DAY ONE shoot was a challenging and yet fulfilling work for all of us, but for me, I had this special feeling towards the job. A personal achievement that I have to work on more. Naging matagumpay ang unang araw na iyon para sa amin kahit na nagkaroon nang hindi inaasahang pangyayari. Katatapos ko lang makausap mula sa tawag si Lander. Kinumusta ko siya at maging ang kalagayan ni Hara. Medyo kritikal pa rin daw ang lagay ni Hara dahil mas'yadong malakas ang pagkakabangga ng truck sa kotseng sinasakyan ni Hara. Dama ko ang labis na pangamba ni Lander para kay Hara at maging ako rin naman para sa babae. Nakakalungkot lamang na malaman na nasa ganoong sitwasyon ngayon si Hara lalo pa at walang kasiguruhan kung ano ang mga maaaring mangyari sa kaniya, pero naniniwala ako na bubuti at magig

