CHAPTER 4

2849 Words
LATRELL KAMOT kamot ko ang ulo ko habang nangangamote sa exam namin sa BIOLOGY. Aminado akong mahina ako roon. Ewan ko, maayos naman ang performance ko sa ibang subjects pero ito ang bukod tanging hirap ako. Mas gusto ko pa nga ang math eh. Kaya nga sinabi ko na agad kina Mommy at Daddy na hindi ako susunod sa yapak ni Mommy. Ang pangarap ko naman ay ang maging Engineer bagay na ikinatuwa naman ni Daddy dahil iyon din ang propisyon niya. Si kuya Lance naman ay magaling sa science at math. Pero mas pinili niya rin ang maging enhinyero sa halip na doktor. Ayos lang naman kay Mommy. Gusto niyang kami ang masusunod sa balak naming kunin. Ang mahalaga daw ay nag-aaral kami ng mabuti. Well, nag-aaral naman ako ng mabuti. Sadyang ayaw lang sakin ng science. "Five minutes!" Nataranta ako sa sinabi ni Ms. Balliente. Mas lalo akong nataranta nang ipasa na ng tatlong kaibigan ko ang mga papel nila. Inaasar pa nila ako at ngingisi-ngising lumabas ng room. Tumambay muna sila at hinihintay ako. "Bilisan mo dyan!" Bulong ni Tao. Half Chinese ang kaibigan kong yan. Sinamaan ko lang sila ng tingin saka nagmadaling sagutan ang test paper. "Time's up. Pass your paper, finished or not." Nang sabihin ni Ms. Balliente iyon ay meron pag dalawang unanswered sa test paper ko. "Mr. Alvarez!" Sigaw niya nang ako nalang ang di pa nagpapasa. I ignored her and just answered the paper and before she could shout again I stood up and handed the paper. "Tsk tsk tsk...Mr. Alvarez, mukhang alam ko na ang kahihinatnan nito." Sabi ng lec. "I expected you to improve pero mukhang babagsak kana naman ngayon for the 2nd time. Ipagdasal mong makapasa ka ngayon dahil kapag bagsak kana naman sa susunod ay aba wala kang aasahan sakin kahit apo ka pa ng Chairman!" Napakamot nalang ako. "S-Sorry po, miss." "Sige na, study harder Mr. Alvarez." saka lumabas ng room. Nakabusangot naman akong lumabas ng room at sinalubong ang mga kaibigan. "Di niya pa nga nache-check-an ang test paper ko, pinangunahan agad akong bagsak. Advance mag-isip? Tch!" salubong ang kilay na sabi ko. Tinawanan lang ako ng mga loko. Kahit kailan talaga hindi maasahan tong mga to. Sa halip na i-comfort ka, pagtatawanan ka lalo. "Kumuha kana kasi ng tutor mo, pre." Sabi ni Franco. Half-italian naman siya. "Oo tama pre. Makakatulong yon sayo." Sabi naman ni Eunho na pure korean pero dito nag-aral simula pa first-year kaya marunong nang magtagalog. "Edi mababawasan naman ang free time ko." Nakasimangot na sabi ko. "Tch! Hayaan niyo na, makakapasa ako dun sigurado." Saka ko sila tinalikuran at bumaba. Nang mapansin nila akong lumiko sa halip na sa Canteen pumunta ay sinigawan nila ako. "Hoy loko, saan ang punta mo!" Sigaw ni Tao. "Magpapahangin!" pasigaw na sagot ko at patuloy parin ang paglalakad. "Di ka kakain?!" Pasigaw na tanong ni Franco. "Wala akong gana, kayo na lang, doon muna ako!" Sabay turo ko sa malaking puno sa dulo ng field. Wala namang nagawa ang tatlo at pumasok na ng Canteen habang ako ay naglakad papunta sa malaking puno. Nang makalapit ay agad akong naupo sa lilim niyon. Sobrang sarap langhapin ng hangin kaya humiga ako at ginawang unan ang mga braso. Pinapanood ko lang ang mga dahon na gumagalaw at pinakikinggan ang huni ng mga ibong naroon dahilan para mapangiti ako at ma-relax. Sa ganoong paraan ko nakakalimutan