NANG MAGISING si Dana ay umaga na. Tumatagos sa manipis na kurtina ang sinag ng araw. Nang iangat niya ang kanyang ulo ay saka lang niya natanto ang posisyon nilang dalawa ni Dave. Nakapatong ang ulo niya sa dibdib ng binata na natutulog nang nakatihaya. Ang kamay niya ay nakapatong sa abs nito. Samantalang nakayakap naman sa likod niya ang kanang kamay nito. Shit! Anong nangyari at nagkagano’n ang puwesto nila? Paano siya ngayon babangon nang hindi nagigising ang nobyo? Sinubukan niyang alisin ang kamay nitong nakapatong sa likod niya. Ngunit lalo namang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Mabilis niyang sinulyapan si Dave sa pag-aakalang nagising ito. Ngunit tulog pa rin ang kanyang nobyo. Maingat niyang dinama ang leeg nito. May lagnat pa rin ito. Bagaman hindi na kasing-ini

