MYLA ARAW NG SABADO. Nagbihis ako at naghanda para umalis sa umagang iyon nang may mag-door bell sa bahay. Agad akong lumabas at pinagbuksan siya ng gate. "Oh, Tao.." Bungad ko sa kanya na maayos ang suot. "What are doing here?" "Ah, yayayain sana kitang lumabas." Napatingin siya sa kabuuan ko. "Pero mukhang may lakad karin.." Napatango ako. "Oo eh. Pupunta ako sa bahay nina Celine." "What?" Gulat niyang tanong. "Anong gagawin mo do'n?" "Dadalawin ko sina Nanay Flor. Yayayain ko rin silang mag-mall.." Simpleng sagot ko na ikinabuntong hininga niya. "Sa tingin mo ba papayag sina Celine?" Umikot lang ang mata ko. "Tsk, hindi naman sila ang pupuntahan ko do'n.." "Pero malabong papasukin ka do'n." "E di sa labas, wala siyang karapatang pagbawalan ang mga kasambahay niya lalo na't w

