MUNTIK nang mapasigaw si Dana nang pagbukas niya sa apartment ay mabungaran niya si Dave na nakatalungko sa ikatlong baitang ng hagdan. Nagmamadaling pumasok siya at agad na ibinaba ang dala-dala niyang pinamili sa upuan saka patakbong pinuntahan ang nobyo. “Bakit ka nandito, ha? Baka kung mapaano ka,” nag-aalalang wika ni Dana nang lapitan si Dave. Halos mapaso siya nang hawakan ang braso ng binata. “Halika na at ihatid kita sa kuwarto mo,” aniya. Nag-angat ng ulo si Dave. “Bhabe! Akala ko iniwan mo na ako,” nanghihinang wika nito nang tumingin sa kanya. “Pasensiya na. May binili lang ako sa grocery,” pagdadahilan niya. Kaninang magising siya ay tinawagan niya si Ira na hatiran siya ng damit niya. Nang dumating ang kaibigan ay pinaghintay niya ito. Pagkatapos magbihis ay nagpasama siy

