NAGPAALAM na kaagad si Dave pagkatapos nang pag-uusap nila ng manager ng resort na si Mr. Rios. Sinubukan ng binata na tawagan si Dana pagkalabas niya ng opisina. Ngunit hindi sinasagot ng dalaga ang tawag niya. Panay ring lang cellphone nito ang naririnig niya. Kaya nisip niyang bumalik sa suite baka sakaling maabutan pa niya roon ang nobya. Lumapit siya sa receptionist na naroon sa lobby ng hotel upang humingi ng spare key card. Agad namang ibinigay sa kanya ang key card na iniwan ni Dana sa counter. “Anong oras pa umalis ang girlfriend ko?” usisa niya sa receptionist. “Kanina pa po, Sir. May isang oras na po yata,” tugon ng receptionist. Nagpasalamat si Dave bago umakyat sa kanilang suite. Nagpalit siya ng swim shorts at printed polo saka siya muling bumaba. Sinubukan niyang mulin

