DUMAAN ang isang linggo mula nung party ni Celine. Hindi ko na masyadong naramdaman ang pang-aalipusta sakin ng dalawang mag-ina. Gayunpaman, si Celine ay di parin naalis ang pagka-disgusto sakin dahil sa tuwing magkikita kami sa bahay o sa school ay iniirapan niya ako o di kaya ay masama ang tingin sakin. Bagaman dumaan ang mga araw na walang nananakit sakin sa school ay hindi parin nagbago ang pakikitungo sakin ng mga bully. Andon iyong ikukulong ka nila sa banyo at wala akong magawa kundi maghintay na may magmagandang loob na tulungan ako, andon iyong didikitan ka ng papel sa likod na may nakasulat na "Maid for Hire" at bigla nalang may magsasabi sayong "labhan mo ang brief ko", o di kaya naman ay ang dikitan, lagyan at padalhan ka sa locker mo ng mga hate threats. Pero lahat ng iyo