ang problema ko. I love nature, especially trees. I always find peace under the trees. Suddenly, I was stunned when I heard someone sobbing and I was sure it was behind me. I woke up and was about to peek at the back of the tree when... BRINX BRINX!!!... My phone rang. Kinuha ko iyon sa bulsa ko. Si Mommy! Agad ko iyong sinagot. "Hello, Mom?" "Pwede ka bang pumunta dito sa parking ngayon, anak? Emergency lang.." Mom said. "Why?" I asked. "Kunin mo si Lexie, dalhin mo muna kay Daddy mo nag-kausap na kami, nagle-lecture pa daw siya kaya ikaw nalang raw utusan ko magdala kay Lexie sa kanya. Andito kami sa parking lot, bilisan mo nagmamadali ako." "Bakit ako?" Reklamo ko. "Sige na hijo. Ikaw lang ang malapit dyan sa Daddy mo. The hospital just called and told me to go there, maraming case raw ngayon. Wala naman akong maiwanan nitong kapatid mo. Ang kuya mo naman ay malayo rito." mahabang litanya niya. "Alright..." Pilit na sagot ko saka bumuntong hininga. "Thanks anak, maghihintay kami." "Alright, I'm coming." Saka ako tumayo at naglakad. "Bye, anak." "Okay bye, love you mom." Sabi ko saka pinatay ang phone. Mabilis akong naglakad palabas ng gate. Agad ko namang nahanap sila Mommy. Nasa labas na sila ng kotse at karga niya si Lexie. "Hi mom." Sabi ko at humalik sa pisngi ni Mom. "Hello to our cute little princess." Nakangiting baling ko sa 2 years old na bunso kong kapatid. Kinuha ko siya kay Mommy at hinalikan sa pisngi. "Hmm. Ang bango bango naman ni Bunso." "Sige na ikaw na bahalang maghatid kay Daddy mo. Ito ang mga pagkain niya at laruan." Saka niya binigay ang bag. "Kay Daddy ka muna baby ha. Love you." Hinalikan muna niya ang sintido nito bago nagpaalam at sumakay ng kotse. Hinintay muna namin siyang makaalis bago kami pumasok sa loob. Wala masyadong tao kasi nasa Canteen lahat sila. Kaya walang nakapansin sakin. Naglakad ako papunta sa campus ng College at umakyat sa building ng Engineering kung saan nagtuturo si Daddy. Naglalakad kami sa hallway nang madaanan namin ang ilang mga college students. "Si Latrell yan diba?" "Oo nga ,ba't may dala siyang bata?" "Ang cute naman!!!" "Oo nga, anak niya kaya yan?" "Gaga! Kapatid niya yan.." "Ah ang cute naman nilang tingnan. Magkamukha pa naman sila." Hindi ko nalang sila pinansin saka nagpatuloy sa paglalakad. Tiningnan ko naman si Lexie. Natatawa ako dahil turo siya ng turo sa kung saan saan. Malaking blessing samin ang pagdating ni Lexie. Tuwang tuwa ang lahat lalo na si Daddy na sabik magka-anak na babae. Ako rin naman ay gusto ng kapatid na babae. Nagtanong tanong muna ako sa mga nakakasalubong na mga Professor bago ko pa marating ang silid kung saan naroon si Daddy. Naabutan namin siyang nagtuturo pa kaya tumambay lang muna kami sa labas. Maya maya ay natapos na sila. Nagsilabasan na ang mga estudyante at huling lumabas si Dad. "Oh hello my beautiful princess..." Malapad ang ngiting sabi ni Daddy habang kinukuha sakin si Lexie saka hinagkan. "Thanks anak, sige na bumalik kana sa klase mo." baling niya sakin saka tinapik ang balikat ko. "Okay Dad." Saka bumaling kay Lexie. "Bye Lexie." Inipit ko pa sa mga labi ko ang maliit niyang kamay. "Bye Dad." "Ok son, study well." sabi ni Dad. Tinalikuran ko na sila at bumaba na ng building at naglakad pabalik sa campus namin. May ilang minuto pa naman ako kaya mabilis akong