Nakasunod lang kami sa sasakyan ng ninong at ninang ni Spencer. Habang pabalik kami ay nabanggit sa akin ni Spencer na bestfriend daw ng mommy niya ang ninang Elene niya habang bestfriend naman daw ng daddy niya ang ninong Flare niya, sa Batangas daw nakatira ang mga ito at tahimik na namumuhay doon. In a short time ang pagiging super star ang ninong Flare niya, he's a singer, by the way. Sa punto ding ito ay parang alam na din niya anong ang esksaktong gagawin ng ninang Elene niya sa sitwasyon namin ngayon. Nabanggit din kanina na mismong mga pinsan niya ang kusang tumawag sa kanila para humingi ng tulong.
Umaangat na naman ang pagiging kabado ko nang nakabalik na kami dito sa malaking bahay. Unang lumabas ang ninong at ninang niya pagkatapos ay pinagbuksan naman ako ni Spencer ng pinto. Inaalalayan niya akong makalabas. Kusang nagbukas ang pinto ng malaking bahay na tila inaasahan ang pagbisita ng mag-asawang Hoffman. Humigpit ang pagkahawak ko sa isang braso ni Spencer na dahilan para bumaling siya sa akin. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko na parang sinasabi na makakaya naming dalawa ito.
Sana nga ay makaya namin.
Halos matumba na ako kanina habang nakaharap at nakausap ko ang kaniyang ina na si Madame Naya, papaano pa kaya ngayon? Ganoon pa rin kaya ang magiging reaksyon ng aking katawan sa oras na makaharap ko ulit siya mamaya?
Nakasunod lang kaming apat habang papunta na kami sa receiving area. Ilang beses na akong lumulunok. Mas tumitindi ang kaba at takot sa aking sistema ngunit kailangan ko din kalabanin iyon, iniisip ko ang kapakanan naming dalawa ni Spencer. Sa oras na mabigyan ako ng pagkakataon na ipaglaban ang nararamdaman ko para sa lalaking pinakamamahal ko, gagawin ko. Hindi na ako magdadalawang-isip na ipahayag sa angkan ng mga Hochengco ang totoo. Kahit tutulong pa ako para mahuli ang aking ama, gagawin ko. Alam kong nasa mabuting kamay na ang kapatid kong si Calla, alam kong hinding hindi siya mapapabayaan pa nina lolo at lola.
Sa pagbukas ng pinto ay tumambad sa amin ang buong angkan, maliban sa mga lolo at lola ng mga ito. Tumigil sila sa kani-kanilang ginagawa. Narito na din halos lahat ng mga pinsan ni Spencer. Napukaw namin ang kanilang atensyon. Gumuhit ang saya sa kanilang mukha hindi dahil sa nakita nila kami. Dahil sa mag-asawa na kasama namin. Halos pila-pila sila para batiin ang mga ito. Gayundin ang mga tiyo at tiyahin ng mga ito. Nakipagbeso-beso at nakipagyakapan pa sila sa mga kasama namin.
"It's nice to see you again, Elene!" masayang bulalas ni Madame Inez.
"Same here, amiga!" humahalakhak na tugon ni Ma'm Elene.
Sa amin naman bumaling si Madame inez. Hindi siya nagdalawang-isip na lapitan kami. Ang mas hindi ko inaasahan ay ginawaran niya ako ng yakap. "Ako na humihingi ng pasensya sa ipinakita ni Naya kanina, iha." bulong niya sa akin.
"Naitindihan ko po, Madame..."
Kumalas din ng yakap sa akin si Madame Inez. Isang matamis na ngiti ang umukit sa kaniyang mga labi. "I'm glad na narito na rin ang mag-asawa na iyan, paniguradong magiging maayos din ang lahat." dagdag pa niya.
"Sana nga po, tita." wika ni Spencer.
"Siya nga pala, parating na din ang daddy mo, Spencer. Kasama niya pauwi ang tito Archie at tito Harris mo."
"Where's my bestfriend!?" malakas na tanong ni Sir Flare sa kanila.
"Pabalik na 'yon, Flare. Maghintay ka!" natatawang sagot sa kaniya ni Sir Kalous. "Halika ka dito at tumagay ka muna!"
Lumipat ang tingin ko kay Ma'm Elene. Ngumisi ito at lumapit kay Madame Naya. Niyakap niya ito saka nagbeso-beso sila. "Hindi mo ba ako namiss, Naya?" natatawang tanong ni Ma'm Elene.
"Of course, namiss din kita." saka umukit ang mapait na ngiti sa mga labi ni Madame Naya. Bumaling siya sa akin sa mapapagitan ng mga malalamig niyang tingin. Bumaba iyon at lumapat sa mga kamay namin ni Spencer na magkahawak ang kamay. "Hindi mo man lang nasabi sa akin na may isa pa kayong kasama, bukod sa anak kong si Spencer."
Lumingon sa amin si Ma'm Elene, hindi nabubura ang ngiti sa kaniyang mga labi. "If I am not mistaken, she's gonna be Spencer's bride, soon." I can sense in her voice the elegance and classic.
"Bride?" ulit pa ni Madame Naya, kunot ang noo.
"Yes, mismo si Spencer ang nagkwento sa akin habang papunta kami sa bahay ninyo." she added. "She's lovely, isn't it?"
"Lovely but behind of that, she has a blood of a criminal..." matigas niyang turan.
Dahil sa sinabi niya ay natigilan ulit ang lahat. Napatingin sa amin at mukhang may nakita silang mali. Napayuko ako dahil sa hiya.
"Mom!" matigas na apila ni Spencer.
"No, Spencer. Don't. Just leave this to me." pigil sa kaniya ni Ma'm Elene sa pamamagitan ng pag-angat nito ng isang kamay. Umangat ang tingin niya sa kaniya. Kita ko kung papaano niya nilagpasan si Madame Naya. Pumuwesto siya sa bandang likuran nito habang nakahalukipkip. Dahil sa masyadong tahimik ang buong receiving area ay umaalingawngaw ang tunog mula sa suot niyang sapatos na may takong. Tumigil siya at humarapa kay Madame Naya na nanatili pa rin siyang nakahalukipkip. "Hindi kaya... Masyado namang below the belt ang mga akusayon mo sa kaniya, Naya?"
"Elene, don't start!" apila ni Madame Laraya, bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Akmang lalapit siya kina Madame Naya at Ma'm Elene pero agad din siyang hinarangan nina Sir Suther at Sir Flare. "Mag-aaway ang dalawa, oh. Hindi ninyo ba halata?"
"Let them be, Laraya." wika ni Madame Tarrah na may lungkot sa kaniyang boses. "Elene would be a great help. I don't think that Harris, Keiran and Archie can make this time..."
Seryoso na din ang mukha ni Madame Naya habang nakikipagtagisan siya ng titigan kay Ma'm Elene. "Anong gusto mong palabasin, Elene? Can't you see? This lady is a daughter of the killer—!"
"For the second time, you call her a killer, kahit hindi naman. You have enough evidence to prove that?" Ma'm Elene hardly snapped.
"Kung hindi niya kakuntsaba ang tatay niya na mamatay tao, bakit bigla siyang umalis? Bakit hindi siya tumulong para mahuli o kaya ipagsabi sa amin na mas maaga kung anuman ang magiging plano ng kaniyang ama?" sunud-sunod niyang tanong. Bawat salita ay matigas niyang ibinigkas.
"I'm kinda disappointed with your actions, Naya. You studied Psychology, kaya dapat alam mo kung ano ang mararamdaman niya. Of course, she frighten! She's terribly scared what should she choose. It's hard to decide! Parang hindi mo naman pinagdaanan iyan sa inyong dalawa ni Keiran!" halos tumaas na ang boses ni Ma'm Elene, may halo na iyong frustrations.
"Labas na ang sa aming dalawa ni Keiran, Elene. And who's side are you on, huh?"
Bumuga ng malalim na buntong-hininga si Ma'm Elene. Dahil nakasublit pa sa kaniyang braso ang handbag niya, iritado niyang hinubad iyon saka itinapon niya iyon kung saan. Napameywang siya. Mas lalo sumeryoso ang kaniyang mukha. Mas lalo na ako kinakabahan sa nangyayari! "Papanig ako sa tama, Naya."
"Of course dapat sa akin! Dahil mas kilala mo ako, hindi ang mamatay-tao na iyan!" halos pasigaw na si Madame Naya sabay turo sa direksyon ko, lalo na't diniinan niya ang salita na mamatay-tao.
Biglang tinabig ni Ma'm Elene ang kamay ni Naya na ginamit sa pagturo sa akin. "Sumosobra ka na, Naya, ha! HIndi ka na nakakatuwa!" ramdam ko na ang galit sa kaniyang boses.
Napalitan an din ng galit sa mukha nito. "Kung ikaw ba sa lagay ko, Elene, anong mararamdaman mo kapag nangyari din kay Flare ang nangyari kay Keiran?!"
"Where's your common sense, Naya? Of course, magagalit din ako pero hindi ako tulad mo na bigla kang mag-aakusa ng inosenteng tao! Abogado ka pa man din! Before you judge, you must know what's the truth behind!"
"You don't understand, Elene—"
"Hindi, Naya! Ikaw ang hindi nakakaitindi!" she released a heavy sighs. "Syempre, may parte sa akin na naiitindihan kita dahil bestfriend kita, justice shall be prevail. I understand your sentiments. Pero ang akusahan ang tao na kahit kailan ay walang ginagawang masama, iyan hinding hindi ko mapapayagan. Now, let me ask you again. What does justice means to you?" sinadya niyang tigasan ang huling pangungusap na kaniyang binanggit.
Saglit natigilan si Madame Naya. Parang bang may nasampal sa kaniya na isang bagay na dahilan para magising siya. Umatras siya ng dalawa kasabay na parang nanghihina siya. Ilang beses siyang hindi kumalawa ng buntong-hininga. "Fair and equality..."
Ngumiwi siya. "And you think, this lady would killed Keiran?" mapait niyang tanong. "If you witness how she really love your son, paniguradong iluluwa mo ang mga pinagbibintang mo sa kaniya, Naya. At hindi ang Naya na nasa harap ko ngayon ang nakilala ko noon."
Kinagat ni Madame Naya ang kaniyang labi.
"Nayana Dianthe Alvez is not like this. Hindi siya basta-basta humuhusga ng tao. Well, hindi ko naman sinasabi na ura-urada ay babaguhin mo ang tingin mo kay MC. All I want to tell you is, please, give her a chance to prove herself. Na hindi siya ganoon. Hindi siya masama. Ang tanging alam niya lang ay mahalin si Spencer."
"E-Elene..." naiiyak na si Madame Naya. "I'm sorry..."
Umiling si Ma'm Elene. "No. Hindi ka dapat sa akin magsorry. Narito lang ako para tumulong at liwanagin lang ang isipan mo. Kina Spencer at MC ka humingi ng tawad."
"I agree with her, baby."
Napatingin kami sa pinto. Umaawang ang bibig ko nang makita ko doon ang daddy ni Spencer na si Sir Keiran pati na rin sina Sir Harris at Sir Archie na mga pinsan nito.
"Oy, bestfriend!" tuwang-tuwang tawag ni Sir Flare kay Sir Keiran.
"K-Keiran..." garagal na tawag ni Madame Naya sa kaniya. Hindi na niya mapigilan maluha sa harap namin. She looks defeated.
Nilapitan siya ni Sir Keiran. Marahan siyang niyakap nito. "The most important is I'm still here. I'm still with you and I'm still breathing. You should forgive her, baby..."
Pumikit ng mariin si Madame Naya. Ang sunod niyang ginawa ay bumaling siya sa aming dalawa ni Spencer. Humakbang siya palapit sa amin. Bakas sa mukha niya na nahihiya siya. "I'm so sorry... Naipon lang ang galit at sakit habang nasa bingit ng kamatayan ang asawa ko. I was so frustrated dahil hindi pa nahuhuli ang ama mo... Kaya nang nalaman ko na dadalhin ka ni Spencer dito kanina, ilang beses kong kinokumbinsi ang sarili ko na... Hindi tama na paratangan kita... Pero mahirap... Dahil nang makita kita, I wasn't able to control myself. Nabaling ko sa iyo lahat ng galit ko. I'm so sorry, iha..."
Yumuko ako. Naluluha na din ako. "Patawarin po ninyo ako... H-huwag po kayo mag-alala, tutulong po ako... Tutulong po ako na mahanap siya..."
Kahit na pareho na kaming naiiyak. Nagawa pa naming ngumiti para sa isa't isa. "One more question, can I?"
"A-ano po 'yon?"
"Should I trust you? M-maasahan ba namin ang kooperasyon mo? Sarili mong ama na ang pinag-uusapan natin dito."
Tumango ako. "Opo, maniwala po kayo. Tutulong po ako."
Tumangu-tango si Madame Naya. "I believe in you."
"Oy, dude! Namiss kita!" malambing na salubong ni Sir Flare kay Sir Keiran. Yayakapin sana niya ito pero biglang hinawakan ni Sir Keiran ang mukha ng bestfriend na para bang inilayo nito sa kaniya.
"Tang ina, kadiri ka talaga kahit kailan! Hindi ko alam kung bakit pinatulan ka ni Elene, you, gaytard!" iritadong sambit ni Sir Keiran sa kaniya.
"Gago! Hindi ako bakla! Hindi mo ba namimiss ang bestfriend mo? You shall acknowledge my efforts, you know, galing pa kaming Batangas, dude!" parang bata na nag-aamok si Sir Flare.
"Umuwi ka na ng Batangas, now. Kahit iwan nalang dito si Elene."
Humagalpak ng tawa ang iba pati na din si Sir Flare. Nilapitan ni Sir Keiran si Madame Naya. Marahan niyang iginiya ito palabas ng receiving area. Nang tuluyan na silang nakaalis ay rinig ko ang buntong-hininga nila.
Bigla ako niyakap ni Spencer saka hinalikan sa sentido. Halos lahat dito ay parang nagdiriwang na na akala mo ay nagwagi sa isang malaking laban.
"Oh! Finally! Nasa katinuan na si Naya!" bulalas ni Madame Inez na naiiyak na din.
"Yeah, mabuti nalang talaga, tinawagan siya ng mga inaanak niya." segunda pa ni Madame Shakki. Bumaling siya kay Sir Vaughn. Lumukot ang mukha niya. "Vaughn, bakit mo naman inubos ang alak ko?!"
"Sorry, mi amor. Like you, I was carried away while watching a heavy drama..."
Lumapit naman sa amin si Ma'm Elene. May inabot siya sa aking nakatiklop na papel. Tinanggap ko iyon. "A-ano po ito?" nagtatakang tanong ko.
"Listahan iyan ng mga paborito ni Naya. You need to win her heart, too. So I think you should do some efforts too para mas lalo ka niya magustuhan. Ikaw pa ang pinili mismo ng kaniyang bunso. Well, I did my part and I'm glad it's successful..." lumapad ang kaniyang ngiti saka kumindat pa. "Tagayan naaaaa!" baling niya sa iba.
Pinagmasdan ko ang paligid. Hindi ko mapigilang mapangiti. Ngayon ay alam ko na kung bakit ganito si Spencer. Hindi lang siya ang lumalaban. Maski ang mga tao na nasa paligid ay ganoon din. Punung-puno ng positibo sa buhay. O sadyang nananalaytay na sa kaniyang dugo ang pagiging palaban sa oras na may nagustuhan ito.