MYLA NAGTATAKA ako kung bakit hindi parin kumukuha ng juice si Latrell. Kanina pa siyang nakatitig lang sakin. Bahagya pang nakaawang ang labi niya. Nangangalay na tuloy ako. Sa ilang segundong pagtitig ko sa kanya ay napagmasdan ko ng mabuti ang mukha niya. Maganda at nagniningning ang kanyang kulay brown na mata. Dagdag pa ang makapal na kilay nito na sa tingin ko ay pinaka-angat sa mukha niya. Ang matangos niyang ilong na animo'y hindi mo makikitaan ng kapintasan dahil sa perpektong hugis nito. Mas perpektong perpekto naman ang kanyang labi dahil sa hugis at kulay nito. Manipis at natural ang pagkakahalo ng pula ibabang bahagi niyon. Ang kaputian naman niya ang mas lalong nagpapadagdag ng kagwapuhan niya. Ang lakas ng dating niya sa basa at magulo niyang buhok. Tumutulo pa an

