong lalake na hawak sa braso si Willa.
"My Lord, base po sa test ng private doctor ay hindi na po sya virgin" napakunot noo ako sa sinabi ng armadong lalaki.
Naramdaman ko ang pagtakbo ng mga kaibigan ko papunta kay Willa ngunit nanatili lang ako sa kinatatayuan ko.
Naguguluhan ako ngunit parang may ideya ako sa nangyare kay Willa. S-sadyang ayaw lang iproseso ng utak ko.
"Next, that one. And that one, she's not virgin anymore then kill her" parang walang pakeng sambit ng lalake sa gilid. Yung armadong nakatayo sa gilid ng tinatawag nilang 'My Lord'
Kanang kamay nya ata.
Agad akong napahinto sa pag iisip ng bigla kong marinig ang pag sigaw ni Cora at Willa.
Napatingin ako sa kanila at ganon na lamang ang takot ko ng pilit silang dalawa na kinakaladkad ng apat na armadong lalake.
Si Willa para patayin at si Cora naman para sa next test.
Patakbo akong lumapit sa kanila para tulungan sila Rhea at Olivia na tulungan sila Cora at Willa.
"S-Stop! Stop please!" paulit ulit na sigaw namin.
"Then just tell us kung sino pa ang virgin sa inyo!" nag echo ang sigaw ng kanang kamay ng 'My Lord' nila sa buong silid.
"For what?!" nagmamatapang na sambit ko habang patuloy ang pag agos ng mga luha ko.
Naramdaman ko naman ang malamig na bagay sa ulo ko at ganon na lang ang gulat ko ng malaman kong nakatutok na sakin ang bunganga ng baril ng isang armadong lalaki.
"Wala kang karapatang sumigaw sa harap ng Lord" maikling sambit nung kanang kamay ng Lord nila
Narinig ko naman ang mga palakas na palakas na iyak ng mga kaibigan ko kaya pilit kong pinatatag ang sarili ko.
"What is this for? Virgin? For what?" pinilit kong maging matatag, masambit lang ang mga salitang yon.
But in fact kanina pa nangangatog ang mga tuhod ko at gusto ko na lang sumalampak.
"Para sa pagpili ng mapapangasawa ng Lord." at halos manlambot ako sa sinambit nya.