NAPAPALUNOK nalang ako sa kahihiyan habang gulat na gulat na tinitingnan ng mga naroon. Mga nakakunot ang noo at nakataas ang kilay. Tila nagtatanong kung sino ba itong babaeng ito na naglakas loob na mag-iskandalo sa isang kasal. Nang makita ko ang mukha ng kuya ni Latrell ay mas lalo akong nahiya. Naniningkit ang mga mata nito na sa hula ko ay nainis dahil naudlot ang kanya sanang paghalik sa magiging asawa. Ang bride naman ay salubong ang kilay na tumingin sakin at saka sinamaan ng tingin ang kanyang groom. At nanlumo nalang ako nang makita si Latrell sa tabi na kunot noong nakatitig sakin. Nang magtama ang paningin namin ay tumaas ang sulok ng kanyang labi, pagkuway napangisi. Doon palang nanginit ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Hiniling ko na sana lamunin ako ng lupa, maging

