WARNING: PHYSICAL ABUSE/BULLYING
“SWEETHEART, please don’t do that to yourself.”
Lumapit ang babaeng inakala kong si Mommy.
Katulad niya ay malambing din magsalita si Mommy. Hindi rin siguro nagkakalayo ang edad nilang dalawa kung nabubuhay pa si Mommy.
Mas lalo lang tumulo ang kuha ko dahil miss na miss ko na ang mommy ko.
“Hija, kung ano man ang problema mo, andito ako at handang makinig sa'yo. Pag-usapan natin iyan, nagmamakaawa ako sa'yo, bumaba ka riyan anak.”
Mapait lang akong ngumiti. “Sa tingin ko ay hindi niyo ako matutulungan.” Sabi ko. “Kaya niyo bang buhayin ang mommy at daddy ko? Saka ang tito Ben ko?” Nakita kong natigilan siya. Agad na rumehistro ang awa sa mukha niya. “Kung hindi niyo po iyon kayang gawin, umalis na lang po kayo at hayaan ako sa gusto kong gawin.” Ibinalik ko ang tingin ko sa harap ko.
“Hindi ko magagawa iyan, Hija. Hindi ko hahayaan na sayangin mo ang buhay mo. May mga anak din ako at ang pangalawang anak ko ay nasisiguro kong hindi nalalayo ang edad sa’yo.”
Nakagat ko lang ang labi ko nang muling makaramdam ng kirot sa dibdib.
“Maswerte po ang mga anak niyo, mayroon pa silang magulang na nasa tabi nila, nagmamahal at gumagabay sa kanila.” Bumuhos muli ang luha ko. “Samantalang ako, nawala ang lahat sa’kin. Ang Daddy ko, ang Mommy ko at ang tito Ben ko, lahat sila ay iniwan ako!” napahagulgol ako nang tuluyan.
“Andito ako hija, I can keep you..” napatingin ako sa kanya. Napangiti siya at tumango. “I can help you, anak. Basta wag mo lang sayangin ang buhay mo.” Lumapit siya ng dahan dahan at inilahad ang kanyang kamay. “Hold my hand, sweetie. I’m here to help you.”
Umiling ako at napaiyak. “U-Umalis na lang po kayo, please. Hayaan niyo na lang ako dito!”
“No, honey. I won’t let you kill yourself. Please, I’m begging you anak.” Natigilan ako nang tumulo ang luha niya.
“B-Bakit po kayo umiiyak?” nagtatakang tanong ko.
“Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit kailangan pang mangyari ang lahat ng ‘yan sa'yo. Napaka-bata mo pa para maranasan ito.” Umiyak siya kaya naman mas lalo akong napahagulgol. “Sige na anak, halika na dito. Bumaba ka na please.” Pagmamakaawa pa niya. “Everything’s gonna be alright.”
Napabuntong hininga ako. Dahan dahan kong inilapit ang kamay ko hanggang sa maabot ko ang kamay niya.
“Good girl..” nakangiting aniya. “What’s your name hija?”
“Myla po.”sagot ko.
“Myla, such a beautiful name with a beautiful face like you.” Bahagya akong napangiti. “Ako naman si Mallory, tawagin mo na lang akong tita Lory. Now, turn yourself slowly and come down here sweetie.”
Dahan dahan akong pumihit paharap sa kanya. Hahakbang na sana ako nang biglang lumakas ang hangin dahilan para out of balance ako.
Napatili ako. Muntikan na akong mahulog kung hindi lang ako nakakapit sa semento.
“Myla!!!” alalang sigaw niya at agad akong tinulungan.
“Tulong!!” umiiyak na sigaw ko. Hindi ganoon kalakas ang katawan lalo na’t hindi pa ako nakakarecover sa pagod at panghihina dulot ng gutom. “W-Wag niyo po akong bibitawan please!!”
“No I won’t! Kumapit ka at wag kang bibitaw anak!” naiiyak niyang turan habang pilit akong hinihila paitaas.
Napatili muli ako nang dumulas ang pagkakahawak niya sa braso ko. Napatingin ako sa ibaba. Nanghilakbot ako sa takot nang makita ko ang malalim na tubig.
Kung kanina ay gusto kong tumalon pero ngayon ay takot akong mahulog doon.
“Tita Lory!!!” umiiyak na sambit ko habang mahigpit na hinahawakan ang kanyang kamay.
“Oh God, help us!” umiiyak na usal niya, gabi na at hindi kami nakikita ng mga dumadaang sasakyan dahil madilim ang bahagi na iyon.
Huminga siya ng malalim at mas lalo pang yumuko para mahawakan ako sa aking braso.
Ako naman ay pilit pinagaan ang sarili upang makayanan niyang buhatin.
“Oh my God, I got you!” bulalas niya nang makayanan niya akong hilahin paitaas. Agad akong yumakap sa kanya nang makaakyat ako. Binuhat niya ako pababa sa sementong iyon. “Thank God!” naluluhang aniya at agad akong niyakap.
“S-Salamat po, tita Lory.” Usal ko sa pagitan ng pag-iyak.
“Hush.. You're fine now. You are safe.” Hinagod niya ang aking likod at kahit papano ay napatahan ako.
“Halika, doon tayo sa kotse.” Inakay niya ako papasok sa sasakyan niya.
Kumuha siya ng tissue sa kanyang bag at pinunasan ang mukha ko na basa ng luha at sipon.
Panay parin ang hikbi ko dahil naroon parin ang takot sa dibdib ko.
Inayos niya ang buhok ko at ang damit ko.
“Bakit pala ganyan ang itsura mo hija? Mukhang pagod ka at nanghihina.”
Napatingin ako sa sarili ko. Hindi ko parin pala napapalitan ang suot kong uniporme ng katulong.
Napabuntong hininga lang ako at napangiti ng mapait.
“Mahapon po kasi akong naglinis ng bahay.”
“Pero bakit ikaw ang naglilinis niyon? Hindi ba dapat ay nag-aaral ka pa?”
“Mahabang kwento po eh.”
“Have you eaten dinner yet?” tanong niya.
Nahihiya akong umiling. “H-Hindi pa po ako kumakain simula pa po kaninang umaga..”
“What?” bulalas niya. Saglit niya akong tinitigan ng may awa sa mga mata.
Napayuko na lang ako at nakagat ang labi upang pigilang maluha.
“O siya sige, dadalhin kita sa isang restaurant para makakain ka na. Nagugutom narin naman ako, kakagaling ko lang kasi sa hospital.”
Maya maya ay pinaandar niya ang kanyang sasakyan at nagtungo sa pinakamalapit na restaurant.
“Sige na hija, kumain ka na.” sabi niya nang nakahanda na ang mga pagkain sa mesa.
“S-Salamat po..” sabi ko saka kinuha ang kutsara’t tinidor.
Agad akong natakam sa mga pagkaing nasa harap ko. Kanina pang kumakalam ang tiyan ko dahil sa gutom kaya naman nanginginig akong sumusubo ng pagkain.
Sa bilis at dami kong kumain ay para bang isang buwan akong hindi nakakain.
“Kung ayos lang sa iyo hija, pwede mo bang ikwento kung anong nangyari. Kung bakit gusto mong tumalon sa tulay kanina?” tanong niya nang matapos kaming kumain.
Napabuntong hininga ako. Ikinuwento ko ang lahat ng nangyari sa buhay ko lalo na ang pagkawala ni tito Ben na siyang tuluyang pagkaulila ko.
“Kung wala ka nang mapupuntahan, bukas’ ang bahay ko para sa’yo, anak. Mababait ang mga anak ko, siguradong matutuwa sila kapag nakilala ka nila.”
Pilit lang akong ngumiti. “Salamat na lang po pero mayroon pa naman akong natutuluyan. Si Tita Selina po, siya ang asawa ni Tito Ben.”
“Ganun ba? Mabuti naman kung ganon. I hope hindi ka niya pababayaan.”
Napangiti na lang ako. Kahit na ang totoo ay hindi ko alam kung tatanggapin pa ba ako ni Tita gayong mas lalo siyang nagalit sa’kin dahil sa pagkawala ni Tito.
Pagkatapos niyon ay inihatid niya ako sa bahay.
“Ang laki naman pala ng bahay ninyo.” Aniya nang makalabas sa tapat ng bahay. “Siguradong aalagaan ka ng tita mo, kaya don’t worry, magiging okay rin ang lahat. At ipangako mo sa’kin na hindi mo na uulitin ang nangyari kanina ha?”
“O-Opo tita Lory.” Sagot. “Salamat po sa lahat.”
Napangiti siya at muli akong niyakap.
“Mag-iingat ka. Kung may problema ka, huwag ka agad sumuko. Lagi mong tatandaan na pagsubok lamang ang lahat ng iyon.”
Tumango ako at napangiti.
Maya maya lang ay nagpaalam na siya.
Napapabuntong hininga na lang akong pumasok sa gate.
Wala sina tita Selina at Celine doon. Ang sabi ni Manang Flor ay naroon ang mga ito sa punirarya upang ihanda ang burol ni tito Ben.
Gusto ko sanang pumunta doon pero hindi alam ni Aling Flor kung saan ang adres niyon.
Ilang araw ang lumipas, hindi ko man lang nagawang makita sa huling pagkakataon si Tito Ben. Hindi kailanman ako pinagbigyan ni tita Selina na makapunta sa burol.
Sumapit ang araw ng libing ni tito Ben, hindi parin ako pinagbigyan ni Tita Selina na makita si Tito sa kanyang huling hantungan.
Kaya sinundan ko sila nang sila ay makaalis papunta sa sementeryo.
Nakatanaw lang ako mula sa malayo habang sinisimulan ng pare ang seremonya.
Umiiyak ako habang tinatanaw ang pagbaba ng ataul ni tito hanggang sa tabunan siya ng lupa.
Nang matapos ang libing at wala nang tao sa paligid ay saka lamang ako lumapit sa libingan ni tito Ben.
Agad akong napahagulgol at napaupo sa lupa sa tapat niya.
“Tito…” bulong na tawag ko sa kanya. “Ang daya mo naman eh. Ang sabi mo hindi mo ako iiwan at pababayaan. Pano na ako ngayon? Ikaw na lang ang natitirang pamilya ko.” Bumuhos ang luha ko at napatingin sa langit. “Ang daya niyong tatlo, ako na lang ngayon mag-isa Mommy, Daddy, tito…”
Matagal din akong nanatili doon at sinamahan si tito Ben.
Maya maya ay naisipan ko nang bumalik sa bahay dahil baka bigla akong hanapin ni Tita Selina.
Pero nagulat ako nang makita ko sa veranda si tita. Nakatayo doon at mukhang hinihintay talaga ako.
Blangko ang itsura niyang nakatingin sakin.
Natigilan naman ako nang makita ko ang mga bagahe ko sa tabi niya.
Kinabahan ako bigla. Agad kong nakagat ang ilalim ng labi ko habang papalapit sa kanya.
“Bakit bumalik ka pa?” malamig na turan niya. “Akala mo ba tatanggapin pa kita pagkatapos ng nangyari?” tinuro niya ang mga bagahe ko. “Nakikita mo yan? Kunin mo na ang mga gamit mo at umalis ka na sa pamamahay ko!”
“P-Po?” gulat paring turan ko kahit na may ideya na akong mangyayari iyon. “P-Pero tita, wala na po akong mapupuntahan. Kayo na lang po ang natitirang pamilya ko..” naiiyak nang sabi ko.
“Anong pamilya ang sinasabi mo?” napahalakhak siya. “Sa tingin mo ba itinuring kitang pamilya? Pwes hindi! Dahil ang tingin ko sayo noon pa man ay isa lang anay sa pamilya namin!” galit na sigaw niya. “Simula nang dumating ka sa buhay namin, unti unti mong sinira ang pamilya namin! At ngayon, dahil sayo namatay ang asawa ko!”
Agad akong lumapit sa kanya at nagmakaawa. “T-Tita, wag niyo po akong paalisin please..” napahagulgol akong ikinuskos ang parehong kamay sa harap niya. “Nagmamakaawa po ako sa inyo, wala na po akong ibang matitirhan!”
“Umalis ka sa harap ko!” itinulak niya ako dahilan para mapahandusay ako sa semento. “Kunin mo na ang mga gamit mo at lumayas ka na ngayon din!”
Agad akong gumapang papalapit sa kanya at yumakap sa kanyang paa.
“Tita please! Wag niyo po akong palalayasin, nagmamakaawa po ako!”
“Wag mo akong hawakan!” galit na sigaw niya at marahas akong sinambunutan.
Napahiyaw ako sa iyak nang kaladkarin niya palabas ng veranda at itapon. Halos masubsob ako sa semento sa lakas niya.
Wala akong nagawa kundi ang humagulgol ng iyak.
Kinuha niya ang bagahe ko at binuksan iyon.
“O ayan! Pulutin mo at lumayas ka na!” sigaw niya habang itinatapon sa mukha ko ang mga damit ko.
Pagapang kong pinulot ang mga damit kong nagkalat sa sahig.
“What’s happening here?” bulalas ni Celine pagkababa niya sa hagdanan.
Nang makalapit siya ay nagulat siya pagkakita sakin.
“Anong nangyayari Mom?”
“Pinapalayas ko na ang babaeng iyan. Hindi ko na kayang makita ang pagmumukha niyan! Namatay ang Daddy mo dahil sa kanya!”
“What? No!” agad na tanggi ni Celine.
Agad na napagkunot ang noo ni Tita.
“Kelan ka pa naawa sa babaeng to?!”
“Hindi ako naaawa sa kanya Mom! Pero hindi ako papayag na basta basta nalang umalis ang babaeng yan nang hindi pinagbabayaran ang kasalanan niya sa pamilya natin!”
“So what do you suggest?”
Agad na tumingin sakin si Celine kasunod ang pag-angat ng gilid ng kanyang labi.
“Make her suffer for the rest of her life.” Natigilan akong napatingin sa kanya. “Gawin mo syang katulong natin.”
Wala akong nagawa kundi napabuntong hininga. Wala rin akong choice kundi ang tanggapin iyon, mapanatili ko lang ang sarili ko sa bahay na iyon.
Ilang araw ang lumipas, tuluyan na nga akong naging kasambahay sa bahay na iyon at may sarili narin akong uniporme. Sa Maid’s room narin ako natutulog kasama ang mga katulong doon. Sobrang liit ng kwarto at mainit. Nagsisiksikan kaming apat sa dalawang double deck na kama.
Wala namang nagbago sa pakikitungo sakin ng mga kasama ko, sinasanay pa nila ang sarili na mag-adjust sa pagtawag sakin dahil minsan ay ‘Mam’ parin ang nasasambit nila.
Isang araw lumapit ako kay Tita Selina upang humingi ng pabor.
"T-Tita." tawag ko sa kanya nang lapitan ko sa veranda.
"Stop calling me that, hindi kita kaano-ano." aniyang di inalis ang mata sa dyaryo.
"M-Mam."
"Oh?"
"P-Pwede na po ba akong bumalik sa s-school?" lakas loob kong sabi.
Napatingin siya sakin. Blangko ang mukha. " Hindi. Bumalik kana sa trabaho mo." saka muling itinuon ang paningin sa dyaryo.
"P-Pero---."
"Now!" sigaw nito na napaigtad ako saka agad na tumalikod. Bumuntong hininga nalang ako bago nagsimulang maglinis ng bahay.
Araw araw, paulit ulit lang ang ginagawa ko. Gigising, maglilinis, maghuhugas ng plato, maglaba at matulog.
Kahit papano nakakakain naman ako ng maayos dahil kasabay ko ang mga katulong. At lahat sila ay mababait sakin lalo na si nanay Flor, itinuturing niya akong parang anak.
"Ayos ka lang ba Myla?" Nag-aalalang tanong ni Nanay Flor nang mapansing natigilan akong kumain nang may malahim akong naisip.
"O-Opo nay Flor. May naisip lang ako." Sabi ko na pilit ngumiti saka muling kumain. Saka palang kami nakakain sa quarter namin pagkatapos pang kumain ni tita Selina. Wala si Celine dahil nasa school ito.
"Grabe, di parin ako makapaniwalang nangyayari to sayo Myla." malungkot na sabi ni Aling Vivian.
Napabuntong hininga lang ako.
"Ba't di ka nalang kasi umalis dito saka puntahan yung iba mo pang kamag-anak.?" sabi naman ni ate Olivia. Mas matanda sakin ng walong taon.
"Si Tito Ben nalang po ang natitirang kamag-anak ko..." Di ko maiwasang malungkot nang maalala ko si Tito Ben.
Di na sila nakapagsalita. Halata sa mga mukha nila ang awa sa akin.
"Myla!" Napaayos kami bigla saka napalingon kay Tita Selina nang bigla itong sumulpot.
"B-Bakit po" sabi ko saka lumapit dito.
"Follow me." Seryosong usal nito saka tumalikod. Sumunod naman agad ako.
Naroon siya sa sala at nakatayo. Naka-cross ang mga braso.
"Tumawag sakin ang principal." Sabi niya. Kaya napatingin ako sa kanya. "Pinababalik ka nila sa pag-aaral dahil nanghihinayang sila sa katalinuhan mo." Bumuntong hininga muna siya. "So I decided na papasukin kana bukas." Di ko maitago ang pagliwanag ng mukha ko pagkatapos marinig iyon. "Sayang din naman yung tuition mo na bayad na para sa isang taon. Pero next school year ay bahala kana sa buhay mo kung gusto mo pang mag-aral kung kayanin mong bayaran yun."
"A-Ako na po ang bahala dun, tit---Mam." nahihiyang sabi ko.
"Bukas, bahala kana kung pano ka makakapunta sa University. Magcommute ka dahil di ko ipapagamit sayo ang alin mang kotse dyan."
"N-Naiintindihan ko po."
"Sige na. Go back to your quarter."
"PARA PO!" Sabi ko sa driver ng jeep nang makita ko na ang UE.
Agad akong bumaba ng jeep saka naglakad papasok ng gate ng unibersidad.
Medyo traffic kaya pagpunta ko ng room ay nakasalubong ko na ang lecturer namin.
Mabilis na natapos ang klase sa umaga.
Dumeretso ako sa Counter para bumili lang ng burger at battled water para sa tanghalian ko.
Kaylangan ko kasing tipirin ang perang natira sa ibinigay noon ni tito Ben.
Naisip ko rin na mamayang uwian ay maghahanap ako ng part time job para maka ipon ako ng pera para sa susunod na taon ko sa unibersidad.
Pagkakuha ko ng order ko ay aalis na sana ako nang...
"Look who's here." Natigilan ako nang makita ko si Celine. Nakakrus ang mga braso at nakaharang sa daraanan ko kasama ang tatlo niyang mga kaibigan. "Anong ginagawa mo dito?!"
Bumuntong hininga lang ako. "Pinabalik na ako ni Tita sa pag-aaral."
"Ah I see." tatango tangong sabi niya saka kinuha ang juice na hawak ng isang kaibigan. Huli na para umiwas ako nang ibinuhos niya ang laman niyon sa ulo ko.
Napasinghap ako sa sobrang lamig niyon. Halos naligo ang buong mukha ko at agad naramdaman ang lagkit niyon.
Umugong ang mga bulungan sa loob ng Canteen.
"What the hell, Celine?" Bulalas ng isa niyang kaibigan nang magulat sa ginawa niya. "She's your cousin right?"
"Not anymore." Walang kagatol gatol na sabi ni Celine.
"What?" takang tanong ng isa pa. "Why?"
Tumawa ng mapakla si Celine. "Because she is now our maid!" nilakasan niya pa para marinig ng iba. "In other words, hampas-lupang mucha-cha! Kaya simula ngayon ay wag na kayong dumikit dyan baka mangamoy basahan rin kayo." Aniyang natawa.
Maglalakad na sana ako paalis nang may pumatid sakin kaya nadapa ako.
"Hahahhahahahaha!!" malakas na tawanan ng mga naroon kasama na sina Celine.
Pinigilan kong maiyak nang maramdaman kong sumakit ang tuhod ko dahil malamang ay nagasgasan yon.
Mabilis akong tumayo at pinulot ang pagkain kong tumilapon kanina. Kahit paika ika ay binilisan kong makapunta sa CR at doon nilinisan ang sarili.
Nagpasya na lang akong pumunta sa dulo ng field, malayo sa building at umupo sa silong ng malaking puno.
Bumuntong hininga muna ako bago binuksan ang balot ng burger at kinain ito.
Habang ngumunguya ay naramdaman ko ang pagkirot ng tuhod ko. Tama nga ako, nagkasugat nga iyon at bahagyang nagdudugo.
Itinapat ko ang bibig ko sa tuhod ko saka hinipan ang sugat. Di ko namalayang humihikbi na pala ako.
Pinagpatuloy ko lang ang pagkain habang tumutulo ang luha ko.
BRINKZZZZZZZ!!!
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang ring ng cellphone sa likuran ko. Agad akong humalukip-kip at nagtago dahil ayaw kong makita ng sino man ang kalagayan ko. Pinahid ko ang mga luha ko.
"Hello, Mom?" boses ng lalaki nang sagutin ang phone nito. "Why?" Sagot pa nito. "Why me...? " may pagmamaktol ang tono niya. "Alright..." parang napipilitan lang na anito. "Alright, I'm coming." naramadaman kong tumayo ito at naglakad. "Okay, bye. Love you mom!" narinig ko pang sabi nito habang papalayo sa kinaroroonan ko.
Doon lang ako sumilip. Likod nalang ang natatanaw ko sa kanya habang naglalakad palayo.
Bumuntong hininga nalang ako saka muling tinapos ang kinakain.
Andon lang ako at hinayaang maubos ang natitirang oras bago bumalik sa classroom. Kahit na may pinagdadaanan ako, di ko hinahayaang mapabayaan ang pag-aral ko.
Pagkapasok ko palang sa room ay agad na nagbulungan ang mga naroon. Ang iba'y pinagtatawanan ako ng palihim.
Hindi ko nalang yon pinansin saka umupo nalang sa sarili kong upuan.
PLOK!!
Biglang may bumato ng binuong papel sa ulo ko mula sa likuran ko. Inosente naman akong lumingon at hinanap kung sino ang bumato pero lahat sila ay di nakatingin sakin.
Ibinalik ko nalang uli ang paningin ko sa harapan. At doon ko narinig ang mga bungis-ngisan nila. Napapikit nalang ako at kinalma ang sarili ko.
Buti nalang at dumating na ang lecturer namin. Kinalimutan ko na muna ang mga nangyari sakin at itinuon ang atensyon sa itinuturo ng guro.
NANG matapos ang klase ay hinintay ko munang magsilabasan ang mga kaklase ko hanggang matira ako, saka palang ako lumabas. Naglalakad na ako sa hallway nang biglang may humarang saking tatlong babae.
"I heard may nag-aaral daw ditong basura sa UE." mataray na sabi ng isang babaeng nakacross arm. Siya ang nasa gitna kaya mukhang siya ang leader.
"I can't believe it. Isang maid sa university natin?" sabi naman ng isang nasa kaliwa.
"Oo nga eh, bakit hinayaan nilang may makapasok ditong basura. Sinisira niya ang reputasyon ng school natin." Sabi rin ng isa.
Bumuntong hininga na lang ako saka akmang maglalakad pero agad nila akong hinawakan sa braso at hinila paharap sa kanila.
"We're not done yet, b***h!"
"Ano ba!" sigaw ko saka inalis ang kamay nila sa braso ko.
Natawa ang nasa gitna. "At ikaw pa itong galit ha!" Tinulak niya ko kaya medyo napaatras ako. Tinalikuran ko sila para umalis pero may sumabunot naman sa ulo ko.
"Ahh!!" hiyaw ko.
"San ka pupunta, ha? I said hindi pa tayo tapos!" nakangising sabi nito saka sinenyasan ang mga kasama. Agad namang sumunod ang mga ito saka ako marahas na hinawakan sa magkabilang braso.
"Ano ba, bitiwan niyo nga ak---."
PAAAKKKK!!!
Sinampal ako nung lider. Masakit yun dahil ramdam kong naiwan ang lanit sa pisngi ko.
Sumama ang tingin ko sa kanya.
"Hey!"
Napalingon kaming lahat pareho sa boses na yun.
"Si Latrell Alvarez..." bulong nung isang humawak sa kaliwang braso ko.
"What the hell are you doing?!" sigaw nito saka lumapit sa amin. "Bakit niyo siya sinasaktan?"
"W-We're just teaching her a lesson." sabi nung lider.
"Teaching her a lesson? Ano bang kasalanan niya sa inyo at sinaktan niyo siya?"
Di naman nakasagot ang mga ito.
"You two, bitawan niyo siya." utos naman nito sa dalawa. "Umalis na kayo dito bago ko pa kayo isumbong kay Dean."
"But..." sabi nung lider.
"What?" asik nito. "Gusto mo ako nalang magpatalsik sayo dito?" banta nito.
"Oo na, ito na, aalis na kami." saka sinenyasan ang mga kasama at nagmadaling umalis.
Bumuntong hininga nalang ako.
"Are you okay, miss?" napatingin ako sa kanya at sa kamay niyang humawak sa braso ko.
Napakagwapo niya sa ngiti niyang iyon.
"O-Oo, okay lang salamat." pilit akong ngumiti.
Marahan niyang inalis ang kamay niya sa braso ko.
"Pasensya kana ha. Dumarami nanaman yata ang mga bullies ngayon sa school na to." aniyang napabuntong hininga. "By the way, I'm Latrell Joshua Alvarez, Trell for short." naglahad siya ng kamay.
Saglit ko pang tinitigan yun bago tinanggap. "Myla Guizuvel." sabi ko saka nakipag-shake hands. "Sige aalis na ako. May pupuntahan pa kasi ako, salamat nga pala."
"It’s okay, nice to meet you, Myla.."
"Nice to meet you too, salamat ulit." Sabi ko saka siya tinalikuran at umalis.
Matagal ko nang kilala si Latrell Alvarez. Sinong hindi makakakilala sa apo ng Chairman at may-ari ng unibersidad na tinutungtungan ko. Kaya lahat ng mga estudyante dito ay kilala siya lalo na ang mga kababaihan na kinababaliwan siya dahil sa angkin niyang kagwapuhan, sa kakisigan nito at sa galing nito sa basketball.
At hindi ko rin inaakala na mabait din pala ito.
Pagkalabas ko ng unibersidad ay agad akong naghanap ng maaaplayang trabaho malapit lang doon.
At agad naman akong nakahanap ng isang restaurant di kalayuan sa University namin. Nag apply ako as waitress.
"Sa totoo lang, hindi sana kita tatanggapin dahil 17 yearsold ka pa lang. Pero dahil kailangan na kailangan mo ang trabahong ‘to at hindi naman halatang menor ka pa ay papayagan kitang mag-part time dito. Basta walang dapat makaalam na hindi ka pa desi otso bukod sa’ting dalawa."
"Talaga po?" tuwang sabi ko. "Salamat po ng marami. Kelangan ko po talaga ‘to. So kelan po ako pwedeng magsimula?"
"Kahit bukas from 6 to 8 pm."
"Sige po."
Sinabi niya pa ang ilang mga rules and regulations ng restaurant. Nang matapos ay agad akong lumabas, naglakad at naghanap ng masasakyang Jeep.
Pero malayo roon ang paradahan at wala pang dumadaan bukod sa taxi na di ko naman kayang bayaran. Kaya naglakad pa ako sa unahan. Medyo madilim ang bahaging yun ng tabi ng kalsada dahil walang mga poste ng ilaw doon.
Nagulat ako nang bigla nalang may sumulpot na dalawang bulto mula sa madilim na bahagi ng pader at mabilis na humarang sakin. Mga lalaki.
"Hi, miss. San punta mo?" kahit madilim ay kita ko ang pag-ngisi niya.
Agad akong kinilabutan. Pinilit kong wag silang pansinin saka akmang lampasan ang mga ito pero agad nila akong hinawakan sa braso.
"Sumama kana samin."
"Bitiwan niyo nga ako!" sigaw ko saka pilit inalis ang kamay nila sa braso ko. Pero mahigpit ang pagkahawak niyon. Naramdaman ko nalang na pinagtulungan na nila akong hawakan sa magkabilang braso at hilahin ako papunta sa madilim na sulok at doon na ako napaiyak sa sobrang takot. "Ano ba, bitawan niyo ko! Tulong!!! Tulungan niyo ko!" sigaw ko habang pilit kumawala sa kanila. Agad akong nanghilakbot ng iyak dahil sa sobrang kaba.
"Wag kang maingay kung ayaw mong masaktan!"
Wala akong nagawa kundi ang humagulgol ng iyak dahil sa banta niya.
“Bitiwan niyo siya!!!" Pare-pareho kaming natigilan at napalingon sa likuran namin.
Nakahinga ako nang maluwag dahil may dumating para sagipin ako.
Pero agad din akong natigilan nang makilala ito.
"T-Tita Lory?"