CHAPTER 5

2466 Words
KATATAPOS lang ng aming practice sa basketball para sa darating na INTERHIGH na lubos naming pinaghahandaan. Lalo na ako dahil goal ko muling makuha ang pagiging MVP. May mga nanonood doon at karamihan ay babae. At lahat sila ay nagtitilian dahil sa amin. "Good job, Latrell." Baling sakin ni Coach Ancit. "Practice-in mo lang ang ganoong tira palagi at siguradong malaki ang tulong niyon sa performance mo. Sa lahat, ikaw ang inaasahan ko kaya sana, wag mo akong bibiguin." Tinapik niya ang balikat ko. "Sige na magpahinga na kayo." Aniya saka kami iniwan. "Panigurado, panalo nanaman tayo at ikaw nanaman ang MVP niyan." Sabi ni Tao. "Wag tayong pakampante." Sabad ni Franco. Napatingin kami sa kanya. "Sabi ni Coach, may new player raw ang kalaban at magaling raw." "Kaya nga todo ang practice natin diba. We'll make sure na tayo parin ang champion." Sabi naman ni Eunho. Naglakad na kami sa bench at sinalubong kami ng mga babaeng kanina pa kami hinihintay. May mga dala itong towel at bottled water. Nakangiting nagsilapitan ang mga ito kina Tao, Franco at Eunho at binigyan sila ng tubig at towel. May lumapit din sakin. "Here." Nakangiti niya akong binigyan ng malamig na tubig. At tinanggap ko naman iyon. "Thanks Celine.." Saka tinungga ang laman ng bottle. Bahagya akong nabigla nang punasan niya ang mukha at leeg kong pawisan ng dala niyang towel. Classmate ko si Celine, matagal ko na siyang kilala. Palagi siyang lumalapit sakin. Pag may practice kami sa basketball ay naroon siya at lagi akong binibigyan ng tubig at pinupunasan ang pawis ko pero hanggang ngayon ay di parin ako sanay sa ginagawa niya. Celine is not just a typical girl, she's pretty and sexy...but I don't like her attitude. Minsan ko na kasi siyang naabutang may binubully. Sa lahat ng ayaw ko ay ang mga BULLY. At sa tingin ko rin ay playgirl ito. Noong wala pa sakin ang atensyon niya ay ilang beses ko siyang nakikitang iba iba ang kasamang lalaki. But I always tried to be nice pagdating sa kanya kasi nice din naman siya sakin. "A-Ako na.." tipid ngiting sabi ko saka inagaw ang towel sa kanya at ako na ang nagpunas ng sarili kong pawis. Saka kinuha ang bag at isinukbit iyon sa balikat ko. Lumapit siya sa akin. Ikinawit niya ng kamay niya sa braso ko. "Ah, Trell?" Aniyang sumabay sa akin sa paglalakad papunta sa labas. "Hmm?" tugon ko. "Can you join me..?" Malambing niyang turan. "Saan?" tanong ko. "In a restaurant, matagal na kasi tayong hindi lumalabas. I want to eat in your restaurant with you." "Where's your friends?" salubong na kilay na sabi ko. "They went home na eh. Busy daw sila. Sige na Trell...treat ko." Pagmamakaawa niyang hindi parin ako binibitawan sa pagkakahawak niya. "Kaso busy rin ako eh, kailangan kong mag-aral sa biology." "Sige na please, kahit saglit lang.." Paglalambing niya uli saka hinilig pa ang ulo sa balikat ko. Napabuntong hininga nalang ako. Imbes na gusto ko sanang ipahinga ang oras na iyon. "Okay fine..." Nasabi ko nalang at lumiwanag naman ang mukha niya. "Pero sandali lang ha? Mag-aaral pa ako." Nakarating kami sa locker room. "Sige hintayin mo nalang ako sa labas. Magbibihis pa ako." Sabi ko saka inialis ang kamay niya sa braso ko. "Okay, see you." Natutuwa niyang sabi saka naglakad palabas. "Tagal nang dumidikit sayo yun ah, ba't di mo nalang kasi ligawan?" Bungad sakin ni Tao. Naroon na sila sa locker room at nagpapalit. Nagpalit narin ako ng damit. "I don't like her." simpleng sagot ko. "E bakit pumapayag kang dumikit palagi sayo? May papunas punas pa ng pawis kunwari, daig niyo pa ang magsyota." natatawang sabi ni Franco. "Gago!" Singhal ko. "I just don't want to be rude." Tinapos ko na ang ginagawa saka isinarado ang locker at nagpati-unang lumabas. "Mauna na ako sa inyo." "Enjoy your date!" Tudyo pa ni Eunho. Sinamaan ko lang sila ng tingin at lumabas na ng tuluyan. Iiling iling akong naglakad sa hallway. At naroon si Celine na naghihintay. "Let's go?" Pilit ngiting tumango nalang ako. Ikinawit muli niya ang kamay sa aking braso. Sa totoo lang, hindi ako komportable na kasama siya. "Where's your car?" Tanong niya nang makarating kami sa parking lot. "Over there." Inginuso ko ang dereksyon ng kotse ko. "Sayo nalang ako sasakay." Nagtaka ako. "Pano ang kotse mo?" "Balikan nalang natin after." Aniyang hinila na ako palapit sa kotse ko. Wala naman akong nagawa kundi ang magpahila. Nagdrive ako hanggang makarating sa malapit na Restaurant doon. Ang El Resto'. Kilala ko ang manager doon, si Tita Sonia, kaibigan ni Mommy. Si Mommy rin ang may ari ng restaurant na iyon. Actually, ang word na 'El' ay hango mula sa letter 'L' na first letter ng mga pangalan naming magkapamilya. Pumasok agad kami doon at umupo sa bakanteng mesa. Dahil ayaw kong mag-tagal doon ay minadali kong tumawag ng waitress. Agad na may lumapit sa pwesto namin. Nagulat na lang ako sa kung sino yun. "May I have yo------" natigilan ito at nagulat rin nang makita--hindi ako--kundi si Celine. Tumingin ako kay Celine. Nagulat rin ito pero agad ding nakataas ang kilay at gilid ng labi. "Well well Myla, nagtatrabaho kana pala rito?" Mataray na tanong ni Celine na ipinagcross pa ang braso. Napansin kong kinabahan ang babae. "Alam ba 'to ni Mommy?" "H-Hindi..." "Magkakilala kayo?"Takang tanong ko kay Celine. Napabaling siya sakin at kumunot ang noo. "Yeah, e kayo?" Tinuro niya si Myla. "You know her?" Tumango ako at tumingin kay Myla. "Nagkakilala kami few days ago." nakangiti kong sabi sa kanya. "Oh." Umigkis ang kilay niya saka ngumisi kay Myla. "She's our maid." Sabi ni Celine na ikinagulat ko. Napatingin ako kay Myla. Blangko na ang mukha niya at parang walang pakialam kung insultuhin man ni Celine. So, siya pala ang sinasabi nilang maid na nag-aaral sa UE. Nakaramdam ako ng awa nang mapagtantong siya rin pala iyong babaeng binubully at nakahandusay sa semento habang umiiyak. Tuloy ay may pag-sisisi ako na sanay tinulungan ko siya sa panahong iyon. "Can we order now? Nagugutom na ako." Pag-iiba ko sa usapan. Umiwas naman ng tingin si Celine kay Myla saka ngumiti sa akin. "Okay." At agad kong sinabi kay Myla ang order naming dalawa. Tumalima naman siya at iniwan na kami. Maya maya lang ay bumalik siya dala ang mga pagkain. Mabilis niyang inilapag iyon nang hindi tumitingin sa amin. Napapatitig naman ako sa kanyang seryoso lang sa ginagawa. Nang tumingin ako kay Celine ay kunot noo itong nakatingin sakin kaya napaayos ako ng upo at di na tumingin muli kay Myla. Maya maya lang ay nailapag na ni Myla ang lahat ng order namin at iniwan na kami. Agad naman kaming kumain ni Celine. "Malapit na nga pala ang birthday ko. Magkakaroon ako ng party, punta ka ha." aniya kaya napatingin ako. "Sure, kelan ba?" tanong ko sa pagitan ng pagnguya. "Sa tuesday." "Oh, malapit na nga. Same month pala tayo. And what's the theme?" "Pool party. Para makita ko kung gaano kaganda ng katawan mo." Kinagat niya pa ang ibabang labi niya kaya nailang ako at napainom ng juice. "At syempre, with alcoholic drinks para masaya hehe." Nagsalubong ang kilay ko. "Alcohol? But we're too young to drink that?" "Come on, Trell. I know you like it also." nakangising saad niya. Umiling ako. "Wala pa tayong 18, Celine. At hindi pa ako nakakatikim ng alak. At teka, pumayag ba ang parents mo na may alak sa birthday mo?" "Oo, payag si Mommy, basta daw hindi nakakalasing." Hindi nalang ako nakaimik at ipinagpatuloy nalang ang kinakain. Maya maya napansin kong napatingin si Celine sa gawing likuran ko. Hanggang sa maramdaman kong may dumaan sa pwesto namin. Huli na nang malaman kong si Myla iyon dahil bago pa siya makalampas kay Celine ay bumagsak siya bigla dahilan para tumilapon ang mga pagkaing dala niya. Gulat akong napatayo at patakbong lumapit sa kanya. Natigilan ako ng marinig ang mahinang pagtawa ni Celine kaya salubong ang mga kilay kong lumingon sa kanya. "What the hell Celine?" galit kong sabi sa kanyang. Natigilan siya at nailapat ang bibig. Agad kong tinulungan si Myla-ng makatayo. "Ayos ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. "O-Oo salamat.." Napatingin siya kay Celine na noo'y masama na ang tingin. Nilapitan niya at pinulot ang nagkalat sa sahig. Maya maya'y lumapit ang manager. "Anong nangyari Myla?" si Tita Sonia. Napatingin ito sakin at nagulat. "O Latrell, ikaw pala. Anong nangyari dito? Bakit nadapa yan si Myla?" At bigla nalang namilog ang mata nito at dinuro ako. "OMG, don't tell me.. pinatid mo siya ano?" Nagulat naman ako. "N-No Tita, bakit ko naman gagawin yun?" tanggi ko. "Malay ko bang binubully mo itong si Myla.." Napamaang ako sa sinabi ni Tita. Marahas akong umiling. "Tita naman, 'di ko gawaing manakit. Mas lalong hindi ako bully." Inis kong sabi. "E sinong may kagagawan niyan? Ayos ka lang ba Myla.?" Tanong naman niya kay Myla. Tumango naman ito. Inis akong tumingin kay Celine. "Nakooo." Naiusal ni Tita Sonia. "Mukhang alam ko na kung sino...Ang pangit naman ng taste mo, Latrell. Hindi ka man lang namili ng medyo mabait. Mukhang may sayad tong isang to." Pasiring niya na ikinaikot naman ng mata ni Celine. "She's not my girlfriend tita. I'm sorry kung naka-abala kami." Umalis na si Myla na noon ay tapos na sa pagpulot ng kalat at naglakad na sa kusina. Tinapik naman ni tita Sonia ang balikat ko. "Pag nalaman ng Mommy mo to, tiyak na hindi niya magugustuhan...you know what I mean." Aniya saka ako tinalikuran. Napabuntong hininga nalang ako saka bumaling kay Celine na nakasimangot na. "I think we have to leave now." Seryoso kong sabi saka nagpati-unang maglakad palabas. "Trell wait!" Habol niya sakin pero patuloy akong naglakad papalapit sa kotse ko. Nang maabutan niya ako ay hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako sa pagpasok sa kotse. "Galit ka ba?" Inis akong humarap sa kanya. "You know what? I'll be honest with you..I don't like your attitude Celine. Hindi iyan ang gusto ko sa isang babae. Kaya kung gusto mong magustuhan kita, be nice to anyone hindi lang sakin. Dahil yung ginawa mo kay Mylan, hindi ko iyon nagustuhan Celine, she didn't deserve to be embarrassed." Napatungo naman siya. "S-Sorry.." "Hindi mo dapat sakin sabihin iyan.." "Okay fine, magso-sorry ako sa kanya mamaya pag-uwi sa bahay." napahawak siya sa braso ko. "Sorry Trell kung na-disappoint ka sakin. Promise, I'll never do that stupid things again." "Sige.." Sabi kong tipid ang ngiti saka pumasok na sa kotse. "Let's go." Tumango naman siya at pumasok narin. Hinatid ko siya hanggang parking lot. At ako naman ay dumeretso na sa pag-uwi. Naabutan ko sila Daddy at Mommy na naroon sa sala. "Hi Mom, Dad." bati ko saka humalik kay Mommy. Nagtaka ako dahil salubong ang kilay ni Mommy. "Is there a problem, Mom?" "Yeah, you." aniyang seryoso kaya naman kinabahan ako. Mas istrikto pa kasi siya kesa kay Daddy. "Sitdown." Naupo naman ako. "Nakausap ko ang Dean." At doon na ako bumuntong hininga. Alam ko na kung ano iyon. "Naka-usap