Chapter 54

2193 Words

KASALUKUYAN kaming nasa kuwarto ko ngayon nina Camille at Rose para tulungan sa pag-aayos dahil maya-maya lamang ay magsisimula na kaming mag-shoot. Hinihintay lang namin ang paglubog ng araw para mas maganda ang kuha at akma na rin sa tema. Samantalang sila Sammy, kasama ang mga team niya ang nag-aayos na sa ibaba at pinatulong ko na rin sila Ronel doon dahil mas kailangan nila ng manpower, kaysa naman dito na ako lang ang kailangang asikasuhin. Nagpresinta na rin si Ronel na siya raw ang mag-di-direk sa amin at may tiwala naman ako sa kaniya. Tutal, may background rin naman siya sa trabahong iyon dahil minsan niya na ring na-i-kuwento sa amin na isa siyang direktor ng Teatro noong nasa kolehiyo siya. "Iyan, Ma'am! Ang ganda mo. Mukha ka ng... Mrs. Azuncion," kinikilig na wika ni Rose

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD