MYLA "A-ANAK niyo po siya?" Gulat na tanong ko kay Tita Lory. Tumango naman siya. "Yes, hija. Hindi ko alam na magkakilala pala kayo ng anak ko." Napailing na nalang akong napatingin kay Latrell. Ibig sabihin, siya ang… "Teka nga Mom." Naguguluhang singit ni Latrell. "Bakit magkakilala kayo? At paano kayo nagkakilala?" "Later anak. Pag-usapan natin iyan mamaya. Kelangan na nating simulan ang party mo, nakakahiya sa mga bisita." "Mom.." Maktol niya at tumingin pa sakin. "Sige na, halikana do'n sa unahan." At hinawakan nito ang kamay ng kanyang anak. "Myla, maupo kana muna ro'n." Itinuro niya ang mga nakapwestong mesa at upuan. Nakangiti akong tumango. "Sige po, Tita Lory." Sabi ko saka pumunta na ron. Hindi ko na muna pinansin ang presensya ni Celine. Alam kong galit siya na nar

