CHAPTER 3

2822 Words
"BITIWAN NIYO SIYA!!!" Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses na iyon. Matutuwa na sana ako na may makakatulong sakin sa panganib na kinasasadlakan ko pero...BABAE! Babae ang dumating. Nanlumo ako dahil sa isipin na baka matulad lang siya sakin. "I said let her go!!" Subalit napakunot noo ako nang mapamilyaran ko ang boses niya. Natigilan na lang ako nang lumapit siya dahilan para makilala ko siya. "T-Tita Lory?" Napansin ko nang matigilan siya. Saglit niyang pilit inaaninag ang kinaroroonan namin. "Oh my God!" natutop niya ang kanyang bibig nang makilala ako. "Myla! Napaiyak na lamang ako. "Tita Lory, tulungan niyo po ako!" nagpupumiglas ako ngunit mahigpit ang pagkakahawak ng isang lalaki sa akin. "Don't worry, sweetie. I already called the police." bumaling naman siya sa mga lalaki. "Hoy, bitiwan niyo na siya! Parating na ang mga pulis para hulihin kayo!" Napahalakhak lang ang dalawang lalaki. "Matapang ka ha, gusto ko yan..." Sabi ng isang lalaki saka sinenyasan ang isa na lapitan si Tita Lory kaya nataranta ako. "Tita Lory!!" nag-aalalang sigaw ko sa kanya. "Wag kang maingay!" Sabi nung nasa likod ko na nakayakap na ang braso sa leeg ko. "Kung ayaw mong butasin ko yang tagiliran mo!" Saka ko naramdaman ang paglapat ng matalim na bagay sa tagiliran ko. Kaya naman natahimik ako sa takot. "Hoy! Ano na? Patahimikin mo na ang isang yan nang makaalis na tayo bago pa dumating ang mga pulis!" utos ng nasa likod ko. Napaatras si Tita Lory at nakitaan ko ng takot kaya naman kinabahan ako para sa kanya. "Huwag kang lalapit!" sigaw ni Tita Lory. Pero patuloy lang sa paglapit ang lalaki at dinukot pa ang kutsilyo sa likod nito kaya naman nanlaki ang mata ko. "W-Wag! Kunin niyo na lang ako! Huwag niyo siyang idamay!" pagmamakaawa ko. Umatras muli si Tita at napatingin sa kanyang paanan nang meron siyang maapakan. Kaagad niyang pinulot ang isang dos por dos na kahoy at iniumang sa lalaki. "Sige, subukan mong lumapit!" banta ni Tita Lory pero natawa lang ang lalaki at mas lalo lang siyang nilapitan. "Kung hindi ka lang sana nangialam, di buhay ka pa sana!" bigla na lang nitong sinugod si Tita Lory na ikinasigaw niya. Napapikit na lang ako habang patuloy sa pag-iyak. Pagmulat ko, pinupokpok na ni Tita ng kahoy ang lalaki kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Hanggang sa mahawakan ng lalaki ang kahoy at marahas iyong kinuha kay Tita na ikinahandusay niya sa lupa. "Tita Lory!!" natakot ako nang lapitan siya ng lalaki tutok ang kutsilyo nito. Nilakasan ko ang loob ko. Yumuko ako at malakas na kinagat ang kamay ng lalaking nakahawak sakin. "Aahh!!" nabitawan niya ako kaya naman nagmadali akong tumakbo sa kinaroroonan ni Tita. Agad akong pumulot ng bato at ipinukol sa ulo ng lalaking akmang sasaksakin si Tita Lory. "Aray!!!" nasapo nito ang kanyang ulo at agad na nanlaki ang mata nang makita ang dugo. “Tita Lory!” agad ko siyang pinatayo. Tumakbo kami palayo pero napatili kami nang naabutan kami ng dalawa at hinarangan kami. “Wala na kayong kawala!” sigaw ng isa. Napayakap nalang kami ni Tita Lory sa isa’t isa. Pero agad kaming napalingon nang marinig ang paparating na mga pulis. "Nalintikan na!" galit na usal ng isang lalaki. "Tara na!" Agad na tumakbo ang mga ito palayo pero agad na kinorner ng mga sasakyan ng mga pulis. "Sumuko na kayo! Taas ang kamay!" agad na nagsilabasan ang mga pulis at itinutok ang mga baril sa mga ito. Agad namang napasunod ang mga lalaki at binitawan ang mga kutsilyo. Di naglaon ay nakaposas na ang mga lalaki at isinakay sa patrol car. "Mam, kailangan niyo pong sumama samin para makunan kayo ng statement sa nangyari." "Papayag ako, but please make sure na walang mga reporter sa presinto." "Sige po mam, wag kayong mag-alala." Bumaling sakin si Tita Lory. "Pasensya ka na, hija. Pero kailangan nating sumunod sa kanila. Kailangan nating ibigay ang detalye para makasuhan ang mga iyon." "S-Sige po.." Agad kaming sumakay sa kanyang kotse at sinundan ang mga pulis. Ilang minuto kaming namalagi sa loob ng presinto para magbigay ng statement sa nangyari. Mabuti na lang at hindi hinayaan ni Tita Lory na makapasok ang mga reporter para kunan kami ng video at interview. Hindi ko gugustuhing makita ng mga tao ang balita tungkol sakin at sa muntikan ko nang pagka-rape. Siguradong mas lalo lamang akong kukutsain ng mga tao sa University. "Sa susunod wag kang basta basta maglalakad nang mag-isa lalo na sa parting iyon na madilim." sabi ni Tita Lory nang maihatid niya ako sa bahay. "Maraming nagkalat na masasamang tao." aniya. "S-Sige po pipilitin ko nalang mag taxi agad pagkagaling ko sa trabaho. Gusto ko po kasing magtipid kaya jeep ang naisip kong sasakyan." Napabuntong hininga siya. "Bakit hindi ka na lang kaya humiling sa Tita mo na pagamitin ka ng sasayan, I'm sure naman papayag iyon lalo na kapag nalaman niya ang nangyari sayo." Mapait akong ngumiti. "Naku, malabo po iyon. Kahit na sabihin ko po sa kanya ang nangyari, siguradong pagagalitan lang po niya ako." "Ayukong mangialam pero, hindi ba mabuti ang pakikitungo ng Tita mo sa'yo?" Natigilan ako. Saka pilit na ngumiti. "Ay hindi po, m-mabait naman po ang Tita ko, medyo strick nga lang." pagsisinungaling ko. "Pasensya na sa tanong ko, hija." paumanhin niya. "Okay lang ho.." Ngiting sabi ko. "Eh kung mag-advance ka kaya agad ng sweldo sa pagtatrabahuan mo?" Naku, nakakahiya po. Magsisimula pa lang po akong magtrabaho sa restaurant na iyon bukas." "Restaurant? Ano bang pangalan ng restaurant na iyon?" "El Resto', ho." sagot ko at parang nagulat naman siya. "El Resto'?" tanong niya at tumango naman ako. "I see...Sige aalis na ako, pumasok kana rin." "Sige ho, mag-iingat po kayo." "Ikaw rin mag-iingat kana simula ngayon ha?" anito saka buksan ang pinto ng kotse at pumasok. Kinawayan pa niya ako at kumaway rin ako at sinundan ng tingin ang papalayo niyang sasakyan. Saka palang akong pumasok. Agad kong nabungaran si Tita Selina sa veranda. Madadaanan kasi yun bago ako makakapunta sa likod kung nasan ang room naming mga katulong. "At saan ka naman nagpupunta sa ganitong oras? Kanina pa dapat ang uwian niyo, mag-aalas nueve na.?" Tanong niya na bahagyang galit sa akin. "P-Punuan po kasi ang jeep saka traffic po." dahilan ko. Ayaw kong sabihing may nangyari sakin dahil alam ko namang wala silang pakialam sakin. Nagawa niya nga akong saktan at alilain na halos ikamatay ko na eh lalo na siguro pag nalaman nilang muntik na akong ma-rape, malamang magsaya pa sila. Hindi ko rin sigurado kung dapat ko bang sabihing nag-apply rin ako ng trabaho. Baka di ako payagan nito. Siguro ay idadahilan ko nalang na traffic at