HINDI na naman ako nakaligtas sa bibig ni Celine nang makauwi ako kagabi galing sa El Resto'. Galit na naman siya sa akin dahil naabutan niya kaming magkasama ni Latrell sa tapat ng kanilang bahay. Nagalit rin siya sakin dahil nakisabay pa raw ako sa kanila sa kotse. Binantaan niya muli ako na wag na wag ko nang lapitan si Latrell. Hay, kung alam niya lang na mamaya ay magtutor na naman ako kay Latrell. Napabuntong hininga nalang ako habang naglalakad palabas ng village. Palabas na ako nang biglang may bumusina sa side ko. Muli akong napabuntong hininga nang makita ang pamilyar na kotse. Bumukas ang pinto at lumabas ang lalaki. Nakangiti siyang lumapit sakin. "Good morning!" Masayang bati niya pero kinunutan ko lang siya ng noo. "Ano na naman ba?" Inis na sabi ko. "Palagi ka bang

