MYLA PALABAS na ako sa maliit na gate nang mabungaran ko ang pamilyar na kotse. Tinted ito kaya hindi ko nakikita kung sino ang nasa loob. Pero kilala ko na kung sino iyon. In-assume ko nalang na nandito siya para kay Celine. Isinara ko nang tuluyan ang maliit na gate saka akmang lampasan ang kotse nang magbusina ito kaya bahagya akong napaigtad. Dahan dahan akong humarap. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa siya. Nakangiti siyang humarap sakin. "Hi, Myla." Bati ni Latrell. Pilit akong ngumiti sa kanya. "Hm." tugon ko. "Papasok ka na?" Ayaw kong mainis nang sobrang aga sa tanong niya. "Hindi ba obvious? Naka-uniform ako oh.." Sarkastikong sabi ko na ikinatawa naman niya. "Ang aga mo mag-sungit ah." Nakangiti niyang saad. Napabuntong hininga ako. "Maya maya lang ay lalabas narin

