Parang kailan lang, kung dati ay may driver pa kaming kasama ni Spencer sa tuwing may lakad kami noon, ngayon ay siya na mismo ang nagmamaneho ng sasakyan na ito. Bakas sa mga mukha namin ang saya. After years, muli na naman kami nagkrus ang mga landas namin at nagkasama. Umaapaw sa galak ang nararamdaman ko. Siguro dahil iba pa rin talaga kapag si Spencer mismo ang kasama ko. Sayang lang dahil nagkahiwalay kami ng pitong taon pero, kahit ganoon, ang importante ay magkasama kami ngayon. Ipinapanalangin ko na sana ay hinding hindi na kami maghihiwalay pa.
Tumigil ang sasakyan sa isang malaking bahay. It's more like... Villa. Nirentahan lang daw niya ito dahil hindi rin naman kami magtatagal sa Pampanga. Hindi ko maitatanggi ang pagkamangha nang masilayan ko ang naturang bahay na nasa gilid ko. Medyo nagtataka lang ako dahil may dalawang lalaki na nakatayo sa magkabilang gilid ng malaking pinto bilang entrahada ng villa na 'yon. Rinig ko nalang na kinalas ni Spencer ang suot niyang seatbelts. Lumabas siya't umikot pa sa harap hanggang sa pagbuksan na niya ako ng pinto. Kinalas ko na din ang seatbelts na nasa katawan ko bago man niya ako pagbuksan ng pinto. Ngumiti ako nang nilahad niya ang isang palad niya sa akin. Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin 'yon. Maingat niya akong ibinaba mula sa sasakyan. Napahawak ako sa isang braso niya.
Nag-umpisa na kaming maglakad para makapasok na kami sa loob. Pinagbuksan kami ng pinto ng dalawang lalaki na nakaitim na amerikana. Binati din nila kami. Nang tumapak ang mga paa ko sa mismong loob ng bahay ay mas ako nakakamangha ang mga kagamitan na antigo. Parang lahat ng mga kagamitan na naririto ay hindi basta-basta. It looks like expensive yet, exquisite! Parang ang iba pa dito ay sa ibang bansa pa nabili.
Narito na rin ang mga iilang tauhan na nahired ni Spencer. Tila hinihintay nila ang aming pagdating. May nakita rin ako na dalawang babae na sa tingin ko ay mga bodyguard... May isa pang lalaki na nakaupo sa single couch, nasa kandungan nito ang attaché case, may isa ding babae na nakalikod sa amin na nakayuko, nakaupo na habang nakaharap sa lalaki.
Biglang tumayo ang lalaki na may attaché chase na maramdaman niya ang presensya namin. "Good evening, Mr. Ho." pormal nitong bati sa kaniya.
"Good evening. Everything has been settled?" pormal na tanong ni Spencer sa lalaki. Na ngayon ko lang siya nakita na ganito. He looks manly when he's serious and formal especially kapag professional din ang kausap niya. Hinahanap ko ang batang Spencer na minahal ko. Dahil ang kasama ko ngayon ay ang nagmatured na Spencer Ho.
"Yes, Mr. Ho." mabilis nitong tugon.
Ibinaling ni Spencer ang tingin niya sa akin. "This is Atty. Castillion, my personal attorney. Anyway, you should greet her," sabay tumingin siya sa babae na nakaupo lang din sa gilid ko.
Sinunod ko ang sinasabi niya. Kumunot ang noo ko nang medyo pamilyar sa akin ang babae. Unti-unti inaangat ang tingin nito sa akin. Halos manigas ako at binuhusan ako ng malamig na tubig nang maaninag ko kung sino iyon. Sa pagtama ang aming paningin ay kitang kita ko kung papaano namumuo ang mga luha niya. Nababasa ko doon ay pagsisisi, takot, pangungulila.
"C-Calla..." mahina kong tawag, may bahid na naniniguro.
Dahan-dahan siyang tumayo ngunit nanatili ang tingin niya sa akin. Doon ay kumawala na ang mga luha niya. "Ate..." mabilis siyang lumapit sa akin saka sinunggaban niya ako ng isang mahigpit na yakap. Isang mahigpit na yakap. Alam ko, sobra siyang natakot ng mga panahon na wala ako sa tabi niya. Ramdam ko ang panginginig ng kaniyang katawan habang humahagulhol sa akin. Animo'y isang bata na natakot dahil sa hindi niya alam ang daan papauwi.
Ginantihan ko siya ng yakap. Pumikit ako ng mariin. "Salamat at buhay ka..." ang tangi kong nasambit. Humigpit na yakap ang iginanti ko. Hindi ko na rin mapigilan na mapaiyak. Pareho kaming napaupo sa sahig. "Nag-alala ako sa iyo. Hindi ko alam kung saan kita hahanapin... Sorry... Kung natagalan si ate..." I said between my cries.
"Ginawa akong pambayad ni papa...ate..." parang bata na nagsusumbong sa isang ina. Mas isinubsob pa niya ang kaniyang mukha sa akin. "Ayoko ko na doon, ayoko na, ate..."
Umiiling-iling ako. "Hinding hindi ka na babalik doon, pangako. Ngayong kasama na kita, mag-uumpisa ulit tayo. Nang tahimik na... Wala nang gulo..."
Marahan siyang kumalas mula sa pagkayakap niya sa akin. Ako mismo ang nag-alis ng mga luha sa magkabila niyang pisngi. Tumango siya bilang pagsang-ayon. "Sorry... Kung hindi ako nakinig sa iyo... Sorry kung... Pinairal ko ang katigasan ng ulo, ate..."
Marahan akong pumikit. "Ayos lang 'yon." hinawi ko ang mga takas niyang buhok. "Sabay na natin hahanapin si mama, ha? Para makasama na natin siya..."
Muli siyang tumango pero sige pa rin ang singhot niya. Bumaling ako kay Spencer. Kahit na naiiyak pa rin ako, nagawa ko pa rin ngumiti sa kaniya bilang pasasalamat. Dahil sa pagkikita namin ni Calla ay gumaan ang pakiramdam ko. Para bang unti-unti ko nang nakikita ang liwanag ng pag-asa hanggang sa tuluyan na namin mahanap si mama. Kung nasaan man ito, hinding hindi kami susuko ng kapatid ko.
Kami ni Calla ang nag-okupa ng isa sa mga guest room dito sa Villa. Magkatabi kami natutulog ngayon. Hinahaplos-haplos ko ang kaniyang buhok. Nakatitig lang ako sa mukha niya, habang siya naman ay nakatitig sa kisame. Sa tingin niyang 'yon ay para bang sinasariwa niya ang lahat sa kaniyang isipan ang lahat ng mga pinagdaanan niya. Kung ano ang nangyari sa kaniya. Gusto ko, siya mismo ang magsasabi sa akin. Maghihintay lang ako na sabihin niya sa akin ang lahat.
"Hindi ko akalain na magkikita pa rin tayo," bigla niyang sabi. Inilipat niya sa akin sa kaniyang tingin. "Iyon ay dahil sa tulong ni Mr. Ho."
Tahimik lang ako. Imbis ay binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.
"Maswerte ka, alam mo ba 'yon? Kaya noon, hindi ako nakikinig sa iyo kasi pakiramdam ko, mas lamang ka sa akin. Matalino ka, maganda... May maipagmamayabang ka. Lalo na, hindi ka sumusuko kahit ilang beses ka nang patayin ng tatay natin." bakas sa kaniyang boses ang kalungkutan. Bumangon siya saka humarap sa akin. Marahan niyang hinawakan ang mga kamay ko. Kita ko ang pamumuo ulit ng mga luha sa kaniyang mga mata. "Sorry, ate... Sorry sa lahat. Nang mga panahon na sinasaktan ka ni papa... Dapat, sinasamahan kita. Dapat pinoprotektahan din kita..."
Marahan dumapo ang isang palad ko sa kaniyang pisngi. "Tapos na 'yon. Malapit na tayong makalabas sa bangungot na ito. Iyon ang iniisip ko ngayon. Lalo na kapag tuluyan na nilang nahuli ang tatay natin."
Yumuko siya at suminghot. Naiiyak na naman siya. "Sana makita na natin si mama..." ang tangi niyang nasabi.
"Makikita din natin siya. Malapit na. Hmm?"
Tumango siya bilang pagsang-ayon.
"Matulog ka na, alam kong pagod ka."
Sumunod siya. Umayos na ulit siya ng higa. Umalis na ako sa kama at inayos ko na ang comforter sa kaniyang katawan. Marahan na niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Nagpasya na din akong lumabas muna para makapagpahangin kahit saglit bago man ako matulog. Hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok.
Dumiretso ako sa likod ng villa. Yakap-yakap ko ang aking sarili. Tumigil ako saglit nang makita ko si Spencer na nakaupo sa gilid ng swimming pool. May nakita din akong beer-in-can sa kaniyang tabi. Mayroon na ubos na, mayroon ding hindi pa niya nabubuksan. Muli ako nagpakawala ng hakbang palapit sa kaniya. Napukaw ko ang kaniyang atensyon, siguro ay naramdaman niya ang aking presensya. Pinapanood niya ako kung papano ako umupo sa kaniyang tabi. Kumuha ako ng isang beer in can. Bumaling ako sa kaniya at ngumiti.
"Pahingi ako, ha?" nakangiting paalam ko sa kaniya.
Tumaas ang isang kilay niya pero tulad ko ay nakangiti din siya. "Kailan ka pa natutong uminom, my baby doll?"
I scoffed. "Hmm... Noong kinupkop ako ni Nanay Ching."
"Nanay Ching?" kunot-noo niyang ulit.
Bago ulit ako nagsalita ay binuksan ko na ang beer sa lata. Uminom ako ng kaunti. "Yeah, siya ang tinutukoy ko na kumupkop sa akin, itinuring akong anak... At siya ang nagpaaral sa akin." pagkukwento ko. Tumingin ako sa kawalan. Namangha ako dahil maraming bituin ngayon sa kalangitan. "Dahil din sa kaniya, unti-unti ko na naabot ang pangarap ko.. Sino ang mag-aakala na ganoon, hindi ba?"
"Kung naroon lang ako ng mga panahon na iyon. Mapanood man lang kita kung papaano ka grumaduate." malungkot niyang saad.
"Sometimes, we need to be in a darkest place, Spencer." malumanay kong sambit. "Remember what I've told you? You are my star. I have loved you too fondly to be fearful of the night, and you are the light for it to show me the way, even I need to endure the darkness."
Nanatili siyang nakatitig sa akin. Bahagya siyang gumalaw. Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Nakatitig siya sa aking mga labi. "I'm inlove with you, my baby doll." halos pabulong na iyon.
"Mahal din kita. At hinding hindi mabubura 'yon..." marahan akong pumikit.
Hanggang sa ramdam ko nalang na marahan na dumapo ang mga labi niya sa mga labi ko. Marahan at may halong pag-iingat habang ginagawaran niya ako ng halik. It feels like a miracle. I am amazed by the fact that Spencer's lips feel incredibly warm and soft. Like we're both seventeen that time. I could feel my heart skips and it feels like world has stopped at this moment. I forget everything. Whenever I am with him, I experience real peace...
Nang humiwalay na ang mga labi niya sa mga labi ko, marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. Napasinghap ako nang malumanay niyang isinuot sa akin ang singsing. Napatingin ako nang diretso sa mga mata ni Spencer. Bakas sa mukha ko na hindi makapaniwala dahil sa loob ng pitong taon ay nasa kaniya pa rin ang bagay na ito. Ang bagay na nagpapaalala ng aming pangako noon.
"Spencer..." halos walang boses nang tawagin ko ang kaniyang pangalan.
"I want to put this back to my future wife's finger." nakangiting sabi niya.
Parang pinipiga ang puso ko sa mga sinabi niya. Hindi pa rin ako makapaniwala, nagawa niya akong kamuhian, lahat-lahat pero nagawa pa rin niyang itago ang naturang singsing.
"No matter how many years will pass, I still want you to be my wife and be the mother of my future children." sunod niyang dinampian ng halik ay ang noo ko. "I love you, MC. I love you, my baby doll."
"I love you too."
-
Kinabukasan din ay kinakailangan na naming bumalik ng Cavite. Nakatanggap kasi ng tawag si Spencer na natagpuan na daw niya ang nanay namin. Kilala pala ang pamilya ni mama doon. Bakit hindi man lang namin alam 'yon? Ang sabi pa ay buhay pa daw ang mga magulang ng lolo't lola namin. Hindi kami nagsayang ng panahon ni Calla at pinuntahan nga namin ang lugar na iyon.
Pangangamba, pagkasabik at saya ang nararamdaman ko habang pabalik na kami sa probinsiya kung saan kami lumaki ni Calla. Hindi ko na iniitindi kung nagbago ba ang lugar, ang mas iniisip ko kung ano ang mga sasabihin namin sa kaniya sa oras na makaharap na namin siya. Kakaunti lang ang nalalaman at naalala ko kasama si mama. Bata palang kasi kami nang iwan namin kami. Si Calla ay masyado pa siyang bata para maalala niya ang nanay namin. At ngayon lang din namin makikilala nang personal ang mga magulang ng aming ina.
Mahigpit na nakakapit sa akin si Calla sa isang braso ko habang naglalakad kami sa damuhan, parang bukid ang scenery, wala masyadong mga bahay dahil ang sabi sa amin ng private investigator na nahired ni Spencer ay private lot daw ito na mismong mga magulang ni mama ang nagmamay-ari. Ibig sabihin, ang pamilya nila ang isa sa mga talaga na taga-dito.
"Magandang umaga po, ako po si Spencer Ho." magalang na bati ni Spencer sa dalawang matanda na sumalubong sa akin dito sa pinto ng kanilang bahay. "Kasama ko po ngayon ang mga apo ninyo. Sina MC at Calla Defamente..."
Bumaling sa amin ang dalawang matanda. Natigilan sila't tinititigan nila kami na para bang pinag-aralan nila kami. Wala akong nababasang suspetsa o ano.
Hindi ko alam kung bakit biglang yumakap sa akin ang sinasabi na lola namin. Isang mahigpit na yakap. Walang bakas na alinlangan. Pero ang mas ipinagtataka ko lang kung bakit bigla siyang humahagulhol sa amin. Nagkatinginan kami ni Calla na pati siya ay nagtataka. Sunod kong tiningnan ang tinutukoy na lolo namin, bakas sa mukha niya ang kalungkutan.
"Sumunod kayo sa akin," pormal na sabi ng ama ni mama.
Nagkalakad kami ng kaunti upang marating namin ang isa sa mga parte ng kanilang lupain. Nakakapagtataka lang kung bakit may natatanaw akong semeteryo.
"Bakit dito tayo dinala, ate?" bulong ni Calla sa amin.
"H-hindi ko din alam," ang tanging naisagot ko. Sa totoo lang ay kinakabahan na ako.
Pareho nalang kami natigilan nang tumigil kami sa isang puntod. Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang pangalan na nakaukit sa lapida-Edita Magbanua. Bakit hindi kasali ang apelyido niyang Defamente? Hindi ba sila kasal ng ama namin?
"Namatay si Edita, labing apat na taon nang nakaraan," panimula ng ama ni mama. "Umuwi siya na bugbog sarado, hindi niya nakayanan ang mga kamay na bakal ni Belor. Ipinangako niyang babalikan niya ang mga anak na kaniyang iniwan sa walanghiyang 'yon."
Nanatili lang kaming nakikinig sa kaniya kahit na pareho kaming nakatitig ni Calla sa mismong puntod. Naninikip ang dibdib ko bigla nang sinimulan nang ikwento ang totoong nangyari sa aming ina.
"Nang dalhin namin si Edita sa Ospital para ipagamot, doon din namin nalaman na may sakit siya." punung-puno nang hinanakit na pagpapatuloy nila. "Bago man siya nawala ay hiniling na sana ay makuha namin ang mga anak niya kay Belor. Nang puntahan namin ito sa kanilang bahay ay wala na ito, kasama niya ang dalawang bata. Hindi man kami tumigil sa paghahanap pero sa paglipas ng panahon ay unti-unti din kami nawawalan ng pag-asa..."
Kusang tumulo ang mga luha ko. Marahas iyon umagos sa aking pisngi. Ang kapatid kong si Calla ay humihikbi na. Ang yakap ko ang tanging makakapag-alo sa kaniya. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata kahit na durog na durog na ang puso ko dahil sa sakit na kapalaran ng aming ina.
"Marami pong salamat." kusang kong nasabi iyon. Napatingin sila sa akin. "Maraming salamat po, dahil, hinahanap ninyo kami... Na buong akala namin, wala kayong pakialam sa amin."
Agad umiling ang lola namin. Ikinulong niya ang aking mukha sa pamamagitan ng kaniyang mga palad. "Patawarin mo rin kami, apo. Patawarin mo kami kung natagalan kami... Pero malaking pasasalamat namin sa nobyo mo, apo."
Tumango ako. Niyakap namin si lola. Doon na namin binuhos ang lahat. Ang sakit, ang pangungulila namin kay mama. Ang buong akala ko, makikita ko pa siya. Ang akala ko makakausap ko siya... Pero wala na. Hindi ko na magagawa iyon. Pero kahit ganoon, nagpapasalamat pa rin kami. Hindi man namin nakaharap si mama, natagpuan naman namin ang kaniyang pamilya.
Ang pamilya Magbanua.
Nang mahimasmasan na kami ay nagkaroon kami ng kaunting pag-uusap. Humihiling ang lolo't lola namin na sana ay madalas kaming bumisita magkapatid sa kaniya. Syempre, gagawin namin iyon. Hindi puwedeng hindi. Nagpaalam sa akin si Calla na dumito muna siya. Gusto daw niyang magpahinga dahil mahaba ang byahe namin kanina. Pinagbigyan ko na siya. Nangako ako na babalikan ko sila dito dahil magpapahatid ako kay Spencer na dalhin niya ako sa Binondo para mapuntahan si Nanay Ching, para maipakilala ko na din si Spencer sa kaniya. Paniguradong matutuwa siya kapag nagkataon.
Dinala ako ni Spencer sa malaking bahay. Nasabi niya sa akin na tinatawag siya ng kaniyang tito Archie dahil may importanteng aasikasuhin sa farm sa Alfonso. Kaya sa entrahada niya lang ako hinatid. Binilinan niya ang isa sa mga maid na asikasuhin ako. Bago man siya tuluyang umalis ay dinampian niya ako ng halik sa noo. Hinatid ko lang siya ng tingin habang papalayo ang kaniyang sasakyan.
"Ma'm MC, ihahatid ko na po kayo sa Receiving Area, may gusto pong makita ka." malumanay na wika ng maid.
Ngumiti ako. Mabuti nalang ay hindi ako kilala nito. Sumunod ako sa kaniya. Bakit bigla ako kinabahan? Bakit pakiramdam ko ay may mali?
Nang buksan ang pinto ng Receiving Area ay napaawang ang bibig ko dahil maraming tao ang naroon. Ramdam ko ang mabigat at seryosong aura sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para humakbang pa papasok sa loob. Lahat ay nakuha ko ang kanilang atensyon. Ang mga tiyuhin ni Spencer ay nakatayo, ang iba sa kanila ay nakasandal sa pader at nakahalukipkip. Ang mga tiyahin naman ay ang iba sa kanila ay mag lungkot sa mukha habang nakaupo sa malawak na sofa. All of them are intimidating!
"G-Good evening po..." bati ko sa kanila. Hindi ko sila matingnan ng diretso. Hindi ko inaasahan ito!
"Maupo ka, iha." alok ng isang babae, kung hindi ako nagkakamali, siya si Laraya Moquerio-Hochengco, ang asawa ni Sir. Suther Ho.
Tahimik akong sumunod. Umupo ako. Kahit ganoon ay pakiramdam ko ay pinapatay nila ako sa tingin nila na may panghuhusga.
Kusang nagbukas ang pinto. Biglang kumalabog ang puso ko nang makita ko si Madame Naya, hindi pa rin nawawala ang pagiging elegante niya. Her beauty is so timeless. Taas-noo siyang naglalakad hanggang nsa harap ko na siya. Lihim ko kinagat ang aking mga labi.
"I think we should get started." bumaling siya sa akin. "Malaya pang gumagala ang magaling mong ama dito sa Cavite." she said coldly.
Hindi ko magawang sumagot. Sa halip ay lumunok ako't yumuko. Humigpit ang pagkahawak ko sa laylayan ng aking damit.
"Do you still remember what happend exactly seven years ago?"
Muli akong lumunok. "O-opo, p-pasensya na po..."
I heard Madame Naya's heavy sighs. Unti-unti ko inangat ang aking tingin. Nakita ko ang malamig na ekspresyon ng kaniyang mga mata. "May kinalaman ka ba sa insidente? Sabihin mo, kakuntsaba mo ang tatay mo para mapatay si Keiran, tama?" sa tono ng kaniyang boses na may bahid na pag-aakusa.
Umawang ang aking bibig. Agad akong bumaling. "H-hindi po, hindi po totoo 'yon."
Halos matalon ako sa gulat nang bigla niyang hinampas nang malakas ang mesa. "Pwes, kung hindi mo kakuntsaba ang tatay mo, bakit bigla kang nawala na parang bula ng gabi na 'yon, ha?! Sa tingin mo, anong iisipin namin sa ginawa mong 'yon? Ang mga umalis nang basta-basta, ay ang mga taong guilty!"
"M-Mrs. Ho..."
"Hindi pa ako tapos!"
Parang kakapusin ako ng hininga. Pakiramdam ko ay nanliliit ako sa sarili ko. Ang tanging magagawa ko lang ay manahimik.
"Naya, huminahon ka..." malungkot na sambit ni Madame Inez habang hawak niya ang isang braso ni Madame Naya.
Nagtiim-bagang si Madame Naya habang pinagmamasdan niya ako. Dahil sa kaba at takot ay pinili ko nalang yumuko. Hindi ko kayang tiitgan ang mga kaniyang mga mata na may halong panghuhusga.
"Papaano ako magiging mahinahon kung ang nasa harap ko ang anak ng walanghiyang 'yon? Lalo na't nagawa pa rin makipagrelasyon ng anak ko sa isang tulad niya na isang kriminal?!" bakas sa kaniyang boses ang panggagalaiti sa galit.
"Naya naman, pakingan mo muna..." alo sa kaniya ni Madame Laraya.
"No!" ibinaling niya sa akin ang kaniyang tingin. "Tutal naman ay isa kang kriminal, alam kong pera ng anak ko ang habol mo. Magkano ang kailangan mo?" mas malamig ang nahihimigan ko sa kaniyang boses.
Sa mga oras na ito, ramdam ko ang pagpiga sa aking puso na dahilan upang mamuo ang mga luha sa aking mga mata. Pilit kong tumingin ulit sa kaniya. "H-hindi po pera ang kailangan ko. Alam ko pong anak ako ng isang kriminal... Pero ginagawa ko po ang lahat para hindi rin ganoon ang iisipin ninyo sa akin. N-naunahan po ako ng takot... Takot na baka husgahan ninyo ako... Natatakot po ako dahil... Sa oras na makialam ako sa mga plano niya... Mapapatay niya ang kapatid ko... Kilala ko po si Belor, k-kapag sinabi niya... Gagawin niya..." tumayo ako humakbang ako ng kaunti . Dahan-dahan akong lumuhod sa harap ni Madame Naya. "Patawarin po ninyo ako... Patawarin ninyo po kami..." tumayo na din ako. Pinunasan ko ang mga takas kong luha. "Patawarin ninyo din po ako kung minahal ko po ang anak ninyo... Pakisabi po sa kaniya... Salamat sa lahat ng mga naitulong niya sa akin." iginala ko ang tingin ko sa kanila. Yumuko ako nang kaunti bilang pagpapaalam sa kanila.
Kahit masakit, kahit mahirap. Kahit na ilang beses na akong sinasaksak dahil sa tagpo na iyon ay pilit kong tibayin ang loob ko habang palabas sa malaking bahay...