“UUWI na ba tayo, Dave?” usisa ni Dana nang lumabas na ang sasakyan nila sa compound ng resort. “Hindi pa. May dadaanan pa tayo sa Tagaytay,” tugon ni Dave. Biglang natuwa si Dana. “Talaga?” Hindi pa kasi siya nakarating sa lugar na iyon. Pero ngayon makakapasyal siya doon nang walang ginagastos. Ang saya naman ng pakiramdam niya. “May kakausapin ako na manager ng flower farm sa Tagaytay kaya pupunta tayo doon. Pero hindi na tayo magtatagal kasi may pasok ka pa bukas,” paliwanag ni Dave. “Okay lang. Basta ang importante makarating ako ng Tagaytay. May maikukuwento na ako kay Ira at pati na kay Missy,” nakangiting sabi niya. Agad siyang nilingon ni Dave. “Anong ikukuwento mo sa kanila?” “Siyempre iyong pupuntahan natin sa Tagaytay saka iyong na-experience ko sa resort,” tugon ni Dana