um-order ng kaunting pagkain saka kinain iyon. Nagutom ako bigla dahil sa pagod ng paglalakad papunta kila Dad. Halos di ko na naubos ang kinakain ko dahil naubusan na ako ng oras. Bumalik na ako sa aming room. "San ka ba galing? Hinanap ka namin sa field kanina, wala ka naman." Sabi ni Tao nang maka-upo na ako sa upuan ko. "Inihatid ko lang ang kapatid ko kay daddy." "Ah, kaya pala..akala namin umuwi kana dahil dun sa sinabi ni Ms. Balliente, hahaha." natatawang sabi naman ni Eunho. "Tch! Wag niyo ngang ipaalala sakin.." Sumimangot ako. Tawa naman sila ng tawa. "Pipilitin kong mag-aral para tumaas naman ako sa Biology at nang tigilan na ako ng Ms. Balliente na yan. Baka isumbong pa ako kay Lolo." Maya maya ay dumating na ang sunod na lecturer. Mabilis na tumakbo ang oras. At mabilis ding natapos ang klase. "Mauna na kayo sa labas, susunod ako." Sabi ko sa tatlo saka pumunta ng locker room. Kinuha ko ang libro ng Biology. Balak kong mag-aral mamaya pag-uwi ko. After that, I went out and walked on the hallway of the ground floor when I suddenly noticed something on the egde of the hallway. Talong babaeng pinagtutulungan ang isang babae. She tried to avoid the girls but they just held her both arms. I walked fast to approach them but I was shocked when one of the bullies slapped her face. "Hey!" Sigaw ko at napalingon naman silang lahat. Nakatungo lang ang babaeng pinagtutulungan ng mga ito. "S-Si Latrell..." Dinig kong bulong nung nakahawak sa kanang braso ng babae. "What the hell are you doing?!" pagalit na sigaw ko saka lumapit sa kanila. "Bakit niyo siya sinasaktan?" "W-We're just teaching her a lesson." Said the leader. "Teaching her a lesson? Bakit? Ano bang kasalanan niya?" Di sila nakasagot. "You two, bitiwan niyo siya." Utos ko sa dalawang nakahawak sa babae. "Umalis na kayo bago ko pa kayo isumbong kay lolo." "But..." Sabi pa nung lider. "What?!" I hissed. "Gusto mo ako nalang magpatalsik sayo sa University?" banta ko. "Oo na, ito na, aalis na kami." Sabi nito na sinenyasan pa ang kasama saka nagmadaling umalis. I looked at the girl when I heard her sighed. "Are you okay miss?" Tanong ko na hinawakan pa siya sa braso at ngumiti. Napatingin ito sa kamay kong nakahawak. "O-Oo, okay lang salamat." aniyang pilit ngumiti. Nagtataka lang ako. Kung ibang babae yun ay baka nagtitili na pag nakita lang akong ngumiti. Parang walang epekto ang ngiti ko sa kanya ah. tch! I slowly removed my hand from her arm. Nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil mukha siyang malungkot lalo na ang mata niya. Parang may pinagdadaan ang babaeng ito. "Pasensya kana ha. Dumarami nanaman yata ang mga bullies ngayon sa school na to." Sabi ko na napabuntong hininga pa. Pero ngumiti parin ako sa kanya. "By the way, I'm Latrell Joshua Alvarez, Trell nalang for short." Inilahad ko pa ang kamay ko sa kanya. Matagal pa niyang tinitigan ang kamay ko. Para naman akong napahiya. Buti nalang at tinanggap niya iyon. "Myla Guizuvel." Sabi niya habang nakikipagkamay. Pilit ang ngiti. Bago para sakin ang ganoong pakikitungo. Kung ibang babae pa iyon ay baka hinimatay na kapag nahawakan ang kamay ko. Sa sobrang gwapo kong to! Bakit wala man lang reaksyon sa mukha niya? Tch! Weird. "Sige aalis na ako. May pupuntahan pa ako." Wala paring reaksyong sabi niya. "Okay, nice to meet you, Myla.." Nasabi ko na lang dahil parang wala siyang ganang kausap ako. "Nice to meet you too, salamat ulit." Sabi niya saka ako tinalikuran at naglakad palayo. Sinundan ko nalang siya ng tingin hanggang sa di ko na siya makita. Napabuntong hininga nalang ako bago nagpasyang maglakad palabas ng school. Nagtext sakin ang tatlo kong kaibigan. Umuwi na raw sila dahil sa tagal kong lumabas. Dumeretso na ako sa bahay. "Dad, I'm home." Si dad ang nabungaran ko sa sala. Pinapakain niya si Lexie na panay ang lakad habang nanunuod sila ng Cartoon. Humalik ako sa pisngi ng kapatid ko. "Where's Mom?" "Matatapos na raw siya. Darating narin yun maya maya." sabi niya saka pinagpatuloy ang ginagawa. "Sige Dad, aakyat na ako, mag-aaral pa ako eh." Sabi ko saka umakyat sa hagdan. "Meryenda ka muna, anak." Narinig ko pang sabi niya. "Later Dad." Sabi ko bago pumasok sa aking kwarto. Nagpalit muna ako ng damit saka sinimulan ang pag-aaral sa Biology. Pero salubong ang kilay ko habang nag-babasa. Para naman kasing walang pumapasok sa utak ko. Kaya nga paulit-ulit sinasabi nina Mommy at Daddy na kelangan ko na ng tutor. Pero ayaw ko, sinabi ko sa kanilang kaya kong mag-aral ng mag-isa. Nasa gitna ako ng pagbabasa nang may kumatok. "Latrell, anak." tawag ni Daddy pagkapasok. "Mauna ka nang kumain, hihintayin ko pa ang Mommy mo." Tumingin ako sa relo ko. It's already 8:00pm. "Wala pa si Mom, Dad?" takang tanong ko. "Yeah, Baka sobrang busy. Kumain ka na lang doon. Magpahain ka kay Aling Cora.." "Mamaya na lang Dad, tatapusin ko pa to." "Okay, Ikaw bahala.." aniya saka lumabas at sinarado ang pinto. I continued studying until I realized it was already nine o'clock and I was also hungry so I went down. Pagpunta ko sa dining area ay naabutan ko doon sila Mom and Dad na kumakain na. "Hi, Mom, kararating mo lang?" Sabi ko saka humalik sa pisngi niya. "Nagugutom na ako." "Sit down, kumain kana." Saka ako binigyan ng plato. "Natagalan ako dahil may nangyari." Aniya na ikinagulat ko. "What happened Mom?" "Pauwi na ako nun, eh may napansin akong batang babaeng estudyante. Naglalakad sa tabi ng madilim na parte ng daan..Lalampasan ko na sana siya pero may nahagip akong dalawang lalaki sa unahan, madilim doon at mukhang di napapansin ng bata. Kaya kahit malayo na ako ay naisipan kong bumalik dahil nag-alala ako sa kanya." "Ano pong nangyari sa kanya pagdating mo?" curious na tanong ko. "Oh God, hinihila na siya ng mga lalaki sa madilim na lugar. At balak siyang gawan ng masama." "What?" Gilalas ko. "So tumawag ka po ba ng police para tulungan siya, Mom?" agad kong tanong. "Tch! Yun na nga kinaiinisan ko dyan sa Mommy mo eh." Sabat ni Dad. "Hindi nalang tumawag ng pulis, mag-isa niyang sinugod ang mga lalaki." Inis na sabi ni Dad. "What? Mom, delikado yung ginawa mo.." Nag-aalalang sabi ko kay Mommy. Napabuntong hininga si Mommy. "Kahit ako ay takot na takot sa kanila, pero hindi ko siya pwedeng hayaan na lang na gahasain nila at maghintay ng mga pulis. I already called them, bago pa man ako lumusob. Bago pa man kami masaktan ng mga rapist ay dumating ang mga police." muling napabuntong hininga si Mommy. "At hindi ako nagsising tinulungan ko ang batang iyon. She's actually the girl I met last night on a bridge that she was about to jump on." "What?!" Sabay naming bulalas ni Daddy. "Yung batang gustong mag-suicide?" pangungumpirma ni Dad at tumango naman si Mommy. "Why did she do that?" tanong ko. Mas mabigat ang naging buntong hininga ni Mommy. "Nakakaawa ang batang iyon, maagang nawala ang kanyang parents dahil sa accident. Kinupkop siya ng kanyang uncle, but he suddenly died from a heart attack. Now, the poor girl is all alone." Natahimik kami ni Daddy. Hindi ako makapaniwalang nangyayari iyon sa isang batang babae. "So, how's she?" tanong ni Dad. "She's fine, inihatid ko siya pauwi. Hindi ko na pinayagang interview-hin kami ng mga reporter dahil ayukong madagdagan ang stress ng bata. And by the way, she's also a student from UE." "Sa University natin, Mom?" gulat na tanong ko. Tumango siya. "I think she's 1 year younger than you." "Maybe we can adopt her, Mom." suhestyon ko. Base sa kwento ni Mommy, mukhang nangangailangan ng tulong ang batang iyon. Napangiti man ay napabuntong hininga lang siya. "I already offered her. But she wanted to stay with her aunt." Napabuntong hininga na lang ako. Maya maya ay nagsimula na kaming kumain. Matapos kumain ay umakyat na ako at naligo bago matulog. KINABUKASAN... Kina-umagahan ay agad akong bumangon at naghanda sa pag-pasok. Nang makarating ako sa school at makapasok ng gate ay agad akong natigilan sa nabungaran sa di kalayuan. Nagkukumpulan ang mga estudyanteng babae. Saka ko lang napansin ang pamilyar na babae na pilit umiwas sa kanila. Hanggang sa itulak ng mga ito ang babae. I was about to walk towards them when Tao arrived. "Wag mo nang pakialaman ang mga iyan. Away ng mga babae lang yan." "Away? E pinagtutulungan siya nila. Bullying ang ginagawa nila." Sabi ko. "Hayaan mo na----" "O, anong ginagawa pa ninyo dito?" Dumating si Franco. Tumingin siya sa tinitingnan namin. "Oh? Siya nanaman?" takang tanong niyang turo dun sa babaeng binubully. "Anong siya nanaman?" kunot noo kong tanong. "Do you know her?" takang tanong ko. Muli kong sinipat ang babae. Pamilyar talaga sakin ang babae, nakatalikod kasi ito kaya hindi ko makilala. "Siya yung bagong binubully ngayon. Huli ko siyang nakitang binubully sa Canteen." napatingin ako kay Franco. Napatingin muli ako sa babae. Nakaupo parin siya sa lupa kahit na umalis na ang mga bumully sa kanya. Napansin ko pang gumalaw ang balikat niya. Naisip kong baka umiiyak ito. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. "Sinong pinag-uusapan niyo dyan?" Napalingon kami sa likuran, si Eunho. Tumingin din ito sa babae. "Ah…'yong Maid ng UE" Natatawa niya pang turan kaya naman napakunot noo ako. "What do you mean Maid ng UE?" I asked. "Di mo ba alam ang balita---?" "Tch! Di ako tsismoso tulad mo." Singhal ko. "Loko!" akma niya akong babatukan pero umiwas ako agad. "Narinig ko lang, katulong pala ang isang yan." Sabi niya saka napakamot. "Pero paano siya nakapag-aral dito?" "Baka scholar.." sagot ni Franco. "Hindi naman full ang scholarship dito." sagot ko naman. "Hindi niya parin kakayanin ang miscellaneous fees ng University kung isa lamang siyang kasambahay." "Baka pinag-aaral ng employer nya." Tatango tango naman ang dalawa sa sinabi ni Tao. Nang hindi parin tumatayo ang babae ay naisipan ko siyang lapitan para tulungan sana pero bigla itong tumayo at nagpagpag ng palda niya. Bago ko pa man siya maabutan ay nakaalis na siya. Napabuntong hininga nalang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD