TITIG NA TITIG si Dana sa dalawang palapag na gusali kung saan siya ibinaba ni Manong Abel, ang asawa ni Manang Mercy at driver ng Uncle Julio ni Dave. Ito ang sumundo sa kanya kaninang umaga sa boarding house dahil maysakit daw ang kanyang nobyo. Nang malaman niya ito ay tinawagan niya agad si Dave. Ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Panay ring lang ang naririnig niya sa kabilang linya. Nang subukan niyang tawagan ito kaninang tanghali ay ganoon pa rin. Hindi pa rin ito sumasagot. Kaya noong sunduin siya kanina ni Manong Abel ay dito na siya nagpahatid sa apartment ng nobyo.Nag-aalala na siya ng husto sa kalagayan nito. Kung kailan pa naman sila magsi-celebrate ng kanilang first monthsary ay saka pa nangyari ito. Inilabas ni Dana ang duplicate key na binigay ni Manong Abel

