Walong araw na nakalipas ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Calla na nahuli na daw ang aming ama. Hindi kami nagdalawang-isip na puntahan namin siya sa persinto. Doon na rin kami magkikita ng aking kapatid, kasama niya ang aming lolo't lola, samantalang ako naman ay kasama ko si Spencer papunta sa istasyon ng pulisya. Napag-alaman namin mula kamag-anakan ni Spencer na hindi lang ito ang nahuli, kahit ang mga kasamahan nito ay nahuli din.
Tahimik lang akong nakadungaw sa bintana ng sasakyan ni Spencer. I need to compose myself. Iniipon ko ang lahat ng emosyon at ang mga salita na sasabihin ko sa oras na makaharap ko na mismo ang sarili kong ama. Alam kong mas titindi ang galit niya sa akin dahil nakipagtulungan ako sa mga Hochengco pati na rin sa awtoridad upang mahuli siya't mapatawan ng parusa na nararapat sa kaniya. Gayunpaman, hindi maalis sa akin ang pag-aalala dahil ama ko siya kahit na sabihin nating hindi talaga siya naging mabuting ama sa amin ni Calla.
Pagdating namin sa harap ng Presinto ay maraming taga-press ang nagkukumpulan doon. Mabili na dinaluhan ng iilang pulis at bodyguard ng mga Ho ang sasakyan kung nasaan kami ni Spencer. Sinabi kasi sa akin na kailangan akong alalayan dahil kalat na din na isa ako sa mga anak ng tinuturing na prime suspek sa mga mabibigat na kaso, lalo na't most wanted dito sa Cavite.
Unang lumabas si Spencer. Hinintay ko siyang pagbuksan ako ng pinto. Humilera ang mga iilang pulis para makadaan kami sa oras na makalabas na ako.
Pagkalabas ko ng sasakyan ay mga nakakasilaw na ilaw mula sa mga camera ang sumalubong sa akin, mas lalo nagwawala ang press, mas umiingay at inuulanan nila ako ng mga iba't ibang tanong, gumagawa sila ng paraan para makalapit o makalagpas sa mga nagbabantay na pulis. Pilit nilang kinukuha ang aking kumento dahil sa pangyayari na ito. Hindi iyon pinapayagan ni Spencer. Todo-alalay niya sa akin, hinaharang niya ang kaniyang sarili sa mga nagtatakang lumapit na reporter. Pareho kaming tahimik at hindi nagagalit sa kanilang inaakto. Hindi lang siya ang umaalalay sa akin, pati na din ang ilang bodyguards nila. Hanggang sa tagumpuay kaming nakapasok sa loob ng presinto. Nadatnan ko ang halos lahat ng mga kamag-anak na Hochengco, narito na rin sina Calla, lolo at lola tila inaabangan ang aming pagdating.
"Ate!" tawag sa akin ni Calla sabay mabilis na nakalapit sa akin para bigyan ako ng isang mahigpit na yakap.
"Nasaan siya?" bulong ko sa kaniya.
"Nasa loob siya ngayon." mahina niyang tugon sa aking tanong.
Kumalas ako ng yakap. Bumaling ako kay Madame Naya Ho na seryoso ang mukha. Lumapit siya sa akin. "I will file a case against to your father, MC. Sigurado ka bang maaasahan namin ang kooperasyon mo dito?" diretsahan niyang tanong sa akin.
Hindi ako nagdalawang-isip na tumango. Bakas din sa mukha ko ang kaseryosohan. "Opo, siguradong sigurado po ako." lakas-loob kong sagot.
She released a heavy sighs. "Aasahan ko 'yan." she draw a smile. "Thank you, MC."
Isang maliit na ngiti ang iginawad ko. Napag-usapan din kasi na mismong si Madame Naya ang hahawak ng kaso. Alam at ramdam ko na gustong-gusto na niyang ipakulong ang aming ama, hindi na rin maipagkaila na magaling at matalinong abogado si Madame Naya kaya gagawa at gagawa siya ng paraan para mabulok sa kulungan si Belor, pati ang mga kasamahan nito. She told me she will be harsh to my father. Nakuha naman niya ang aking pahintulot para gawin niya iyon. Sa tama at hustisya ako pumapanig. I don't want to tolerate my father's sins.
Iginiya ako ni Spencer para makita namin si Belor, sa paghakbang ko sa Opisina ng mga pulis ay kitang kita ko na nakaupo siya sa isang upuan, kaharap ang isang pulis na nagtatanong sa kaniya. Nasa likuran niya ang mga nakatayo na nakahilera ang mga kasamahan niya. Umangat ang kaniyang tingin sa amin na tila natunugan niya ang aming presensya. Saksi ako kung papaano umaawang ang kaniyang bibig at binigyan niya kami ng isang hindi makapaniwalang tingin nang makita niya kaming magkapatid sa kaniyang harap. Palihim kong kinuyom ang aking kamao, taas-noo ko siyang tiningnan, pilit kong tatagan ang aking sarili. Gustuhin ko man siyang saktan at ibuhos sa kaniya ang lahat ng galit ay hindi ko magawa.
"Papaano kayo nakawala sa mga casa, ha?!" bulyaw niya sabay tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan kahit na nasa likuran niya ang kaniyang mga kamay at nakaposas. Akmang susugurin niya kami pero mabuti nalang ay mabilis rumesponde ang mga pulis. Agad nilang nahawak si Belor at pinadapa sa mesa. "Bitawan ninyo ako! Lalo ka na, MC! Dapat pala pinatay na kitang walanghiya ka!"
Lihim ko kinagat ang aking labi. Parang pinipiga ang aking puso nang marinig ko mula sa kaniya ang huling pangungusap na kaniyang binitawan. Dapat ay sanay na ako sa mga pagbabanta niya pero masakit pala ang ganito. Na kahit na paparusahan na siya ay hindi pa rin siya nagbabago.
"Pakawalan ninyo ako't makakatikim sa akin iyang magaling kong anak!" singhal niya sa mga pulis na nakahawak sa kaniya. "Putang ina ka, MC!"
"Nilalamon na talaga siya ng ipinagbabawal na gamot." matigas na bulong ni Madame Naya sa akin. "Nagsagawa kami ng drug test and he's positive."
Tango lang ang naisagot ko. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para lapitan siya. Matalim siyang nakatingin sa akin. Hindi niya ako magawang sugurin dahil madiin ang pagkahawak sa kaniya ang awtoridad. Umukit sa aking mukha ang pagsusumao. "Pa..." nang lumabas sa bibig ko ang salitan iyan ay mas lalo piniga ang puso ko, para bang may sumaksak sa akin na isang matalim na punyal... "Sumuko ka na..."
"Anong akala mo sa akin, ha?! Sa oras na makawala ako, putang ina, tatapusin ko na talaga ang buhay mo!"
Nagulat nalang ako nang biglang may humawak kay Belor, napasinghap ako nang makita ko si Spencer na kinuwelyuhan ito at hindi na nakapagpigil na suntukin ito. Natumba sa sahig si Belor, nilipat niya sa lalaking pinakamamahal ko ang matalim niyang tingin. Hindi pa kuntento si Spencer. Marahas niyang kinuwelyuhan ang aking ama at isindal niya ito sa pader. "You are the worst father that I've ever met!" matigas at punung-puno ng galit na sambitin niya iyon.
"Spencer!" saway sa kaniya ni Madame Naya pero mukhang hindi nagpatinag si Spencer sa boses ng kaniyang ina. "Calm down, will you?!"
"Papaano ako kakalma kung ang babaeng pinakakamahal ko ay binabastos ng sarili niyang ama, ha?!" sagot ni Spencer, hindi maalis ang tingin niya kay papa. Ginantihan niya din ng isang matalim na tingin. "What kind of parent are you? You were supposed to protect her, her hero... but you are the one who hurt her!" nangagalaiting sabi niya sa aming ama.
"S-Spencer..." mahinang tawag ko sa kaniya,
"Isang araw, nag-iisa ka nalang. Pagsisisihan mo lahat. You'll regret not watching your girs grow up and being in their lives. Sa oras na mapantanto lahat ng mga mali mo, huli na pala."
Nakatitig si Belor sa kaniya. Natigilan siya. Napaisip. Dumapo sa sahig ang kaniyang tingin. Tila nakuha niya ang ibig sabihin ni Spencer. Bumaling siya sa amin ni Calla. Napayakap ang kapatid ko sa akin. Nakatitig siya sa amin na tila pinag-aralan niya kami. Tumitig din ako sa kaniya. Nakikita ko ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata. Pilit kong labanan ang panghihina.
"Pareho kayo ng nanay mo, MC. Pareho kayong palaban, hindi sumusuko kung anuman ang gugustuhin mo..." mahina niyang sabi. "Nang nalaman niya kung ano talaga ang trabaho ko, galit na galit ako dahil alam kong iiwan niya ako at nangyari nga."
Pumikit ako ng mariin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Magagalit ba ako ng tuluyan o maaawa ako sa kaniya?
Rinig ko ang pagbuntont-hininga niya. "Kaya sa tuwing nakikita kita at nakikita ko din na hindi ka sumusuko sa pag-aaral mo, nakikita ko sa iyo si Edita..." mapait niyang sambit. "Dahil sa galit ko sa inyong ina, hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko kung saktan ko kayo. Wala na akong pakialam sa inyo..."
Idinilat ko ang aking mga mata. Humakbang ako palapit sa kaniya. Lakas-loob ko siyang tiningnan nang mata sa mata. Nasasaktan ako nang marinig ko ang mababaw niyang rason. Hindi ko alam, hindi magawang tanggapin ng aking sistema ang kaniyang dahilan kung bakit sinasaktan niya kami. Dahil lang sa galit siya sa pag-iwan sa kaniya ni mama ay sa amin na niya iyon ibubuntong. "Kung mahal mo si mama, magagawa mo namang magbago, eh. Magagawa mo naman magtrabaho nang marangal." garahal kong sabi. "Hindi mo naman kailangan pumatay para mabuhay... Mas gugustuhin pa namin umuwi ka ng payapa, mabubuhay tayo ng masaya..." kumawala na ang mga luha ko. "Pero nagpapasalamat pa rin ako, ginawa mo akong malakas at matibay. Salamat dahil nagawa kong dumepende sa sarili ko. Gusto ko nang itigil ang galit ko sa iyo, pa... ayaw ko nang magalit.. Gusto ko nang magpatawad. Gusto ko nang pakawalan lahat ng galit ko sa iyo, pagkadismaya... Lahat ng kalungkutan. Susubukan ko, araw-araw, sasabihin ko sa sarili ko na dapat kong ihinto ang lahat ng mga negatibo kong nararamdaman sa loob ko..."
"M-MC..." mahinang tawag sa akin ni Belor.
"Ikakasal na po ako, pa. Ikakasal ako sa taong tanggap ako, na hindi ako magawang saktan..."
Bakas ang medyo pagkagulat sa kaniyang mukha.
"I want to thank to my father that never was." mga huling katagang binitawan ko bago man ako humakbang paatras mula sa kaniya. Tinalikuran ko na siya. Pilit kong maglakad ng may tatag kahitw walang humpay ang pagtulo ng mga luha ko. Tumigil ako nang nasa harap ko na si Madame Naya. Tumingin ako sa kaniya, isang mapait na ngiti ang iginawad ko. "K-kayo na pong bahala, nasunod pa rin po ako sa kasunduan. Maraming po salamat..."
Tumango lamang siya na may bakas na pag-aalala sa kaniyang mukha.
Nilagpasan ko ang kapatid ko, sina lolo at lola, ang mga kamag-anakan ni Spencer. Gusto kong mapag-isa. Kailangan kong magpahangin.
Patuloy ako sa paglalakad nang biglang may humawak sa aking kamay. Napatingin ako kung sino 'yon. Si Spencer. "I'll go with you," aniya. Lumiko kami ng daan, imbis sa mismong entrance ng police station, they lead us into fire exit, wala daw nakaabang na press doon. Tutal naman ay naroon din ang sasakyan ng isang pinsan niyang si Pierson. Nagpalitan sila ng susi ng sasakyan.
Mabilis niya akong iginiya sa sasakyan ni Pierson. Habang hinihintay ko siyang makaupo sa driver's seat ay sinuot ko na ang seatbelts. Nang tagumpay siyang nakapasok ay madali niyang binuhay ang makina ng sasakyan at mabilis kaming nakaalis.
-
Napadpad kami ni Spencer sa Parke na narito lang sa Bayan, medyo malapit na kami sa malaki nilang bahay. Hapon na nang nakarating na kami dito. Mabuti nalang ay hindi na masyadong mainit ng mga oras na ito. Because it's already dusk, marami nang mga bar na nakahilera sa kabilang daan na magbubukas na.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala dahil nakausap ko sa ganoong lagay si Belor. Na nasabi ko sa kaniya ang lahat ng nararamdaman ko sa loob ng mahabang panahon. Yes, he is abusing me and my sister, both mentally and physically. It is all about power, and in this situation. He is taking all the power away from us and making us helpless. I could call him an asshole or a jerk but I decided not to do that, especially in public. Gusto kong ipakita sa kaniya at sa lahat na malayo ang ugali namin sa ugali niya. Gusto kong ipakita sa kaniya na nakuha ko ang mga pangarap ko, isa-isa, paunti-unti. Na kapag mabait ka, ipagpapala ka ng Maykapal.
"Alam mo 'yung pakiramdam na nabunutan ka ng tinik sa dibdib?" bigla kong tanong kay Spencer habang nakaupo kami sa isa sa mga bench. Pinapanood din namin ang mga tao na dumadaan sa harap namin.
Bumaling siya sa akin. "Baby doll..."
Yumuko ako. "First time ko sinabi kay Belor ang lahat-lahat..." tumingala ako sa kalangitan. "You think, mama would proud of me?"
Ramdam ko na marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. "Of course, she is."
Tumingin ako sa kaniya. "I was never a daddy's little princess, Spencer. Kaya napapansin mo, I keep pushing you away from me. Because whenever you try to show me some make affection, I don't know how to react. I don't know if you are loyal..." huminga ako ng malalim. "I don't know if I made a great choice."
"But you already did, baby doll." he said.
Mapait akong ngumiti. "Akala ko, walang katapusan ito. Kung hindi ka dumating, hinding hindi makakalabas sa madilim na lugar na iyon."
"You're very much welcome, baby doll." dinampian niya ng halik ang likod ng aking palad. Pinaglalaruan niya ang singsing na nasa aking palasingsingang daliri. "My wait is finally over... I will take you as my bride very soon."
May sumagi na ideya sa aking isipan. Matamis akong ngumiti. "Feel ko magperya ngayon." iniba ko ang usapan bigla.
Mahina siyang tumawa. "Whatever my princess wants, she gets."
Tumayo na ako't hinawakan ko na ang kaniyang kamay. Malapit lang naman ang perya dito kaya walang poproblemahin. Malapit lang din dito ang University kung saan kami nag-aaral noong Senior High palang kami! Kaunting lakad lang, ayos na.
Naalala ko pa noon na dapat magdedate din sana kami dito pero naudlot lang dahil sa bugbog sarado ako para lang mailigtas si Calla noon. Ang akala ko pa ay hindi niya ako magawang hintayin pa ni Spencer noon. Pero nagkamali ako, hinintay niya ako. Tila hindi man lang sumagi sa isipan niya ang mawawalan siya ng pag-asa dahil sobrang huli na ako ng gabing iyon.
Sumakay kami sa ferris wheel, para naman akong bata dahil sumakay pa talaga ako sa carousel. Nakakatawa lang din dahil nagseselfie pa kami habang umaandar pa ang mga rides na sinasakyan namin. Hindi lang 'yon, nagpustahan pa kami sa color wheel, riffle shooting, pati bingo eh pinatulan na namin. Laughtrip lang dahil hindi siya makapaniwala dahil doon lang siya. Binilhan niya ako ng cotton candy. Ang mas hindi namin ineexpect ay may mga nagpicture pa kay Spencer. Hinahayaan ko lang sila.
Biglang umulan! Buti ubos na ang cotton candy ko nang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis hinubad ni Spencer ang kaniyang coat saka inilagay niya iyon sa aking uluhan. Sabay kaming tumakbo palayo sa Perya. Nagtataka na nga ako kung bakit hindi kami dumiretso sa sasakyan. Tila parehong may nag-uutos sa amin na pumunta kami sa isang lugar na paniguradong safe kami pareho.
Until we reached the gazebo. Pumasok kami doon sa loob. Tinanggal ko ang coat na nasa uluhan ko. Pinagpag ko 'yon pagkatapos ay isinabit ko 'yon sa isang braso ko. Napangiwi ako. Malakas nga ang ulan. Mabuti nalang ay may masisilungan kami. Pansin ko na mas kumapal ang halamang banging na bumabalot sa gazebo na ito. Hindi ko mapigilang mapangiti nang may bigla akong naalala sa lugar na ito. Dito kami una nagkakilala at dito rin sa lugar na ito ako umamin kung ano ang nararamdaman ko para sa kaniya. Ah, memories!
Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi nang lumingon ako. Isang chinitong lalaki na mas matangkad sa akin ang nakatayo at nakasandal sa gazebo. Nakapamulsa ito. Sumilay ang isang maliit na ngiti sa kaniyang mga labi.
"Hi," bati niya na hindi mawala ang ngiti niya.
Imbis na batiin ko siya pabalik at binawi ko ang aking tingin, nagpupumigil ng ngiti. Niyakap ko ang aking sarili. Nag-aabang ako na tumila din ang ulan.
"Sungit,"
Pinili ko huwag sumagot. Kungwari tumitingin-tingin ako sa kalangitan kahit wala naman ako makikita doon pero sa loob-loob ko, natatawa na ako!
"I'm Spencer, and you are...?"
Nanatili pa rin nakatikom ang aking bibig. I pressed my lips harder!
"I assume your name is Maria Coralyn Defamente, right?" muli niyang tanong.
Doon na ako nagkaroon ng lakas ng loob upang harapin niya. "You're wrong," sagot ko.
Bago man siya magsalita ulit, humakbang siya palapit sa akin. Hindi maalis ang tingin niya sa akin. Ako naman ang hindi makatingin sa kaniya ng diretso. Tinatago ko ang aking kilig. Kasabay na umatras ako ng isa. "Kung mali ako, ano pala ang pangalan mo?"
Lumapad ang ngiti ko. Diretso akong nakatingin sa kaniyang mga mata. "Yours truly, Maria Coralyn Defamente-Hochcengco, soon."
Natatawa na din siya. "You looked like a doll... Or maybe a Goddess." pinagpatuloy pa niya.
Hindi ko na kinaya! "Sino ka ba? Ano bang problema mo sa akin?"
Nanatili siyang nakatingin sa akin na hindi rin mawala ang ngiti niya. Kusang dumapo ang tingin niya sa aking mga labi, hanggang sa nagtama ang mga mata namin. "Spencer Hochengco. Transferee noon, mapapangasawa mo na ngayon..." muli na naman gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi. "The only girl who interests me is you, my baby doll." then he gently wrapped his arms around my waist na dahilan para mapadikit ang katawan ko sa kaniya.
Hinaplos ko ang kaniyang buhok. Hindi matanggal ang tingin ko sa kaniya. I saw Spencer's hungry eyes fixed on my lips. He became aware that he was going to kiss me about the same he realized he'd die if he didn't. Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. I feel his kisses wild. His callused hands framed the smooth skin of miy face as he slnated his outh over mine. He kissed me again and again and again.
His kisses were tempestous, intense and exciting, and soon we were both and panting and breathless.
Suddenly, Spencer tore his mouth from mine. His eyes remained closed. He gently leaned his forehead into mine. "I love you so much, baby doll." he almost whispers.
"I love you too, Spencer." madamdamin kong tugon.
Spencer, ilang beses na kitang pinagtulakan noon. Nagtataka ako noong una kung bakit sobrang kulit mo. Hanggang sa unti-unti na kitang nakikilala, kung ano ang talaga ang dahilan mo kung bakit patuloy kang lumalapit sa isang tulad ko, you almost risk your life just to be with me. I can't believe that you'll wholeheartedly accept me for who I am. I am so lucky to be with you. Every time I look at you, I have to do a double take to make sure it's true. But it is always the same, because I adore you.
Always remember this, my love for you is like water. Falling countless. The beating of my heart for you is so heavy and soundless. The feeling of being in your arms is so precious and endless.
You were my star, Spencer. Finally, I saw my destiny and that is you.