Chapter 36

2255 Words

“DIYAN, diyan ko kinuha iyong isinuot ko kanina na swimsuit,” sabi ni Dana nang buksan nito ang closet na nasa loob ng kuwarto. Napa-buntunghininga si Dave nang makita ang sari-saring damit ng babae. “Kay Antie Nieves ang mga iyan. Sa mag-asawa ang suite na ito kaya malamang sinadya ni Antie na ilagay ang mga damit na iyan dito sa closet.” “Hindi naman siguro siya magagalit kung humiram ako ng gamit niya, ano? Lalabhan ko rin bago ko ibalik diyan,” wika ni Dana. “Walang problema sa kanya kasi hindi naman siya maramot,” ani Dave habang nakatitig sa mga damit. Hindi niya lubos maisip na ganito karami ang gamit ng tiyahin na iniwan sa closet gayong bihira namang pumunta ang mag-asawa sa resort. Mas madalas pa nga sila ng kapatid niya na pumunta dito bitbit ang kanilang mga barkada. “That’

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD