"I THINK you owe us an explanation.." Seryosong sabi ni Mommy. "Sitdown." Sumunod nalang ako at umupo sa harap nila. "Pano ka nakarating sa kwarto ng batang iyon?" "Celine planned all of it. At nagpa-uto ako sa kalokohan niya." Napahilamos ako sa aking mukha. "She called me last night, akala ko may nangyaring masama kay Myla kaya nagmadali akong pumunta ro'n at sa kamalas-malasan ko ay naiwan ko rito ang phone ko. Pagdating ko doon ay wala si Myla. Ang sabi ni Celine, naliligo lang daw kaya naghintay ako. Nalaman kong alam na niya ang relasyon namin ni Myla. Kaya pala nagtataka ako kung bakit hindi siya galit samin ni Myla, yun pala may balak na siyang masama sakin. Ako naman si tanga na naniwala sa kanyang nagkaayos na sila ni Myla. At ang tanga ko dahil hindi ko napansing nagsisinunga

