Jasmine After 1 year "Hi, Hon!" sigaw na bati ni Mike habang nakaupo ako sa upuan sa labas ng beach house niya. Puro tubig ang makikita na kulay asol na dagat ang matatanaw sa paligid namin. At mula sa beach house niya ay tanaw ang resort na dati kong pinagta-trabahuhan na pagmamay-ari niya. Sinabi niya na regalo niya iyon dapat sa akin kung hindi kami nagkahiwalay noon. Ang sarap pagmasdan ang mag-aama ko na nakatampisaw sa tubig. Halata sa mga mukha ng mga kambal namin ang saya na kasama na nila ang Daddy nila. Nakikipaglaro ang mga kambal sa ama nila. Naghahabulan sila sa buhanginan at nagtatawanan. Halata rin sa mukha ni Mike ang saya. Habang ako naman ay pinapadede ang sanggol namin na si Josh. Matapos ko manganak ay naging maayos naman ang kalagayan ko. Naipanganak kong ligta
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


