11

2222 Words
Yakap-yakap ko ang aking sarili, walang humpay ang luha ko na hindi ko na alam kung saan na iyon pumatak. Ilang ulit ko na pinupunasan ang mga ito pero may panibago na namang namumuo hanggang sa sumuko na ako't hinayaan ko nalang. Hindi ako sigurado kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Wala naman ako mapuntahan. Nilakbay ko ang kahabaan ng kanilang bakuran nang tahimik. Mukhang minamalas pa ako dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Dahil wala akong dalang payong ay tumakbo ako at tinahak ang daan na hindi ko alam kung saan ako makakarating mamaya. Sa isipan ko ay ipinapanalangin ko sana ay hindi ako magkasakit bukas dahil balak kong bumalik ng Binondo para umuwi na kay Nanay Ching, magpapaalam sa kaniya na ako'y tuluyan nang aalis sa kaniyang poder, alam kong labis ko siyang pinag-alala nang mga nakaraang araw. Alam ko naman na maiitindihan niya ako. Kahit na aalis na ako sa kaniya ay hinding hindi ko makakalimutan ang pagtulong niya sa akin. Gagawa pa rin ako ng paraan para masuklian iyon sa oras na makapaghanap ako ng trabaho sa isang malayong lugar. Gusto ko na din malagay sa tahimik. Kahit na malakas ang pagbuhos ng ulan ay may natatanaw akong gate, may nakasulat doon na No Trespassing at Private Property, bago man sa aking paningin ay kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Wala na din akong choice, wala naman akong matanaw na waiting shed o pupwedeng masilungan kaya dito na muna ako mananatili pansamantala. Naitulak ko ang malaking gate at tahimik na nakapasok. Alam kong bawal pero pupwede naman ako magpaliwanag kung mahuli man ako. Napagtanto ko na sa abandonadong pabrika ako dinala ng mga paa ko. Pinuntahan ko ang dating kuwarto namin ni Calla, sa pagkaalam ko ay may mga naimbak akong mga kandila dito pati ng mga posporo. Dahil dito ang pagawaan noon bago man kami nakarating ng kapatid ko, ang aming ama pati ang mga kasamahan nito. Hindi ako nabigo. Narito pa rin ang mga naitago ko. Nagsindi ako ng isa. Tumuntong ako sa katre saka niyakap ko ang aking sarili. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan. Wala akong balita kung babagyo ba ngayon dito sa Cavite o ano. Ang importante sa akin ngayon ay may masisilungan ako. I rub my palms too pagkatapos ay idinapo ko 'yon sa aking magkabilang pisngi. Natigilan ako nang may biglang sumagi sa aking isipan. Bumaling ako sa bintana ng kuwarto na ito. Naalala ko pa na talagang sinundan pa ako ni Spencer noon para lang makipagkaibigan sa akin. Siya ang tipong hindi sumusuko. Kung anuman ang gugustuhin niya ay makukuha niya din. Agad ko din binawi ang aking tingin mula sa bintana. Sunod kong tinititigan ay ang kandila. Ang kandila na ito ang nagsisilbi kong ilaw sa malawak at madilim na lugar kung nasaan ako. Niyakap ko naman ang aking mga binti habang pinapanood ko ang ilaw na nasa harap ko. After all these years, I found myself back in this cold, dark and empty room. Sariwa pa sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Halos lahat ng kamag-anakan ni Spencer ay ayaw sa akin. Naiitindihan ko ang sentimento ni Madame Naya, kung bakit ganoon ang ipinakita niya sa akin. Dahil dala ko ang apelyido ng aking ama na siyang kriminal at muntik pumatay sa kaniyang asawa, na mismong tatay ng pinakamamahal ko. Masakit man pero kailangan ko ding tanggapin ang katotohanan, hindi kami ni Spencer para sa isa't isa. May lamat na ang relasyon naming dalawa mula sa nakaraan. In my entire life, I'm always fighting. Pinapakita ko na hindi ako katulad ng aking ama, gustuhin ko man patunayan sa lahat na hindi ako katulad niya, na hindi rin ako isang kriminal. Pero kahit anong gawin kong makipaglaban, kahit narating ko na ang dapat kong patunayan ay mukhang hinid pa sapat. Walang nagbago. Ang buong akala ko ay mababaon sa limot ang katotohanan na anak ako ni Belor Defamente. HIndi ko na alam kung maniniwala ba ako sa kaniyang sinasabi niya noon sa akin na kahit anong gawin ko para makawala sa mapait kong karanasan ay hindi mabubura ang katotohanan. Na sa huli ay mga negatibong impresyon lang ang ibibigay sa akin. Isa din akong tao, natatakot at nagkakamali din. I suddenly heard a sound from car's engine. Hindi kaya ang may-ari ng lupa na ito ang dumating? Agad akong umalis mula sa ibabaw ng katre. Sinubukan kong sumilip para kumpirmahin kung tama ba ang hinala ko. May natanaw akong hindi pamilyar na sasakyan sa harap. Dahil nasa second floor ako ay madali para sa akin na makita iyon. Hindi ko nga lang makita kung sino man lang ang bumaba dahil siguro sa pagmamadali niya na makapasok dito. Medyo naaninag ko pa ang parte dito sa abandoned factory dahil sa liwanag ng buwan. Pabalik na sana ako sa dating kuwarto namin ni Calla tumambad na sa akin ang bulto ng isang lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan sa akin. Tumatama sa direksyon niya nag liwanag ng buwan na dahilan para malaman kung sino 'yon. Parang hindi ako makahinga ng maayos at hindi makapaniwala dahil nakarating siya sa lugar na ito. Halos gusto nang lumabas ang puso ko nang maaninag ko ang kabuuan niya. Namumungay ang kaniyang mga mata habang diretso iyon nakatitig sa aking direksyon. I saw both pain and sorrow in it. Malaking kuwesyon sa akin ngayon ay kung papaano niya ako nahanap dito? "S-Spencer..." mahina kong tawag sa kaniyang pangalan pero nag-eecho ang boses ko sa paligid. "A-ang akala ko, nasa Alfonso ka...?" I asked awkwardly, pinapakalma ko din ang pagwawala ng aking puso, at the same time. "I got a call from my cousins." Bumaba ang tingin ko. Napatingin ako sa sahig. Sa pamamagitan ng kaniyang anino ay kita ko kung papaano siya humakbang palapit sa akin. Pero dahil sa medyo naalarma ako ay umatras ako ng ilang hakbang palayo sa kaniya. Muli ko ibinalik ang aking tingin sa kaniyang mukha. Bakas doon ay pagsusumao at may halong galit. Para saan? Dahil naputol ko na naman ba ang pangako ko sa kaniya na hinding hindi ko siya ulit iiwan? Pero anong magagawa ko? Hindi ako pupwedeng manatili sa malaking bahay dahil mas lulubog ako kung tatagal pa ako doon. Nabalutan ng nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tanging hangin at tunog ng mga dumadaan na sasakyan ang naririnig namin. Hinuhuli ko ang aking hininga habang nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin. "S-sorry kung... Umalis ako..." ang tanging nasabi ko. Damn, bakit sa dinami-dami pa na pupuwedeng sabihin ay ito pa? "Then?" Muli ako napaatras dahil muli siyang nagpakawala ng hakbang. "D-don't!" tamang lakas ang ginamit ko sa aking boses para marinig niya iyon. Umaapaw ang frustrations sa sistema ko. "H-huwag kang lumapit, Spencer. P-please..." "Bakit huwag?" mas sumeryoso ang boses niya nang sambitin niya iyon, habang patuloy pa rin siya sa paglapit niya sa akin. Tila bingi siyang pakinggan ang hinihiling ko. Bago man ako tuluyang makalayo sa kaniya na nahuli na niya ako. Niyakap ako nang mahigpit, na tipong ayaw na ayaw niya akong pakawalan sa pagkakataon na ito. Sinubukan ko siyang itulak palayo sa akin pero dahil sa lalaki siya at malakas ay bigo ko gawin iyon. Mas lalo niya ako niyakap na mahigpit. Ayaw na ayaw akong binatawan. Kahit anong gawin ko ay hinding hindi siya nagpapatinag. Parang nawawala na din ang lakas ko sa tuwing sinusubukan ko ng ilang ulit na pagtulakan siya. Pero bakit ganito? Sa tuwing narito ako sa mga bisig niya, I feel safe. Lahat ng pangamba na nabubuo sa aking sistema ay madali para sa kaniya na alisin iyon. "Pakawalan mo nalang ako, Spencer..." garagal kong sinabi. Bumuhos na ang mga luha ko. "No," halos mamaos niyang sagot. "Ayaw ko na ng gulo. Mismo na ang mama mo ang umayaw sa akin para sa iyo, Spencer... Hindi na natin maaayos ito. Kahit anong gawin ko para patunayan ko na hindi ako kakuntsaba ng tatay ko..." Itinapat niya ang kaniyang mukha sa akin. Sakto na magtama ang mga mata namin. Hindi pa rin niya ako magawang bitawan. I can see his pain and soft stares. "At ang pag-iwan mo sa akin ulit ang naisip mong solusyon, ganoon ba, MC? Gusto mo na namang umalis sa akin?" Pumikit ako ng mariin. Alam na alam niya na ganoon nga ang ganoon nga ang mangyayari. "Mahal kita, Spencer. Sa isip ko, kaya kong balewalain ang mga paratang nila laban sa akin. Pero nang nar'yan na, ang hirap pala... Ang hirap pumasok sa mundo mo." pagod ko siyang tiningan. "Pagod na ako, Spencer. Sa buong buhay ko, hirap na hirap na ako sa bawat araw na dumadaan para mabuhay." Marahan siyang kumalas mula sa akin. Sunod niyang ginawa ay ikinulong ng mga maiinit niyang palad ang magkabila kong pisngi. "How about me? Ayoko pa, my baby doll. Ayoko pang mapagod. Kung ikaw, pagod na, ayos lang. Basta nasa tabi lang kita. You are my goddess, just give me strength while I'm fighting. Ikaw lang tipong hinding hindi ko sinusukuan." Tumigil ako sa pagsasalita. Kahit nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha na kumawala na ay pilit ko pa rin tumingin nang diretso sa kaniyang mga mata. Sa mga salita na kaniyang binitawan ay kasabay na kumirot ang aking puso. "Spencer..." pumiyok na ako nang tawagin ko ang pangalan niya. "Masasaktan sila... Lalo na ang mommy at daddy mo." Isinandal niya ang kaniyang noo sa aking noo. Marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. "They will understand, my baby doll. They will." namamaos niyang sambit. "You can't run away from me, and please stop trying. Hahabulin lang kita hanggang sa mapagod ka." Pumikit ako ng mariin. Kahit na naramdaman ko na ang mga labi niya ay hindi ako pumalag pa. Dinadama ko ang mga labi niya kahit dampi lang 'yon. Although I can taste the salt of pain and hurt because of our tears. "I love you, MC. Don't ever try to leave me again and I swear, I chase you over and over again." sabi niya nang naghiwalay na ang mga labi namin. Ngumiti na din ako. Muli kitang mamahalin, Spencer. Mamahalin kita. "Bakit parang nagbabanta ka pa?" kahit na naluluha pa ay nagawa ko pang tumawa. "Nope, I'm just reminding you, my baby doll." nahihimigan ko na ang lambing sa kaniyang boses. "We will face them. I'm with you. If they don't still like about us, I'm willing to lose anything, even my surname. Basta kasama lang kita." Matagal akong tumitig sa kaniya. Masuyo kong hinaplos ang kaniyang buhok. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Biglang sumagi sa isipan ko ang isang imahinasyon sa oras na kasama ko na si Spencer. Masaya at tahimik ang pamumuhay naming dalawa. 'Yung tipong malayo sa gulo, halos lahat perpekto. Sa loob ng maraming taon na nawalay ako sa kaniya, siya at siya pa rin ang laman ng puso at isipan ko. Lahat ng tungkol sa kaniya ay hinding hindi ko makakalimutan. "What are you thinking, hm?" masuyo siyang tanong sa akin. "Dati, sa tuwing binabanggit mo na gusto mo aking pakasalan, nababalewala ko 'yon. Pero, may narealize ako..." malumanay kong pahayag. "What is it?" hinawi niya ang takas kong buhok. Nagtama ang mga ngiti namin. Matamis akong ngumiti sa kaniya. "Siguro kung magiging kamukha mo ang mga magiging anak natin, lalo ako mahuhulog sa iyo, Spencer. Mamahalin ko din sila tulad ng pagmamahal ko sa iyo..." "Magkakaanak tayo sa oras na papakasalan mo ako, baby doll." he said. I rested my head on his chest. Dinadama ko siya sa mga oras na ito. Kahit noon pa man, sa tuwing na nawawala ako sa gitna ng dilim, siya at siya pa rin ang magiging daan para hindi ako nag-iisa. Sa oras na nagiging lugmok ako ay nariyan siya para alalayan ako. Masuyo niyang hinalikan ang likod ng aking palad, na hindi matanggal ang tingin niya sa akin. Noon, hinahanap ko din ang rason ko kung bakit patuloy pa rin ako nagmamahal sa isang Spencer Ho, now, I realized, he really loves to fight. He won't give up so easily. Tanggap niya ang totoong ako kahit na ang iba ay halos pandirihan at ipagtabuyan na. Kaya niyang yakapin ang mapait kong palaran... "I love you," masuyo niyang sambit. "I love you too." sagot ko. "Sa oras na asawa na kita, ipapagiba ko ang lumang pabrika na ito at babaguhin ko ito. Do you still remember? Magtatayo tayo ng restuarant. Tayong dalawa ang mamalakad nito." Gumuhit ang pagkamangha sa aking mukha. "S-Spencer... T-totoo?" Hinapit niya ang bewang ko. "Yeah, so tell me, what interior and exterior designs do you want for our future restaurant, hm?" dinampian niya ng halik ang sentido ko. "W-wala akong alam sa ganyan, eh." Ngumuso siya. "Is that so? Hm... Let's talk to my friend, he's my good friend of mine. He's an architect." Naputol ang pag-uusap naming dalawa nang biglang may bumusina. Pareho kaming nabuhayan ng kuryusidad ng mga oras na iyon. Kaya ang ginawa namin ay bumaba kaming dalawa para salubungin namin kung ang mga dumating. Kita namin kung papaano nagbukas ang dalawang pinto sa front seat ng kotse. Isang babae at isang lalaki. Base sa obserbasyon ko ay halos kaedad lang nila ang mga magulang ni Spencer. "Ninang Elene? Ninong Flare?" hindi makapaniwalang tawag ni Spencer sa mga bagong dating. "What are you doing here? How did you know..." Nakapameywang ang babae na tinutukoy na Ninang Elene ni Spencer. "Your cousins asking for my help. So, can we go in your house? Gusto ko na din makausap ang nanay mo." she smirked like a devil like she gonna do something frightening. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD