Chapter 51 Mike Nang makapasok ako ng kuwarto ay excited pa akong ibigay sa kaniya ang plato na may lamang crispy frog. "Hon, ito na ang request mong pritong palaka." Nakangiti kong iniaabot sa kaniya iyon. "Ayaw ko na niyan!'' masungit niyang sabi. Bigla naman napawi ang aking ngiti sa labi. ''Pero, Hon? Inisturbo ko pa ang mga tauhan ko para lang hanapan ka niyan, " sabi ko. "Eh, ayaw ko na nga, eh! Ang tagal niyo kasi!" inis nitong sabi. Napahilamos na lang ako ng mukha sa inis. "Iho, pagpasensyahan mo na ang asawa mo. Ganiyan talaga ang naglilihi, " bulong naman ng Mommy niya sa akin. "Mom, matapos niya akong batuhin para lang makain ang litsing palakang 'yan tapos ayaw niyang kainin?" nainis kong bulong kay Mommy. ''Kainin mo lahat yan, Mike! Saka akyatan mo ako ng mangga