niya ang teacher mo sa biology. Bagsak ka raw sa first quarter, sa second quarter naman ay pasang awa." Napabuntong hininga siya. "Sabihin mo sakin...Nahihirapan ka ba?" "Honestly, yes. I told you before, hindi ko talaga gusto ang Biology. Kaya kahit anong aral ko, walang nangyayari." Nakasimangot kong sabi. "That's why you really need a tutor." Sabad ni Daddy. "I agree." sabi naman ni Mom. Hindi ako nakasagot. Mukhang wala na akong magagawa. "Okay ako na ang bahalang mag-hanap ng tutor para sayo." Si Mommy. "Pumunta kana sa kwarto mo at magbihis." Tumayo naman ako at nagpaalam para pumanhik sa aking kwarto. FOUR DAYS LATER... Mabilis na dumaan ang mga araw at ngayong gabi ang Birthday ni Celine. Ilang araw rin niya akong pinapaalalahanan kaya naman hindi ko nakalimutan. Naka-suot na ako ng sando at swimming trunk. Nang makapasok ako sa bahay nila ay naroon na ang karamihan. Ang iba ay nagsisipag-langoy na sa pool. Ang iba ay may hawak nang baso at iniinom ang laman niyon. At ang iba ay nag-sasayawan. Maya maya ay sinalubong ako ni Celine. Naka roba ito pero nakabukas kaya kita ang suot nitong Striped bikini sa loob. Nakangiti siyang lumapit at yumakap sakin. "You came." Pasimple akong humiwalay. "Pano ko makakalimutan, araw araw mong sinasabi." Biro ko. Natawa naman siya. "Halika, dun tayo." Aniyang humawak sa braso ko saka hinila ako sa mesang may mga pagkain at siyempre mga alak. Iniabot niya agad sakin ang wine glass na may lamang alak. Salubong ang kilay kong tinanggap iyon. "Don't worry, hindi ka agad malalasing niyan." Inilapit niya ang katawan niya sakin at doon ko nalamang basa na ito. Ikinawit niya ang isang kamay sa batok ko. Ang isang kamay naman ay ipinipilit akong painumin. "Hindi nakakalasing huh, eh mukhang naparami na ang inom mo." Sabi ko nang maamoy ang alak sa hininga niya. "Pss. Dyan kana nga muna." Aniyang kumalas. "Iihi lang ako. May food doon." Turo niya pa sa mesa. Wait for me here, okay?" Akala ko aalis na siya pero bigla siyang tumingkayad at hinalikan ako. Mabilis ko siyang tinulak. "Celine! Why did you kiss me?" Inis na tanong ko at pinunasan ang sariling labi. Pero ngumisi lang siya saka tumalikod at naglakad papasok ng kanilang bahay. Nairita ako bigla kaya nilagok ko ang laman ng baso at inubos iyon. Ipinatong ko iyon sa mesa at hinubad ang suot na sando. Saka lumapit sa pool. Malaki ang pool at iilan pa lang ang naroon kaya tumalon ako sa space kung saan walang tao at doon lumangoy. Ilang beses pa akong palangoy langoy doon hanggang sa makita ko ang pamilyar na taong naglalakad sa gilid ng pool na may dalang tray ng juice. Agad akong umahon at sinalubong siya. "Hey." Ngiting salubong ko sa kanya. "H-Hi." Tipid ngiting tugon niya. Pinasadahan ko siya ng tingin. Naka-uniform siya na pang-katulong. Nakapusod ang buhok. Sa totoo lang para sa akin, hindi bagay sa kanya ang maging maid. Kakaiba kasi ang awra niya, mukhang hindi nanggaling sa hirap. "Can I have one please." Nakangiti kong tukoy sa juice na dala niya. "Oo naman." Doon ko nakita ang ngiti sa kanyang labi, hindi pilit. Kaya naman napatitig ako sa kanya. Those brown eyes of her. Kakaiba ang mga iyon. Lungkot ang nakikita ko sa mga iyon. Pero may kung anong epekto niyon sakin. Para akong hinihigop ng mga iyon. Ngayon ko lang din siya natitigan nang matagal kaya naman napansin kong maganda ang hugis ng mukha niya. Kahit walang make up ay may natural na ganda ito. Mahaba ang pilik, matangos ang ilong at... Natural na mapulang labi. Wari ko'y malalambot ang mga iyon kung titingnan mo. "Akala ko ba gusto mo ng juice."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD