LATRELL "ANONG ginagawa mo dito?" Gulat ko paring tanong kay Myla na naroon lang at nakaupo sa sofa. Nakatingin siya sakin kaya naman nakaramdam ako ng ilang sa kanya. "Bakit nandito ka?!" Hinaluan ko ng galit yon para sumagot siya. Hindi ko alam kong bakit bigla akong naging hindi komportable na nandyan siya. "Ano? Ba't di ka sumasagot?" Inis na sabi ko dahil hindi man lang siya nagsasalita. Nakita ko ang pagbuntong hininga niya saka tumayo. "Pumunta ako dito para mag-tutor sayo di'ba nakalimutan mo na?" Umismid ako. "Pagkatapos mo 'kong paghintayin sa wala, sa tingin mo magge-expect pa akong itutuloy mo ang patutor sakin?" "Hindi ako pwedeng hindi tumuloy. Nakapangako na ako kay Tita Lory." seryosong sabi niya. "E bakit bigla ka nalang pumapasok sa kwarto ko?" Inis na tanong ko.