hassle sa pagsakay sa jeep. "O sige pumasok kana at tumulong sa kanila." Tukoy niya sa mga katulong. Sinunod ko naman ito at naglakad na sa kwarto namin. Tumulong ako sa mga gawain doon sa kusina. Alas onse na ako nakapag-aral at pagkatapos niyon ay natulog na ako. KINABUKASAN... Maaga akong nagising para tumulong kina Nanay Flor sa paghahanda ng agahan. Bago ako maligo ay isinalang ko muna ang mga labahin sa washing machine at hinayaan iyon habang naliligo at nagbibihis ako para sa pagpasok. Pagbalik ko sa laundry area ay tapos na ito. Kinuha ko ang mga iyon saka isinampay. Kumain muna ako bago umalis. Nagpasya akong magjeep lang sa umaga at mamayang gabi naman ay magta-taxi ako para di na maulit ang nangyari sa akin kagabi. Hindi parin maalis ang takot sa dibdib ko. Kung nagkataong wala si Tita Lory doon ay baka nagahasa na ako and worst baka napatay rin nila ako. Kung gayon ay iisipin ko na talagang ako na ang pinaka-malas na tao na nabubuhay sa mundo. Wala akong choice kung hindi ang mag-taxi pagkatapos ng trabaho ko kahit na kulang ako sa budget. Naisip kong manghihiram nalang ako sa mga kasama kong katulong. Nang makarating ako sa school at pagpasok ko palang ay agad na akong sinalubong ng mga babaing masasama ang tingin sakin... "Ha! Di ka parin talaga nadala e no. Bakit mo ba pinagsisisiksikan ang sarili mo dito eh hindi ka naman nababagay dito!" Sabi nung isang naka-ponytail at naka-cross ang arm. Bumuntong hininga nalang ako. Di ko nalang sila pinansin at naglakad pero hinarang nila ako. This time marami na sila. Malamang nalaman na nila ang tunay kong pagkatao. "Ang kapal din talaga ng mukha mo! Sinisira mo ang image ng university namin dahil sa basurang tulad mo!" Mataray na sabi naman ng isang maikli ang buhok at pulang pula ang labi sa lipstick. At masasabi ko naman na magaganda sila. Masasama nga lang ang ugali. "At nakuha mo pa talagang landiin si Latrell ha!" Galit na sabi nung mahaba at straight ang buhok. Siguro ay ikinalat ng mga babaeng nangbully sakin kahapon ang tungkol sa pagtulong ni Latrell sakin. "Hindi ko siya nilandi." Malumanay kong sagot. Saka pilit na dumaan sa pagitan nila pero pinipigilan nila ako. "Ano ba?!" Sigaw ko. "Padaanin niyo nga ako." Inis kong sabi saka malakas silang hinawi pero agad nila akong tinulak ng malakas kaya bumagsak ako sa lupa. Pumaibabaw ang tawanan ng mga naroon pati narin ang mga nanonood, mapalalaki man o babae. Natigilan ako nang makita ang bestfriend ko...si ANNE! Matagal ko rin siyang 'di nakikita simula nung namatay si tito Ben. Nakatingin siya sakin at parang naaawa sa lagay ko. Medyo natuwa ako nang muli ko siyang makita dahil simula pa noon ay siya lang ang kakampi ko. Kaya naiisip kong nandito siya para tulungan ako laban sa kanila. "A-Anne.." Tawag ko sa kanya. Pilit akong ngumiti. Humihingi ng saklolo. "Do you know her?" Biglang tanong nung mahaba ang buhok kay Anne. Biglang nag-iba ang mukha niya, bigla itong natakot at umiwas ng tingin sakin. "Friend mo ba to?" Maarteng tanong nito sa kanya. Nagkatinginan kami ni Anne. "H-Hindi. Hindi ko siya kilala" Sabi niya saka ako tinalikuran. Nanlumo ako bigla... "A-Anne.." Bulong ko. Saka tumulo ang luha habang nakahandusay parin sa lupa. "Haha, loser!" Natatawang sabi ng mga ito saka ako iniwan. Ilang segundo pa akong nakaupo roon at