"Ate san ka punta?" Napatingin ako kay Kristele na abala sa paggawa ng homeworks niya. Wala akong klase ngaun kaya naisip kong mag pa-salon at mag shopping. Lately kasi pakiramdam ko nahahaggard ako sa kaganapan sa buhay ko. I need time alone. "Sa mall," sagot ko sabay patong ng bag ko sa balikat ko. "Akala ko may date ka." Sagot niya na hindi pa din ako tinitignan. Date? San naman niya nakuha iyon? "Pwede ba? Wala akong date, at pag-aaral nga ang atupagin mo Kristele." Iritadong sagot ko. Napanguso si Kristele sabay tayo sa harap ko at naglahad ng isang hugis pusong papel. "Ano naman gagawin ko dito?" Bahagya akong kumambyo sa pagsusungit sa kapatid ko. Napaka geniune kasi ng ngiti sa akin. "Happy Valentines, ate." Ngumiti siya kaya bahagya akong natulala. Valentines ba ngaun? Se

