MYLA "MAY PROBLEMA BA?" Tanong ni Tao nang makalabas kami. Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin ni Latrell ay nagpasya akong magpaalam sa mga Alvarez. Pakiramdam ko ay hindi ko matagalan ang makasama siya sa hapag lalo na't katabi ko siya. Umiling ako at nagpatiunang pumasok sa kanyang sasakyan. Nakita ko naman ang pagbuntong hininga niya bago pumasok narin. Nakatingin lang ako sa mga nilalaro kong daliri habang siya naman ay in-start ang sasakyan. Napatingin siya sakin saka muling napabuntong hininga. "Nakita kong sinundan ka niya kanina..." Natigilan ako at napatingin sa kanya. Nasa harap ang tingin niya at mukhang seryoso. "Gusto niya ba kayong magkabalikan?" Matagal bago ako nakasagot. "A-Alam mong malabong mangyari yon.." "Dahil ba sa ikakasal na siya?" Napabuntong hininga la