pinagtitinginan lang ng mga dumadaan. Pinahid ko muna ang mga luha ko bago ako tunay. Nagpagpag ako ng palda saka naglakad papunta sa room. Nagdaan ang ilang oras. Pilit kong inintindi ang mga discussion ng guro. Ang dami kong iniisip sa sandaling iyon. Nagtatanong ang isip ko kung hanggang kailan ko makakayanan ang mga ginagawa sakin ng mga tao sa paligid ko. Dumagdag pa sa isipin ko ang ginawa ni Anne kanina. Sobrang nasaktan ako sa sinabi niyang hindi niya ako kilala. Iniiwasan niya ba ako? Baka dahil sa nalaman narin nito ang kalagayan ko at ayaw niyang madamay sa mga pangbubully ng mga tao. Naiintindihan ko naman siya pero di ko maiwasang magtampo. Ngayon, wala na talaga akong karamay, wala na akong masusumbungan at masasabihan ng mga hinanakit ko sa mga taong kumupkop sa akin. Nang mag-lunch break ay nagpa-iwan uli ako ng ilang minuto bago lumabas. Naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko si Anne. "Anne.." Natigilan siya. Pero agad na nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Bago pa man siya makalampas ay hinarangan ko na siya. "Anne..Pwede ba tayong mag-usap?" Blangko ang mukha niya. "Wala na tayong dapat pag-usapan. Wag mo na akong kakausapin, ni tawagin ako sa pangalan ko, naiintindihan mo ba?" Inis na sabi niya. "Anne magkaibigan tayo diba?" "Hindi na ngayon, kaya pwede ba layuan mo ako, ayaw kong may makakitang magkasama tayo, ayaw kong madamay!" Sigaw niya ikinatigil ko. Bago pa ako nakapagsalita ay umalis na siya. Napabuntong hininga ako at muling nangilid ang mga luha. Mabilis dumaan ang mga oras. Parang walang pumasok sa utak ko ng mga oras na iyon. Pagkatapos ng klase ay mabilis kong nilisan ang paaralan at nalakad papunta sa trabaho ko. "Magandang hapon po, mam Sonia." bati ko sa manager. "Magsisimula na po ako sa aking trabaho." "Ano nga ulit ang pangalan mo hija?" "Myla, po." "O sige Myla, heto ang isusuot mong damit at apron. Ikaw narin ang maglaba niyan sa inyo para may maisuot ka kinabukasan. May dala ka bang pants?" Agad akong tumango. "Opo, dala ko po." "O siya sige, magpalit ka na doon sa cr. Pwede ka nang magsimula." "Salamat po." tugon ko saka tinunton ang banyo at nagpalit ng uniporme ng restawran. Nang matapos ako ay agad akong nagsimula sa trabaho. Nasa kalagitnaan akong ng paglilinis ng mesa nang bumukas ang pinto ng restaurant. Nagulat ako at naituro ko pa ang taong pumasok. "Oh?" Takang tanong ko. "Tita Lory?" Usal ko. Ngumiti siya saka lumapit kay Mam Sonia. "Magkakilala kayo?" Takang tanong ng manager ko. "Oo." Sagot ni Tita Lory. "I actually came for her." tukoy niya sakin. "K-Kilala niyo ho siya?" Tanong ko sa kanya na tukoy ko sa mga manager ko. Tumango naman siya. "She's my best friend." Nakangiting sabi niya. "At siya rin ang may-ari nito." Tukoy ni Mam Sonia sa El Resto' na ikinagulat ko. "Bakit ka nga pala nandito? Matagal tagal kana ring hindi nakakapasyal dito?" Napatingin narin ako kay Tita Lory. "Nang sabihin niya sakin kagabi na dito siya magtatrabaho, pagkatapos ng duty ko ay dumaan narin ako dito kasi may ipapakiusap ako sa'yo.." "Ano yun?.."Tanong ni Mam Sonia. "Ibigay mo na agad ang sweldo niya sa buwan na ito." Nagulat naman si Mam Sonia pero mas nagulat ako at napatingin sa kanya. "What? Di pa nga yan nagsisimulang magtrabaho, sweldo agad bhe?" Natatawang sabi ni Mam Sonia. "Sige na, kelangan niya kasi ng pera ngayon." Tumingin siya sakin at ngumiti. "A-Ah, T-Tita Lory, O-Okay lang naman po sakin na hintayin ko nalang ang sahod ko. Nakakahiya naman po kung mag-advance agad ako nang hindi pa nakakapagtrabaho ng ilang araw." Nahihiyang usal ko. "Hindi, don't worry, akong bahala sa'yo." Ngiting sabi niya pa saka bumaling sa kaibigan. "Sige na, sundin mo nalang ang gusto ko." Utos niya. "Oo na, ibibigay ko sa kanya mamaya pag-uwi niya." Tumango naman si Tita Lory. "Kelangan niya kasi ng pera para may pamasahe siya lagi sa taxi. Hindi siya pwedeng mag-jeep kasi lalakarin niya pa iyong madilim na kalsada. Muntikan na siyang pagtripan ng mga rapist sa daan kagabi, mabuti at nakita ko." "Talaga?!" Gulat na tanong ni Mam Sonia. "Kaloka, dapat ka ngang mag-ingat hija." "Oo, kaya dapat siguruhin mong makasakay ito ng taxi pauwi ha." "Salamat ho pala Tita Lory. Ang dami ko na pong utang sa inyo. Nahihiya na po ako sa inyo. Di ko alam kung paano pa kita mababayaran." Nakangiti pero nahihiya ko parin sabi sa kanya. Nakangiti siyang umiling. "Wag mo nang iisipin iyon. Ang kinabukasan mo ang isipin mo. Gawin mo ang lahat para magtagumpay ka." Napangiti ako nang sobra dahil sa kabaitan niya. "Salamat po ulit, di ko po ito m-makakalimutan." Sabi ko at nangilid bigla ang luha ko. Natigilan naman siya at nag-alalang hinawakan ako sa balikat. "Ayos kalang? Why are you crying, sweetheart?" Pinahid ko agad ang mga luha saka saka ngumiti. "M-Masaya lang po ako na may mabubuti pang tao sa mundo gaya niyo." sabi ko saka kinalma muli ang sarili sa nagbabadya nanamang luha sa mga mata ko. Napabuntong hininga siya at saglit akong tinitigan. "Sinabi ko naman sa'yong doon ka na lang sa bahay, mas matutulungan kita don." Agad akong umiling. "Naku, sobra sobra na nga po ang mga nagawa niyo sa'kin. Ayos na po ito. Napakalaking bagay na po nito sa'kin. Salamat po ng marami." Napangiti naman si Tita. "O siya sige, kung iyan ang gusto mo, irerespeto ko iyon basta ang mahalaga mag-iingat ka na simula ngayon ha." tumango ako. "By the way, di narin ako magtatagal. I'll go ahead. Pagbutihin mo dito ha?" sabi niya at tumango naman ako. Saka bumaling sa manager ko. "Ikaw na ang bahala dito. Ang bilin ko ha? Ikaw na ang bahala kay Myla." "Oo na, don't worry. Sisiguraduhin kong makakauwi iyang ng ligtas." "Sige alis na ako. Hinihintay na ako ng asawa ko." "Ikumusta mo ako kay Laurenz ha, saka sa mga junakis mo." Tumango lang ito saka bumaling sakin at ngumiti. Ginantihan ko siya ng ngiti. At tuluyan na siyang lumabas ng Restawran. Bumalik na muli ako sa aking trabaho. Pagkatapos ng trabaho ko ay binigay ni Mam Sonia ang sahod ko para sa buwan na iyon kaya naman natuwa ako dahil hindi ko na puproblemahin ang pamasahe ko at pati narin sa pagkain ko sa school. Paubos na kasi ang laman ng card ko. Gaya nga ng iniutos ni Tita Lory, inihatid ako ni Mam Sonia sa tabi ng kalsada saka kinuhanan ng taxi. Kaya naman maayos akong nakarating sa bahay. Di parin ako makapaniwala na may natitira pang mabubuting tao sa mundo. Hindi ko makakalimutan ang mga naitulong ni Tita Lory para sakin. Hinihiling ko rin na sana makita ko siyang muli. Muli akong nabuhayan ng loob. Kahit papano ay nagkaroon ako muli ng rason para ipagpatuloy ang buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD